EPISODE 27: Before the Wedding

8.3K 319 28
                                    

EPISODE 27: Before the Wedding

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPISODE 27: Before the Wedding


ANG NAKARAAN SA HACIENDA BAROSA:
At dahil sobrang tagal mag-update ng author ay kailangang magkaroon ng quick recap upang maalala ng mga cute na readers na naghihintay ang mga naging pangyayari sa loob ng hacienda.

Pagkatapos mailibing ang namayapang si Don Rico Andreigo aka Andy ay sa anak ni Gwenella na si Gio napunta ang titulo ng Primo Propietor.  Samantala, si Leiah, ang panganay na anak ni Don Rico, ay tinanggap na rin sawakas ang proposal ni Pietro na magpakasal bilang estratehiya na mabawi ang titulo ng Primo Propietor. Si Misha naman ay babalik sa hacienda upang gumawa ng research na ika-popromote niya bilang associate professor sa unibersidad na pinapasukan. Si Margot naman ay nanatili pa ring unemployed, kasalukuyang tumutulong sa charity ng tiyuhin na si Andrew at abala sa pakikipaglandian---este pakikipag-develop-an ng nararamdaman kay Marlon, isang Mortel na nais maghiganti sa mga Barosa. At si Sabriela, ang isa pang anak ni Andy kay Carmela na isang tauhan sa hacienda, ay tumakas sa mansion at sa huli siya'y nadapuli ng kanyang former boss na si Abraham.

Sa tagal ng pag-aupdate, ano na bang nangyari sa ating mga tauhan sa Hacienda Barosa? 



INT. CRAM'S RESTAURANT.

Kung natatandaan niyo pa kung saan nagtrabaho noon si Sabing ay dito siya dinala ng kanyang hunk na boss na si Abraham. Walang customer dahil matumal ang bisita sa resort at may iilang staff lang ang naroon. Halos kaladkarin ni Ram papasok sa loob ang ating pretty girl na si Sabing.


SABRIELA
B-boss Ram, ano po bang atraso ko sa inyo?
(Confused niyang sabi and of course pretty pa rin.)


ABRAHAM
Wag ka ng magmaang-maangan pa, ikaw ang nakasira ng mga gamit sa kitchen kaya hindi ka na sumipot sa trabaho!


SABRIELA
(Na-shookt sa baseless accusation ni Boss Ram.)
H-huh? Hindi ko po alam ang sinasabi niyo.


'Di kalayuan ay nanunuod sa kanila ang kunwaring nagwawalis na si Lolet, at base sa kanyang itsura ay tiyak na siya ang totoong salarin at tinuro lang niya si Sabing at ginamit ang biglang pagkawala nito sa trabaho upang lalo siyang madiin.

  Well, wala silang kamalay-malay sa nangyari sa buhay ni Sabing, na naging instant heredera ang ate girl niyo, at 'di lang basta heredera, isa lang naman siyang Barosa na nagmamay-ari ng buong hacienda kasama ang resort na 'to.  

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon