EPISODE 6: Grand Entrance

16.5K 560 147
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


EPISODE 6: Grand Entrance


INT. SIMPLENG BAHAY. KWARTO. GABI.

Unti-unting dumilat si Margot at tumambad sa kanya ang nakasisilaw na liwanag galing sa fluorescent light. Mapapakunot siya nang maramdaman ang sakit sa katawan. Susubukan niyang bumangon pero napangiwi siya sa sakit.


MARLON

Easy. Huwag kang gumalaw.

(Deep and manly voice pero medyo malambing.)


At makikita ni Margot sa gilid niya ang mukha ng isang estranghero, at dahil against the light ay hindi niya iyon maaninag mabuti. Napabalikwas ng bangon si Margot kahit na masakit ang katawan at kaagad siyang inalalayan ng estranghero na ngayon ay mas nakita niya ng mabuti ang mukha.

Oh my holy cow, ang gwapo nito! Kasing gwapo ni Adonis, may maamong anyo, mga matang mapang-akit, makapal ang kilay, tisoy, at tila nililok ng griyego ang perpekto nitong panga, itim na itim ang buhok na medyo gulu gulo. Rugged pero mala-anghel.


MARGOT

S-sino ka?


MARLON

Isang 'di hamak na delivery boy.


May ganito bang kagwapong delivery boy? Naisip-isip ni Margot.


MARLON

Pasensya ka na, miss. Nagmagandang loob lang naman ako na tulungan ka.


Atsaka tila nagising si Margot sa katotohanan. Bigla niyang naalala ang mga pangyayari na akala niya ay isang panaginip. She was almost kidnapped and her precious car from her dad was...Oh and her dad! Kailangan na niyang pumunta sa burol nito!


MARGOT

I... I need to go.

(Tinangka niyang umalis sa kama pero mahina pa siya.)


Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon