END OF SEASON 1

14.5K 304 72
                                    


PAGTATAPOS NG UNANG YUGTO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGTATAPOS NG UNANG YUGTO


Mabilis na lumipas ang panahon, matapos kausapin ni Gwen ang mga rebelde, hindi ang mga rebeldeng masasama, ay nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan sa buong Hacienda Barosa.

Bumalik sa normal ang buhay ng lahat maliban sa lihim na tagisan sa pagitan nila Leiah at Misha na parehas na kinukuha ang loob ng taumbayan.

Si Leiah, sa tulong ng asawa na si Pietro, ay kasalukuyang inaasikaso at pinapalaganap ang kanilang plano para gawing turismo ang loob ng hacienda.

Si Misha, sa tulong ng dating nobyo na si Kenneth, ay pinakikinggan ang bawat pangangailangan ng mga mamamayan gamit ang abogadong si Kenneth.

Si Sabriela naman, matapos ipakilala at opisyal na kinilala bilang Barosa, ay pinadala na sa Maynila para mag-aral.

Samantala... Walang kaalam-alam ang lahat na lihim na nagpakasal sila Margot at Marlon. Matapos magtanan ng dalawa ay tumira sa sila isang malayong probinsya at siniguro nilang hindi sila basta-basta matatagpuan.


INT. CLINIC. TANGHALI.

Magkahawak kamay ang mag-asawang Margot at Marlon habang iniintay na inanunsyo ng doktor ang resulta.


DOKTOR
Congratulations, mister and misis. Baby boy ang anak niyo.


Mapapayakap si Margot kay Marlon at masaya silang lalabas ng clinic.


MARLON
Mag-isip na tayo ng pangalan.


MARGOT
Hmm... Since parehas nagsisimula sa letter M ang pangalan natin... At boy ang baby natin... How about...


MARLON
Renmar? From your name Renee and my name Marlon.


MARGOT
(Tumawa.)
Ang korni! Ayoko nun!


MARLON
Sige, isip pa tayo ng iba.


MARGOT
How about Matteo?


MARLON
Hmm... Let's think through this once we got home.


Ang hindi nila alam ay may kanina pa nakasunod sa kanilang dalawa, ang buong akala nilang walang nakahanap sa kanila pwes ay nagkakamali sila dahil nasundan sila ni Macoy.

Kanina pa ito nakasunod at alam din ang naging resulta.


MACOY
(Mula sa malayo, nagyoyosi. Bubuga muna ng hangin.)
So, it's a boy, huh.
(Itatapon sa lupa ang yosi at aapakan.)
What an irony. Margarita doesn't know that she might be the next Primo Propietor—once his cousin's gone.


At wala ring kaalam-alam na sila Leiah at Misha na may nanalo na sa laro, walang iba kundi si Margot—iyon ay kung ipaglalaban ni Margot ang kanyang karapatan.


-END OF SEASON 1-
11/20/18



-xxx-

A/N: Maraming salamat sa pagbabasa! Kitakits sa Season 2! 

A B A N G A N
ANG SUSUNOD NA YUGTO NG MGA BAROSA.




ITUTULOY...

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon