EPISODE 26: Naive

9.6K 317 72
                                    

EPISODE 26: Naive 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPISODE 26: Naive 


EXT. HACIENDA BAROSA. GABI.
Hindi pa malalim ang gabi, sunud sunod na naman ang tila parada ng mga mamahaling sasakyan sa kalsada papuntang Manor de Barosa.

INT. MANOR DE BAROSA. CONFERENCE HALL. GABI.
Nagtipun-tipong ang puno ng bawat pamilya ng kasapi ng Alianza. Narito sila ngayon upang makita ang bagong Primo Propietor, at lahat sila ay iisa ang inaasahan ngayong gabi, walang iba kundi si Leiah, pero lingid sa kanilang kaalaman, dahil ignorante sila sa sikretong "tradisyon" ng mga Barosa, na kailanma'y hindi pa nagkakaroon ng babaeng Primo Propietor.


HOST
(Mahabang intro.)
... Let us all welcome the sixth Primo Propietor of Hacienda Barosa
(Bubukas ang malaking pinto.)
Giovanni Barosa.


Magugulantang ang lahat ng kasapi ng Alianza nang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila ang makisig na bagets si Gio. Makikita sa mukha ni Gio ang niyerbos at pag-aalinlangan. Ano ba naman kasi ang alam ng isang kinse anyos sa politiko at negosyo? Lalo pa't akala mo ampon ka tapos hindi naman pala? (Amponception)


DON TORRERO
Dios mio! Anong ibig sabihin nito? Nasaan si Leiah?
(Napatayo pa sa kinauupuan.)


DOÑA NACIONAL
A-anong ginagawa mo rito, mijo?


Napuno ng agam-agam ang buong silid habang si Gio naman ay nanatili lang nakatayo, 'di alam ang gagawin. Maya-maya'y mananahimik ang lahat nang pumasok sa loob si Attorney Guerrero at ang inyong Mamshie Gwen, gwapisimang gwapisima sa kanyang simple white one-piece dress matchy sa kanyang pearls.


DOÑA NACIONAL
Gwenella!
(Windang siya nang makita ang asawa ng kanyang anak.)
What is the meaning of this?


GWEN
(Poker face at tumingin kay Attorney Guerrero.)


ATTY. GUERRERO
(Na-gets ang signal ni Gwen.)
Good evening to all of you.


Si Attorney Guerrero ang nagpaliwanag sa buong Alianza kung bakit si Gio ang Primo Propietor. Bago pa ang pagpupulong na ito ay nagkaroon ng agreement at kasulatan na ang sasabihin sa publiko kung bakit si Gio ang Primo Propietor, na siya ang napiling tigapagmana ni Don Rico matapos di umano'y tumanggi si Leiah sa posisyon, upang mapagtakpan ang lihim na tradisyon na matagal ng iniingatan ng mga Barosa.

Hacienda BarosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon