Chapter 24:Her decision

2.7K 75 1
                                    

[A/N: Okay guys! Wala masyadong AshDriella moments ngayon, puro Eve, Seth, Colt moment lang! Sorry kung na spoil! And Enjoy!]

EVE POV

Maaga akong nagising at hindi na makabalik sa pag tulog, kaya naman nag bihis na ako para sa klase. Actually, naalimpungatan ako...

Sunod na nagising si Aria at pagkatapos at si Ace. Sabay sabay kaming kumain ng agahan.

Umalis agad si Ace dahil may gagawin daw siyang IMPORTANTE. Ewan ko ba, but I can't bring myself to believe her. Feeling ko kasi may tinatago siya.

"Ace seems unusual today...MORE unusual than yesterday" biglang sabi ni Aria. Tumango ako. "I agree, parang may tinatago siya..." Ani ko.

Umiling siya. "That girl, ang hirap hulaan kung ano ang nasa isip niya..."
Muli akong sumangayon.

"Anyway, sino ang napili mo sa kanilang dalawa?" Tanong niya na siyang ikinagulat ko. How did she know?!

"G-ganun ba kabilis ang chismis dito ngayon?!"

Tumuwa siya. "Diba kabilang ka sa mga chismosa dito? How can you not know?" Pang aasar niya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Am not!" Pag tanggi ko.

"Wee~ to too kaya! Saan mo ba nalalaman mga balita dito?" Tanong niya. May bahid ng pang aasar parin ang boses niya.

"W-wala, narinig ko lang n-na pinag uusapan nila..."

"Oh eh ano ang tawag sa taong pinakikinggan ang usapan ng diba?" Tanong niya at ngumisi. God! I'm so gonna kill her!

"C-chismosa..."

She bursted out laughing at my answer. Namula ang pisngi ko dahil sa inis, hiya at galit.

"Oo na! Chismosa na ako! Paki mo ba?!" Pagtataray ko. I swear! This is so embarrassing!

Nang kumalma siya muli niyang binalik ang una naming usapan.

"Sino ba kasi ang na pupusuan mo sa kanila?"

"To be honest, I really don't know. Seth, makes me forget about Colt, even for just a minutes, pero..." I mindlessly trailed off.

"Pero hindi mo siya mahal?" Tanong niya. I slowly nodded my head. Napabuntong hininga siya.

"Look, I may be a girl who doesn't care about love, pero sa situation mo, ito lang advice ko sayo..." She trailed off and looked at me seriously.

"Kailangan mong pumili. I know na ayaw mong may isa sa kanilang masaktan, pero may masasaktan talaga. Pero walang sugat  na hindi naghihilom, diba?" She sincerely smiled.

"At saka wala naman talaga tayong magagawa...diba nga ang Prince ni Rapunzel, pinutol niya ang buhok ni Rapunzel para maligtas siya, kahit alam niyang mamamatay siya pag hindi nagamot agad ang sugat niya?"

MAGIA ACADEMY:School Of MagicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora