Chapter 6

176K 9K 2.2K
                                    

It's hard to follow your heart, if it is more confused than your head.


Chapter 6


Mabilis ang paglipas ng oras, parang kanina lang ay nagsisimula lang ang bakasyon pero ito at nakikita ko na muli ang sarili kong naka-uniporme.

Wala man lang akong nagawa sa dalawang buwan kong bakasyon, samantalang ang mga kababata ko na si Ahmed at Triton ay napakarami nang napatunayan sa loob lamang ng maiksing panahon.

They are really born for business.

Nakatayo na ako sa harap ng bahay namin habang hinihintay ang mga bisekleta ng mga kababata ko. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin kami ni Triton ng sekreto kay Ahmed tungkol sa kakaibang nararamdaman ko.

Sinubukan kong tumingin sa google kung anong nararamdaman ko pero naniniwala akong imposibleng pagmamahal ito. He is my childhood friend, I love him as a friend. I also love Triton.

Walang lalamang sa kanilang dalawa, pareho ko silang mahal. I love them but not romantically. Maybe I am just confused or something?

Agad akong ngumiti nang marinig ko ang bell sa bisekleta ni Triton, pinalagyan niya ito nang minsan kong sinabi na parang mas maganda kung meron nito.

"Good morning fat cheeks." Bungad niya sa akin na agad nagpairap sa aking mga mata.

Kasunod nito si Ahmed na nagpalapad na ngiti sa aking mga labi.

"Good morning Ahmed.." mas lumukso ang dibdib ko nang ngumiti siya pabalik sa akin.

"Good morning sunshine.."

Nawala ang titigan namin ni Ahmed nang mag ingay ang bell sa bisekleta ni Triton.

"Kanino ka sasabay?"

"I'll go with you." Nagmadali na akong naupo sa likuran ng bisekleta ni Triton at bahagya akong humawak sa balikat niya.

"Euphie, napapansin ko. Ang tagal na nang huli kang umangkas sa bisekleta ko, do we have a problem? Wala naman ako natatandang naibagsak kita." Naalarma ako sa sinabi ni Ahmed.

Ayokong sabihin sa kanya na nahihirapan akong huminga kapag sobrang lapit namin sa isa't isa.

"It's just that.." humigpit ang hawak ko sa balikat ni Triton.

Gusto kong humingi ng tulong kay Triton, alam niya kung bakit hindi ako makasabay sa bisekleta ni Ahmed.

"Masyadong mataas ang upuan sa likuran Ahmed, Euphie is a small girl with fat cheeks." Matabang na sabi ni Triton.

"Triton!" bahagya kong hinampas ang balikat niya bago ito pumedal nang mabilis.

"Stop hitting me Euphie, I did help you." Malamig na sabi nito na nagpatigil sa akin. Ramdam kong mabilis kaming naabutan ni Ahmed.

"Oh, dapat sinabi mo agad sa akin Euphie. Ipapa-adjust ko kay daddy mamaya."

"Thank you Ahmed.."

"Let's race Ahmed, ang mahuhuli siya ang manlilibre ng lunch." Agad na pagsingit ni Triton. Lagi silang ganito kapag malapit na kami sa school.

"Call, bye Euphie. Akala ko talaga naihulog na kita." Mabilis nang pumedal si Ahmed at naunahan kami.

"Yeah, naihulog mo siya Ahmed. And I damn hate that fall." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Triton.

"Humawak ka nang mahigpit fat cheeks." Binilisan na rin ni Triton ang pagpedal pero sa huli nauna pa rin si Ahmed.

"Paano ba 'yan? Ikaw ang manlilibre mamaya Triton."

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now