Chapter 1

3.7K 159 24
                                    

Chapter 1

Letche

I watch how raindrops fall on my right palm one by one. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang lamig mula sa malakas na ihip ng hangin. Agad kong ipinunas sa lalayan ng damit ko ang basa kong palad.

I tried to compose myself despite of the cold weather but I failed. Sa tingin ko'y lalagnatin ako bukas. Anak naman kasi ng pinagpatong-patong na kamalasan! Ngayon pa rumagasa ang pesteng bagyo na 'to. Akala mo naman nakakatuwa siya!

"Miss, may kasama ka ba?"

Nagitla ako nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Nilingon ko siya sa may bandang gilid ko at nakita kong ako ang kinakausap niya. My left brow automatically raised. Lumingon pa ako sa likuran ko para masagot ang tanong niya.

"May nakita ka ba?" masungit na tanong ko pabalik.

I don't have time for talks. Naiinis na nga ako dahil sa tagal ng sundo ko tapos dadagdag pa itong lalaking 'to. Obvious na nga, tinatanong pa. Huwag niya lang akong masubukan ngayon dahil medyo nababadtrip na ako, ah.

"Alam mo bang oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko? At alam mo rin bang pantanga lang ang sumagot ng tanong sa isang tanong?"

I felt my blood raised into its boiling point. Nakakapang-init siya ng dugo! Sumabay pa siya sa kapangitan ng panahon! Letche!

"Alam mo rin bang tanga lang din ang nagtatanong ng mga bagay na obvious naman?"

I tried my best to calm. Yes, kalma pa ako. I just talked sarcastically. Wala eh. Hindi na mapigilan. Nakakasira ng araw 'tong lalaking 'to.

"Alam mo-"

May balak pa sana siyang sumagot at ipagpatuloy ang walang kuwentang usapan namin nang biglang may sumingit na busina ng kotse.

'Thanks God!' I thought.

I smiled upon seeing whose car is it. Napawi ang inis ko at napalitan ng tuwa.

"Kuya!"

Pagkasabi ko no'n, sakto namang mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Letche. This day is really a bad day!

Binuksan niya ang bintana sa front seat at doon dumungaw. "Sakay na! Lumalakas na ang ulan!" dinig kong sabi niya sa gitna ng ingay ng iba't-ibang busina ng mga sasakyan na siyang dumagdag pa sa maingay na pagbuhos ng ulan.

Tatakbo na sana ako papaalis nang bigla pang magsalita itong si epal. "Ingat ka. See you again."

Alam kong walang nakakainis sa sinabi niya pero naiinis ako! Wala akong pakialam basta naiinis ako! Hindi ko alam pero naiinis ako! Paulit-ulit ba? Eh kasi nga, naiinis ako!

"See you mo mukha mo!" sabi ko sa kaniya bago ako tuluyang tumakbo patungo kung saan nakahinto ang sasakyan.

Padabog at nakasimangot akong pumasok sa sasakyan ni Kuya. Wala na akong pakialam kung nabasa man ako ng ulan basta ang importante ay nakalayo na ako sa lalaking 'yon!

Nakakabadtrip talaga!

"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit magkadugtong na naman 'yang mga kilay mo?" halakhak na tanong niya pagkapasok ko.

I rolled my eyes heavenwards. "Sino ba namang hindi maiinis? Sumabay pa sa bagyo ang kaepalan ng lalaking 'yon!"

"Kilala mo ba 'yon?" tanong niya at nagsimula nang magmaneho.

I shook my head. "Hindi pero feeling close lang siya!"

Kuya laughed pero nakafocus pa rin sa daan ang kaniyang paningin at atensyon, "Oh? Anong kinakainis mo do'n? Pareho naman kayong may feeling close na pag-uugali ah?"

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now