Chapter 15

131K 7.2K 1.4K
                                    

Chapter 15


Binitawan ako ni Triton nang may isang crew ng Jollibee ang dumaan sa may tapat namin na nakakunot ang noo.

I even heard some college students from the near table saying walang forever sa Jollibee. Friend zone dito.

I can't understand them. Friend zone?

"How I hate commercials," I heard Triton's whisper.

Magtatanong pa sana ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. We're coming back to our table.

"Triton, you promised me. You won't accept something from—" he cut me off from talking.

"Yes Euphiemia but seriously, it isn't the fairy god mothers, it's the spinning wheel sweetheart and it's you." I didn't heard his last few words.

"What Triton?" tanong ko sa kanya.

"Nevermind,"

Nakarating kami sa lamesa, naghihintay na rito ang tatlong ninang ni Triton at ang bestfriend niya. Ibinaba ni Troy Ferell ang telepono ni Triton nang makita niyang papalapit kami.

"I borrowed your phone, Triton."

"You got the password?" ipinaghila ako ni Triton ng upuan.

"Always," Troy Ferell grinned.

Magkatabi pa rin kami ni Triton sila ng mga ninang niya. Binati rin ako ng mga ito pero hindi na ako sumali sa usapan. While Troy Ferell can easily get along.

Ang galang-galang ni Troy Ferell sa mga ninang ni Triton na parang ang bait-bait niya.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga ninang ni Triton, gusto pa sana kami ng mga itong ibili ng ice cream pero mahigpit na tumanggi si Triton dahil sa kagustuhan ko.

Troy Ferell didn't refuse, kaya siya lang ang kumakain ng ice cream ngayon.

"Hindi ka rin nahihiya, kilala mo ba sila Troy? Ang lakas mong magpalibre."

"Y-your—prfft fairy god mothers," natatawang sagot ni Troy.

"Aww!" agad hinawakan ni Troy ang kanyang binti sa ilalim ng lamesa.

"Hindi ka pa ba uuwi, Troy? Bibigyan na kita ng pera, pamasahe mo. Sinisira mo lang ang araw ko." Sumubo muna ito ng ice cream.

"Dito muna ako sa Enamel, ayoko nga muna sa Leviathan. Aasarin lang ako ng mga gago."

"Who wouldn't? Iniwan ka lang naman sa kalsada." Binitawan ni Troy Ferell ang kanyang hawak na ice cream. He just raised his dirty finger.

Kung ako rin kay Laura, iiwan ko rin sa kalsada si Troy Ferell. He's too noisy, annoying and bad.

Tapos na akong kumain nang tumunog ang telepono ni Triton.

"It's Ahmed," tipid na sabi nito nang mabasa ang tumatawag.

Pinagmasdan ko lang si Triton habang kausap si Ahmed, lalong kumukunot ang noo nito habang tumatagal ang usapan.

"Are you sure? Malapit na kami ni Euphie, she's excited about your gift." Sumulyap sa akin si Triton.

"No, I didn't say that! Ikaw Triton, ipinapahiya mo ako kay Ahmed!" hindi ako pinansin ni Triton.

"Are you really sure? Better luck next time, Ahmed." Nawala agad ang ngisi ni Triton sa telepono matapos ang tawag.

"A-Anong sabi ni Ahmed?" hindi agad ako sinagot ni Triton dahil nakatitig na ito Troy Ferell.

"Did you manipulate something Troy?"

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora