Chapter 17

115K 6.4K 2.7K
                                    

Chapter 17


Hanggang sa makarating kami sa school ay hindi ko nasabi kay Triton. I was so nervous during my entire subjects.

Especially the next subject, Foreign language. Lalo na at kaklase ko silang dalawa pero mukhang pinag-usapan nila na hindi pumasok para sa akin.

I feel bad about it.

Kung patatagalin ko pa, lalong maapektuhan ang dalawa. Vacant namin ngayon at nagkakagulo ang ilang classmate ko nang dumalaw sa isang babae si Dash Anthony Bello, sikat na basketball player ng school.

He was also my crush before, pero nawala nang matalo niya sa basketball ang grupo ni Ahmed at Triton noon sa court ng bayan namin.

I was cheering for my childhood friends, pero tinambakan lamang sila. Si Triton at Ahmed lang kasi ang magaling. While the other team were all moving. Pero mayayabang sila, not like Ahmed and Triton.

That's why Bello isn't not my crush anymore, magsama sila ng apo ni gobernor. Mayabang sila ni Arellano.

They are both bad.

Pero nagugulat ako kapag nakikilala nila ako. Hindi ko nga sila nakakausap. Yumuko na ako para hindi na ako tawagin ni Bello.

"Hi cute Euphie! Sabihin mo sa mga kababata mo, laro ulit kami. Medyo masakit ang paa ko, baka manalo na sila sa akin." Umirap ako sa kanya.

"I don't talk to strangers!"

Tinawanan niya lamang ako. Hindi ko na siya pinansin at inilabas ko ang phone ko.

I texted Triton.

"C-Can we talk?" tulad nang lagi kong pag-text kay Triton, mabilis lang siyang nagreply sa akin.

"Name the place, Euphie."

"After class, sa classroom ko na lang."

"Alright,"

Hindi na pinahahaba pa ni Triton ang usapan namin, ngayon ay tipid na ang sagot niya.

I texted Ahmed at sinabi ko sa kanya na kung pwede ay umuna na siya. I told him that I'll talk to Triton.

"Oh, okay. Ingat kayo."

Natapos na ang klase at hindi ko na alam ang gagawin ko para pakalmahin ang sarili ko. Papaano ko ba sasabihin sa kanya?

Kung hindi pa ako pipili, lalo lamang kami mahihirapan tatlo. Ilang beses akong huminga nang malalim nang marinig ko ang boses ni Triton.

"Euphie?"

"Triton, dito.." nanatili akong nakaupo sa aking pwesto.

Magkahawak ang mga kamay ko habang nagsisimula na siyang lumapit sa akin. Kumuha siya ng upuan at iniharap niya ito sa akin.

Ilang minuto kaming tahimik bago ako nagpasyang magsalita. Come on Euphie, talk to him.

Wag mo nang abalahin pa si Triton.

"A-Ano.."panimula ko.

Nakatitig lang sa akin si Triton. At kumikirot ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang kanyang mga mata. He never showed me this kind of expression.

Gusto ko nang umiyak sa gagawin ko. I don't want to hurt him, I don't want to do something bad for him.

Hindi ko alam kung saan ba ako tititig, sa kanya ba? Sa lamesa? Sa mga kamay ko? Kinakabahan ako.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now