Chapter 7

2.2K 129 24
                                    

Chapter 7

I really do

"Nasaan ka?" bungad na tanong ni Carmela mula sa kabilang linya.

"Bahay," tipid na sagot ko.

I picked up the television's remote control from the center table and starts to switch the channels randomly.

"Pupuntahan kita. Let's talk." She's worried. It's obvious. I only told Queenie what happened between Kuya Nicolas and I and I guess she already told Carmela.

I rolled my eyes and gave up on searching for some better movies. "Don't go here. Hindi na kailangan," sabi ko at kumuha ng kapirasong popcorn na kinakain ko at isinubo ito. "Besides, I'm busy."

"Busy of what? Crying? Huwag nga ako, Secret. Masyado kang obvious. Next time nga na magsisinungaling ka, iyong kapani-paniwala!"

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at nagkibitbalikat na para bang nakikita niya ako. "Whatever. Basta huwag kang pumunta dito. I want to be alone."

"Pero—"

"I'm still older than you and I know what I'm doing. For now, I want to be alone. Please. Just let me."

After I said that, ibinaba ko na ang tawag. I already know the cycle. I'll ask a favor to be alone and then she'll keep on nagging that I shouldn't be alone, I shouldn't let it go on my way, I shouldn't take it for too long and such... She will say all of her opinions patungkol sa mga hindi ko dapat gawin until the time she wants to stop.

I switched off my phone para walang sagabal. I also turned off all the lights. Inayos ko ang kurtina, inalis ko iyon mula sa pagkakatali kung kaya't dumilim na ng tuluyan ang buong kuwarto ko. Now, the curtains are covering the sunlight that reflects over the window at tanging ilaw lang ng television ang nagsisilbing ilaw ko.

Muli kong pinalipat-lipat ang channel at nagbabakasakali na may maayos o magandang palabas ako na matyempohan.

Tumama sa CinemaOne at ang palabas ay Barcelona, A Love Untold ng KathNiel. Sakto naman sa part na heartbreaking scene...

"Mahal kita, Mia."

"You don't have to. Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo 'ko because that is what I deserve."

Kumuha ako ng kapirasong popcorn at isinubo ito. "I also wanna be loved and get the love that I deserve..."

It's too tiring to live with this unrequited love everyday. Alam kong hindi lang naman dito umiikot ang buhay ko but it is something that I can't just simply set aside.

Sana pala noong una pa lang ay sinubukan ko nang pigilan. Sana pala noong una pa lang na nahuhulog ako, kumapit na ako at pilit na bumangon because if ever that I did that, all of these won't happen.

Hindi ko kailangang masaktan, hindi ko kailangang mag-ingat at alagaan ang isang relasyon ng pagkakaibigan. Sana... sana pala naisip ko na iyon noong una pa lang dahil sa lagay ko ngayong hulog na hulog na ako, hindi ako sigurado kung makakaahon pa ba ako.

Bandang alas-tres ng hapon nang magising ako. Ni hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako. I roam my eyes around my room. Nakapatay na ang TV at may comforter na nakabalot sa katawan ko at naka-on na ang aircon.

Pilit kong inalala ang detalye ng kuwarto ko bago ako nakatulog. Sa pagkakaalam ko, nakatulog ako sa panunuod at may popcorn akong hawak-hawak kanina atsaka wala akong comforter sa katawan at mas lalong hindi ko naman in-on ang aircon.

Who would do all these things kung mag-isa ako dito?

Nicolas...

He's the first one to come inside my mind because he got a duplicate key of my house.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now