EPISODE 37: Kapalaran

11K 286 17
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


EPISODE 37:  Kapalaran


ANG NAKARAAN:

Nagsimula nang kumilos si Leiah at Pietro sa kanilang mga plano upang makuha ang boto ng taumbayan. Samantala, tinutulan ni Leiah ang relasyon nila Margot at Marlon, sa huli, nagpasya ang dalawa na magtanan at magsama.

KASALUKUYAN:

Habang nagpapagaling si Gio ay napag-usapan ng pamilya Barosa na si Gwen muna ang magpapatakbo ng hacienda, tutulungan siya ng mga kapatid na sila Andra at Andrew. Samantala, kumalat na rin sa buong hacienda ang proyekto at propaganda ni Leiah at Pietro na siyang kinabahala ni Misha.


INT. KWARTO NI MISHA. GABI.

Naka-upo si Misha sa sofa, maraming nagkalat na libro, research materials, at bukas na laptop sa lamesita. Humihigop siya ng kape habang nakatingin sa kawalan, biglang may kakatok.


MISHA
(Ilalapag ang kape sa lamesita.)
Pasok.


Papasok sa loob ng silid si Aurora o Yaya Au, ang mayordomang kababalik pa lamang. Nakasuot ito ng simpleng kamesita, at kaagad siyang tumabi kay Misha.


AURORA
Kamusta naman, Misha?


MISHA
Medyo stressed lang, Yaya.


AURORA
(Hindi na nagpaliguy-ligoy pa.)
Sinasabi ko na nga ba at may intensyon pa rin si Leiah sa trono.


MISHA
(Mapapatingin kay Aurora.)


AURORA
(Titingin kay Misha.)
Pinag-uusapan ngayon sa buong hacienda ang binabalak nilang pagpapatayo ng turismo.


MISHA
(Titingin ulit sa kawalan.)
So, nagsimula na siya.


AURORA
(Uusod ng konti palapit kay Misha.)
Anong balak mo, hija?


MISHA
(Titingin ulit kay Aurora.)
Yaya, alam ni Ate Leiah kung paano pa makuha ang trono ng Primo Propietor.

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon