EPISODE 31: Thriller Night

7.7K 280 46
                                    

EPISODE 31: Thriller Night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPISODE 31: Thriller Night


ANG NAKARAAN:

Nalaman na ni Leiah ang kasaysayan ng Hacienda Barosa nang isalaysay sa kanya ni Pietro, at ipinagtapat din nito na mayroong kopya ang kanilang pamilya ng Las Historias de Barosa, kung kaya't alam niya ang kasaysayang ng pamilya Barosa.

Dahil nakakabasa at nakakaintindi ng Espanyol si Misha ay natuksalan na rin niya ang kasaysayan ng kanilang mga ninuno. Ngayon, parehong alam na ni Leiah at Misha ang tungkol sa lihim na sistema ng pagpili ng Primo Propietor sakaling walang lalaki ang magmana nito. Ang 'El Portador Primogenito' o ang The Firstborn Bearer, kung saan ang magmamana ay may panganay na anak na lalaki, at ang 'El Gobernante del Pueblo' o ang The Chosen of the People, kung saan ang taumbayan ang mamimili ng kanilang pinuno.

Parehas aware si Leiah at Misha sa threat ng mga rebelde, at parehas nilang naiisip na malaki ang tsansa na mapunta sa kanila ang titulo ng Primo Propietor.

KASALUKUYAN:

Noong ding araw na 'yon ay kumalat ang balita na magreretiro na si Madam Z, ang master oracle ng mga Barosa. Dumating ang kanyang anak na si Therese upang ipagpatuloy ang tradisyon.


INT. LIVING ROOM NG MANSION DE BAROSA. HAPON.

Nakaupo sa couch si Gwen, katabi ang kanyang anak na si Gio, medyo stressed pa rin ang mamshie natin dahil sa nangyaring pagsabog noong nagdaang gabi.


MADAM Z
(Biglang dadating mula sa second floor.)
Gwen.


GWEN
(Tumayo at lumapit kay Madam Z.)
Madam Z.


MADAM Z
Ipinakikilala ko sa'yo ang papalit sa akin, ang anak kong si Therese.
(May sinenyasan di kalayuan.)


THERESE
(Lumapit sa kinaroroonan nila.)
Magandang hapon ho. Ako nga ho pala si Therese.
(Medyo matinis ang boses.)

GWEN
It's nice to meet you, Therese.
(Nakipagbeso kay Therese at humarap kay Madam Z.)
Madam Z, I'd like to consult something before you go.


THERESE
Maiwan ko na muna po kayo.
(Umalis.)

Pumayag naman si Madam Z at pumunta sila ni Gwen sa may garden para mag-usap. Samantala si Andra naman ay nakapamanewang na pinagmamasdan sila, nakabusangot ang mukha.

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon