Chapter 10

150K 8.2K 2.2K
                                    

Chapter 10


Umawang ang mga labi ni Britanny sa sinabi ko. Handa na siyang sugurin ako sa aking upuan pero napigilan siya ng mga kasama niyang mga officer.

Eksaherada siyang umirap sa akin bago niya ako tinalikuran habang hawak ng mga kasama niya ang kanyang balikat. Huminga ako ng maluwag, hindi ko alam ang gagawin ko kapag natuloy ang pagsugod niya sa akin. Hindi ako tinuruan ni mommy na makipag away.

At lalong nakakahiya na mabalita ito sa buong school, nagalit siya sa akin dahil inagaw ko sa kanya si Triton? Bakit ko naman aagawin sa kanya si Triton? He's my childhood friend. Siguro ay tatanungin ko na lang mamaya si Triton tungkol dito.

Bahagya akong natigilan sa naiisip ko, lalo na nang maalala ko ang mga message nila sa akin ni Ahmed. Why everybody is so strange today?

"That was intense, pahiya siya. May pagkamaldita ka rin naman pala, akala ko magpapaapi ka." Kibit balikat na sabi ng bakla na sinusuklayan na ang buhok ko. Ngumuso ako sinabi niya.

"Hindi ko inisip na ipahiya siya. Sinabi ko lang ang nasa isip ko. Sinabi rin sa akin ni mommy na sanayin ko ang sarili kong maging kalmado lalo sa ganitong sitwasyon." Ngumisi sa akin ang bakla.

"Because the best decision will always come from a person's calm state." Dagdag ko.

"I like your personality girl, nang-aasar at nakakasampal ka na hindi mo pa alam." Nang-aasar? I don't intend to do that.

"So you're not going to bald my head?" kinakabahang tanong ko sa kanya habang kinukuha na niya ang gunting.

"Yes, sila ang kumuha sa akin pero hindi pa nasisira ang ulo ko para kalbuhin ka. You're a good girl, siya ang dapat kalbuhin. Napakabait mo, ayos lang sa'yo na magpaiksi ng buhok para makatulong, itong mga officer na ito wala man lang gustong magpagupit."

"Sila naman ang nag organize nito." Sagot ko. Umismid lang siya sa akin.

"Oo nga pala, hindi tatanggapin ang mga buhok nila. Their hairs are not virgin anymore. Itong sa'yo birhen na birhen pa, hindi mo ba ito pinapahawakan sa boyfriend mo kaya ganito kaganda?" bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Wala akong boyfriend." Siya naman ang umawang ang mga labi sa sinabi ko.

"Oh my, ang ganda mong bata. Bakit hindi ka pa nag bo-boyfriend? Bulag ba ang mga kalalakihan sa university na ito? Kaya naman pala ganito kaganda ang buhok mo, hindi pa nadadapuan ng sumpa." Natatawang sabi niya sa akin.

Sumpa? I don't get it.

"So wala pang nakakahawak dito?" nawala ang ngisi ko nang pumasok sa isip ko si Triton. Lagi niyang nilalaro ang dulo ng buhok ko.

"Oh, mukhang may nakahawak na." Malisyosong sabi nito sa akin.

"Euphie!" sabay kaming napalingon ng bakla sa dalawang boses ng lalaki mula sa gawing kanan namin.

Why are they here? Hindi ba sinabi ko sa kanila na mauna na sila sa akin?

Pareho silang nakangisi sa akin habang hindi naman ako makangiti sa kanilang dalawa.

"Oh, oh, sino sa kanilang dalawa ang nakahawak? Putulin ko na ang buhok mo Ms. Euphie, ang haba na talaga. Ang gagandang lalaki, infairness." Bulong niya sa akin.

Humarap na lamang ako sa salamin at bahagyang ngumuso sa sinabi ng bakla.

"They're both taken."

Narinig ko pa na nagsalita ng ibang lengguwahe ang bakla, hindi ko na ito gustong alamin pa. Mabilis natapos ang paggupit sa buhok ko at hanggang balikat ko na lamang ito.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now