Chapter 7

150K 8.4K 2.4K
                                    


Chapter 7


Nang sabihin sa akin ni Triton na bati na kami at hindi na siya galit, nawala ang pagkabalisa ko. Kahit lagi kaming mag kaaway ni Triton, hindi ko pa rin gusto na magtatagal ang pagtatampo niya sa akin lalo na at alam kong ako ang mali.

Mahirap magtampo si Triton, ilang araw niya akong hindi pinapansin. Mahirap siyang suyuin, kung hindi pa ako tutulungan lagi ni Ahmed titiisin talaga ako ni Triton na hindi pansinin.

Bahagya pa rin siyang nakasubsob sa kanyang lamesa at ramdam kong nilalaro pa rin niya ang dulo ng aking buhok.

What is he doing? Pansin ko na napapasulyap na rin ang ilang kaklase namin na na kahilera ko.

Gusto ko siyang sawayin pero baka lalo nang magalit sa akin si Laoshi, kaya mas iniharang ko na lamang ang sarili ko kay Triton para hindi siya makita ni Laoshi at pagalitan.

Nagsimula na akong makinig kay Laoshi at habang nakikinig ako sa kanya ay sinisimulan kong basahin ang notes ko.

"Mr. Montgomery! Are you sleeping inside my class?" naalarma ako sa malakas na boses ni Laoshi.

"No Laoshi, may inaabot lang ako sa ilalim ng lamesa." Pangangatwiran niya dito.

Nakatayo na siya at nakatingin ang buong klase sa kanya. Pansin ko na kapwa nakakunot ang noo ng ilang kaklase namin na alam ang totoong ginagawa ni Triton kanina.

Why is he playing with my hair? Nang aasar na naman siguro siya sa akin.

"Ayusin mo ang pag upo mo."

"Yes Laoshi, I'm sorry."

Bago nagsimula si Laoshi ay bahagyang lumingon sa amin si Ahmed habang naiiling. Ngumisi lang ako sa kanya at alam kong ganito rin ang ginawa ni Triton sa aking likuran.

Mga kalahating oras pa ang lumipas bago natapos ang huling klase namin sa umaga. Dahil talo si Triton kanina, siya ang manlilibre ng lunch namin.

"Babe!" sabay kaming napalingon tatlo sa boses ni Britanny.

Agad niyang ipinulupot ang kanyang braso kay Triton.

"How's your last class?" ngumisi sa kanya si Triton.

"Great, kumain ka na?"

"Hindi pa, your treat. Ang tagal na natin hindi kumakain ng sabay, busy kasi ako sa council." Napasulyap sa akin si Britanny.

"Babe, sabay kaming tatlo kakain ngayon. Sumabay ka na lang, okay lang Euphie? Ahmed?" tanong sa amin ni Triton.

"Oh, the childhood friends. Hi Ahmed,Euphie." Bihira lang bumati sa akin si Britanny, kapag kasama niya lang si Triton.

"It's fine." Tipid na sagot ko.

"Ahmed, hinahanap ka ni Syd. Hindi ba kayo sabay maglulunch?" tanong nito kay Ahmed.

"Really? She just texted me, sabi niya bukas na lang daw kami magsabay kumain. May importante siyang pupuntahan ngayon." Pansin ko saglit naalarma si Britanny sa sinabi ni Ahmed.

"Oh, baka nagbago ng isip. Sinabi niya kasi sa akin na magsasabay daw kayo." Sinabi ito ni Britanny na may kasamang kibit balikat.

Tumango na lamang sa kanya si Ahmed.

"So you'll join us?" tanong ni Triton sa girlfriend niya. Bahagya itong ngumuso at pinapungay niya ang kanyang mata.

"I want us alone, you're not spoiling me anymore Triton." Nailing lang sa kanya si Triton.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now