SEASON 1

137K 1.8K 416
                                    

PILOT EPISODE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PILOT EPISODE


FADE IN

EXT. MANSION DE BAROSA. UMAGA.

Makikita ang isang manor na magiting na nakatindig mula pa noong labingwalong siglo, panahon ng mga Espanyol. Bakas ang katandaan ng lumang mansyon ngunit hindi pa rin kumukupas ang kapangyarihan na taglay ng mga nag mamay-ari nito, ang mga Barosa.

Sa entrada, sopistikadang nakatayo ang isang Donya, ang asawa ng kasalukuyang Primero Propietor na nangangahulugang "The Chief Owner" ng buong Hacienda Barosa, na walang iba kundi si Donya Alizandra Bettina Lisano-Barosa. Suot ang kanyang shades, pati na rin ang floppy hat na bagay sa kanyang pixie haircut, nagpapaypay siya dahil kakagaling lang niya sa pangangabayo bilang bahagi ng kanyang daily routine sa malawak na bakuran ng kanilang manor.

Nasa mid-50's na si Donya Bettina ngunit hindi pa rin natitinag ang mataas niyang kilay at prestihiyosang kagandahan na pinamana pa ng mga Mestizong Intsik nilang ninuno, ang mga Lisano.

Pinagmamasdan ni Donya Bettina mula sa entrada ang kanyang mga tauhan, inaayos at pinapaganda ng mga ito ang mga halaman, may nagwawalis, at naglilinis ng kanilang malaking fountain na may estatwa ng anghel sa gitna.

Maya-maya ay lumapit ang katulong na si Janine habang dala-dala ang isang baso ng orange juice.


JANINE

Senyora Bettina, heto na po 'yung inutos niyong orange juice.

(sabay abot ng baso gamit ang dalawang kamay at sinabayan ng bahagyang pagyuko bilang paggalang)


DONYA BETTINA

(Kinuha ang baso mula kay Janine)

Sige, Janine, bumalik ka na sa kusina.

(Nang umalis si Janine ay humigop siya sa baso.)


Habang pinagmamasdan ni Donya Bettina kung ano ang ginagawa ng kanyang mga tauhan ay hindi niya maiwasang magmuni-muni. Iniisip niya ang bawat misteryo ng mundo at kung saan ba nagsimula ang lahat.

Biglang sumingit si Marilyn, ang ambisyosang Vice-Mayordoma ng mansion, ngiting ngiti ito at halatang sipsip,tsismosa at plastic.

MARILYN

Donya Bettina, okay na po 'yung mga bagahe niyo, ready na pong ilagay sa kotse.

(Tagaktak ang pawis dahil binuhat niya ang anim na maleta galing second floor)

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon