EPISODE 23: Nagsisimula Pa Lang

8.6K 324 35
                                    

EPISODE 23: Nagsisimula Pa lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPISODE 23: Nagsisimula Pa lang


INT. BEDROOM. UMAGA.
Mula sa bintana ay papasok ang liwanag ng araw at saktong tatama ito sa nahihimbing na si Leiah. Mapapakislot siya at unti-unting mumulat ang mata. Medyo mapapangiwi siya dahil sa sakit ng ulo, hangover. Dahan-dahang babangon at mapapansing nasa ibang kwarto siya.
Malaki ang kwarto, pero mas malaki pa rin ang silid niya ng doble, at halatang lalaki ang may-ari base sa disenyo ng interior, gray, black and white ang motif at amoy panlalaki ang pabango.


LEIAH
Where the hell I am?


Medyo wala siyang maalala at higit sa lahat kahit bagong gising siya at may hangover, on-fleek pa rin ang kanyang kilay, pak pa rin ang kanyang make up at straight na straight ang kanyang buhok. #WokeUpLikeThis
Mapapansin din ni Leiah na iba ang kanyang suot, isang puti at oversized shirt, naka-panty lang siya at walang suot na bra. Iisa lang ang posibleng nangyari, may nangyari nga ba?
Tumayo si Leiah at kaagad siyang lumabas, okay lang dahil abot tuhod niya ang haba ng t-shirt. Lalabas siya at mapapansin na sa ikalawang palapag pala ang kwarto. Makakaamoy siya ng masarap at bababa siya.
Makakarating siya ng kusina at doon matatagpuan niya na nagluluto ang sexy hunk na si Pietro, naka-topless pero naka-apron.


PIETRO
(Haharap at di man lang magugulat.)
Gising ka na pala.


LEIAH
Where are we?


PIETRO
Ibañez Manor.


LEIAH
(Aarteng sasakit ang ulo.)
Uhm...


PIETRO
Umupo ka muna at ihahanda ko lang 'to.


LEIAH
(Uupo sa stool.)


PIETRO
(Ihahanda ang nilutong almusal sa mesa at uupo kaharap ni Leiah.)
Kamusta?


LEIAH
(Medyo mag-aalangan.)
About last night...


Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon