EPISODE 34: Sabriela's Night

8.9K 296 23
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


EPISODE 34: Sabriela's Night


ANG NAKARAAN:

Nagsalo ng pagmamahalan sila Marlon at Margot, wala ng makakapigil sa nagbabaga nilang mga damdamin. Binalikan ni Macoy ang mapait na kahapon at nabunyag ang madilim na nakaraan kung bakit niya gustong maghiganti sa mga Barosa. Samantala, si Misha ay nakaisip ng paraan, nais niyang gamitin si Kenneth sa kanyang sariling interes.

KASALUKUYAN:

Nagdaan ang maraming araw, sa kabutihang palad ay hindi pa kumikilos ang masasamang rebelde. Payapa naman ang Hacienda Barosa, hanggang sa dumating ang nakatakdang araw—ang pagpapakilala kay Anna Sabriela bilang isang ganap na Barosa.


EXT. AERIAL VIEW NG HACIENDA BAROSA. UMAGA.

Abalang abala ang mga tiga-hacienda sa kanikanilang nakasanayang gawi araw-araw. Malilipat ang aerial view sa pinaka-sentro ng kapangyarihan ng hacienda—ang Manor de Barosa.


EXT. MANOR DE BAROSA. UMAGA

Magiting na magiting pa ring nakatindig ang mansion ng mga Barosa. Abalang abala ang mga tauhan ng mansion sa paglilinis sa labas, may mga nagwawalis, may mga nag-kukuskos ng sahig at hagdan, may mga hardinerong nagdidilig at nagggugupit ng mga halaman.

Back to work na si Madam Aurora the Mayordoma, nakatayo siya sa may gitna habang sinusupervise ang mga katulong at tauhan, siya ay tila isang maestrong kumukumpas sa isang orchestra o direktor ng isang pelikula.


INT. DINING HALL AREA NG MANSION. UMAGA.

Kumakain si Andrew ng kanyang agahan, nakatayo naman sa gilid ang kanyang PA na si Carmela, inalok niya itong kumain ngunit tinanggihan siya.

Dahil PA na ni Andrew si Carmela, hindi na nakasuot si Carmela ng mga lumang damit na blusa at saya, binilhan siya ni Andrew ng mga pang-office na damit. Naka-make up na rin si Carmela at classy ang pananamit, kaya hindi na siya mukhang magsasaka. Mas gumanda lalo ang inyong mother.


CARMELA
N-ngayon na ang araw na ipapakilala si Sabing bilang isang Barosa hindi ba?


ANDREW
(Sumubo ng malaki bago sumagot.)
Yes, bitch. This is D day of your daughter. May party para sa kanya mamaya na si Leiah mismo ang nag-organize, imbitado ang Alianza, ilang mga usi, at media.


CARMELA
Pwede ko bang makausap ang anak ko?

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon