Chapter 37

128K 6.4K 1.1K
                                    


Chapter 37


Tulad nang napag-usapan, hindi na nga pumunta pa nang Enamel si Troy. Nagpahatid pa kami ni Triton kay Daddy sa may boundary ng Leviathan at Enamel.

"Anong dalang sasakyan ng kaibigan mo Triton? Saka na kayo lumabas ng sasakyan ni Euphie kapag nandyan na siya. Mainit sa labas." Pansin ko ang pagkamot sa ulo ni Triton mula sa rearview mirror.

Nakatingin ito sa kanyang telepono at ilang beses na itong pumipindot dito.

"Something's wrong Triton?"

"He's not replying sweetheart, pang-asar talaga si Troy."

"Sabi na sa'yo e!" I blurted.

"Or do you want me to be your driver?" tanong ni Daddy na nakapagpatigil sa amin ni Triton.

A date with your boyfriend, kasama ang Daddy?

"Daddy naman.." nakangusong sabi ko.

"A-Ano Tito.." hindi ko pa man sinisilip ang reaksyon ni Triton, base pa lamang sa pagkautal na boses niya alam kong hindi na ito sang-ayon.

Sabay kaming lumingon ni Daddy kay Triton.

He's speechless.

"I-Ikaw na lang po?"

Hinintay namin sumagot si Daddy pero humalakhak lang ito sa amin.

"I've been there, son. Don't worry, darating naman siguro ang kaibigan mo. Hindi ko rin gustong makita na unti-unti mo nang inaagaw ang baby girl ko." Madramang sabi ni Daddy na pinisil ang pisngi ko.

"Hindi ko naman po siya aagawin, she's still your baby. Right Euphie?" mabilis akong tumango kay Triton bago ako ngumisi kay Daddy.

"Just promise me Triton, no monkey business. Gaya nga ng sinabi mo, my little girl is still a baby. But I trust you, hijo." Daddy said with affirmation.

"Of course Tito, I am a good boy. Hindi ba Euphie?"

"Y-Yes, he's a good boy Daddy." Ramdam kong biglang nag-init ang pisngi ko.

Good boy naman talaga si Triton, hindi naman siguro masama ang pumasok sa kulambo ko? Natulog lang naman kami nang sabay. And Triton didn't do anything that night.

Pumunta siya sa kwarto ko para patulugin ko siya, pero mukhang kabaliktaran ang nangyari sa amin ni Triton kagabi.

We're in the middle of waiting for Troy's whatever car when we heard Triton's phone.

"Where are you? Kanina pa kaming nandito ni Euphie, I gave you the exact time." Agad na salubong nito sa telepono.

Ilang minuto muna silang nagtalo ni Troy bago nito ibinaba ang tawag.

"Pupunta siya?" nagtatakang tanong ko.

"He's here,"

May pumarada sa aming harapan na kulay itim na Ford Ranger.

"Apo ni Don Ferell ang kaibigan mo, hindi ba Triton?"

"Yes, the youngest. Yung nachichismis po na magmamana ng lahat. My rich T bestfriend." Ngising sagot nito kay Daddy.

Ilang beses lang naman tumatango si Daddy habang nakatingin sa unahan.

"Let's go sweetheart. Bye Tito, salamat po." Lumapit sa akin si Daddy, mabilis akong humalik sa kanyang pisngi.

"Ingat sa pagda-drive Daddy. Uuwi rin ako mamaya."

"Mag-ingat rin kayong tatlo."

Si Triton na ang nagbukas ng pintuan ko, inalalayan niya ako, narinig kong muli siyang nagpaalam kay Daddy bago nito isinarado ang pinto.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now