Chapter 2

214K 10.6K 4.4K
                                    

Chapter 2


Kumakain pa rin ako ng tinapay habang tahimik lang rin si Triton na kumakain. Pansin ko na pasulyap-sulyap siya sa akin at kapag tumitingin ako sa kanya ay nag iiwas siya ng tingin. What is wrong with him?

"Triton? bakit mo ako tinitingnan?" tanong ko sa kanya habang may hawak akong tinapay.

"I am not, bakit naman kita titingnan?" sagot niya sa akin na hindi makatingin. Umiinom na siya ng gatas sa mismong kahon nito.

"Ikaw lang ba ang umiinom niyan dito Triton? You should use glass or something, huwag ka nang iinom sa kahon. Kaya mo ba 'yan ubusin?" ngumiwi siya sa akin nang sabihin ko ito.

"Just eat Euphie, papayat ang cheeks mo. Sige ka." Pang aasar niya sa akin.

"May gatas ka naman sa labi. Such a baby," I rolled my eyes.

"Where?" sinimulan niyang punasan ang labi niya. 

Sa pagpupunas niya ay umabot na ang kaunting gatas sa tungki ng ilong niya. He's funny!

"Wala na ba Euphie?" he asked.

"Wala na.." natatawang sabi ko habang nakatitig ako sa tungki ng ilong niya. Hindi niya ba makita?

"Meron pa siguro.." punas siya nang punas sa labi niya kaya hindi ko na mapigilang tumawa.

"What are you laughing at?" iritadong sabi niya. Tumayo na ako at kumuha ako ng tissue.

"Where are you going Euphie?" naalarma siya nang lumapit ako sa kanya. 

Bakit kaya nagkakaganito si Triton? We're always this close since we were kids pero napapansin ko na nagiging iwas na sila sa akin ni Ahmed simula nang mag eighteen ako.

Wala na siyang nagawa nang makalapit ako sa kanya at marahan kong dinampi sa tungki ng ilong niya ang tissue.

"Nandito Triton," umiiling na sabi ko. "Wala na!" I grinned at him.

"Wala na," he exaggeratedly copied my voice and gesture.

"Bakit parang paborito mo na yatang sabihin 'yang 'wala na' Euphie? Nasa ilong pala, akala ko sa labi? Gusto mo lang akong punasan, pasimple ka pa." I pouted.

"Kasi pati ilong mo umiinom. You keep on telling me that I am such a baby but that's a no. Kayong dalawa ni Ahmed ang mga baby, baka umiyak kayo kapag nawala ako." Pagbibiro ko sa kanya. Naupo na ulit ako sa aking upuan.

"Yeah definitely Euphie." I heard him whispered. 

Nagkibit balikat ako. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa mapansin ko na pumangalumbaba na siya habang pinagmamasdan ako.

"Huli ka!" itinuro ko pa siya gamit ang kutsarang hawak ko.

"Yes, I am staring at you. May tanong ako sa'yo Euphie, seryoso."  He looked so serious.

"Minsan ba Euphie alam mo ang ginagawa mo?" ilang segundo akong napatitig sa kanya. Hindi ko nakuha ang tanong niya.

"What do you mean? Alam ko ang mga ginagawa ko Triton, bakit may mali ba akong nagagawa sa kapwa ko na hindi ko na napapansin? I am sorry for that, just stop me if I am being too much." Baka nga may nasasabi na akong masama sa kapwa at ginagawang biro lamang ito, mabuti at nasabi ito sa akin ni Triton.

Umawang ang mga labi niya sa mga sinabi ko. 

"How can I stop you from doing that Euphie?" halos sabunutan niya ang sarili niya. 

Doing what? Bakit ayaw niyang sabihin sa akin?

"Kulbitin mo na lang ako tapos bulungan mo ako na tumigil. Na sumosobra na ako, something like that?" kinagat ko na ang tinapay habang natulala na sa akin si Triton.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now