EPISODE 10: Iisa pa lamang

12.7K 445 88
                                    


EPISODE 10:Iisa pa lamang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPISODE 10:Iisa pa lamang


EXT. MASUKAL NA GUBAT. HAPON.

Hingal na hingal silang parehas, tagaktak ang pawis at hapung-hapo ang mga katawan. Huminto lang sila Margot at Marlon sa pagtakbo nang masiguro nilang wala ng nakakasunod sa kanila. Parehas habol ang hininga, napasandal si Margot sa puno at si Marlon naman ay hinubad ang t-shirt para ma-expose na naman ang kanyang golden abs.


MARGOT

J-just what the hell is happening?

(Mangiyak-ngiyak)


Inabot sila ng hapon kakatakbo at tila pakikipaghabulan kay kamatayan. Walang ka-ideideya si Margot kung sino ang mga goons na kagabi pang gustong pumatay sa kanya.


MARLON

Kumalma ka lang—


MARGOT

Kumalma?!

(Napatayo dahil hindi napigilang mainis sa narinig. Nanggigil siya kahit gwapo si Marlon.)

Una, na-hijack ang kotse ko. Pangalawa, muntik na akong ma-kidnap. At pangatlo, dahil don hindi pa rin ako nakakauwi sa amin! At ngayon! May gusto pa ring pumatay sa'kin?!


MARLON

(Lumapit kay Margot at pasimpleng hinawakan sa magkabilang balikat para pakalmahin ito.)

Hey, walang magandang maidudulot ang galit at panic.

(Kalmado pa rin ang papa niyo kaya tila napaamo naman niya si Margot dahil narealize niya na sobrang lapit na niya sa oozing sexy body ni Marlon.)


MARGOT

(Umiwas at medyo lumayo kay Marlon.)

Okay, look, I'm sorry kung ikaw ang napagbubuntungan ko ngayon. Kailangang kailangan ko ng maka-uwi, so please...


Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon