Chapter 4

2.4K 147 15
                                    

Chapter 4

Just This Day

I am silently scanning all over my newsfeed in facebook when someone's status made me stop from doing so...

"No matter how hard you'll try to hide your feelings in silence, your heart will always speak up for you."

Upon reading that status, napahawak ako sa dibdib ko. Does heart really speak up? I don't know. Sana lang talaga ay hindi dahil kung totoo mang nagsasalita ito, malamang ay bistado na ako ngayon ni Nicolas. Hindi ko alam sa kung paanong paraan man ito nakakapagsalita pero kung sa pagtibok man nito then I am completely doomed. Hindi man siguro ngayon pero baka sa susunod.

At kung sakaling ganoon nga, paniguradong matagal na niya iyong alam dahil kapag nandiyan siya, my heart beats abnormally. Para bang abnormal at hindi tama ang pagtibok niya. Masyadong mabilis at kung minsan naman ay nakakaligtaan nitong tumibok. Everytime when I am with him, nothing in me goes right.

"Nene," galing sa isang pamilyar na boses— Nicolas.

Inangat ko ang paningin ko sa kaniya na siyang nakaupo sa single sofa habang ako naman ay nandito sa mahabang sofa at busy sa pagcecellphone.

"Bakit?" I asked at muling binalik ang atensyon ko sa cellphone. I can't look at him for a long period of time. Nagiging abnormal na naman ang tibok ng puso ko.

"Birthday ko na bukas. Anong regalo mo sa akin?"

Shit, oo nga pala. Paano ko nakalimutan iyon? February 8 na bukas. Birthday niya. I almost forgot. I was too busy from hiding my feelings from him.

"So what kung birthday mo? Atsaka regalo? Asa ka, Dong! Wala akong maibibigay sa iyo. Doon ka sa girlfriend mo humingi. Ano mo ako? bangko? nanay? Kapal mo, hoy."

Pero pustahan, hinding-hindi ako matatahimik at makakatulog nito kaiisip kung ano ang puwede kong iregalo sa kaniya.

"Ito naman ang daming sinabi," humalakhak siya kung kaya't napatingin ako sa kaniya. I stared at him as he laughs because there is something behind it. I can sense it and it is disappointment. "Okay lang naman na wala kang regalo. Your presence is more than enough."

Napayuko ako nang dahil sa sinabi niya. I don't want my real feelings to be visible. Funny how his words can affect me big time. Pero tama nga ba iyong narinig ko? Ako? Presensya ko lang? Ayos na? Oh, come on! Who are we kidding? Who am I kidding?

"Utot mo."

"Mabango? Yes."

Napangiwi ako nang dahil sa gatol niya. "Kadiri ka!"

Humalakhak naman siya na akala mo'y walang bukas. Muli kong inangat ang paningin ko. Tinitigan ko siya at hindi na naitago ang mga ngiti ko. I love his laugh. Ang sarap i-record. His laughter isn't the one you are imagining that could be so perfect to hear and so pleasant to bear with. My mind says it isn't that good but my heart says it is the most perfect laugh that I have ever heard.

Sometimes my mind thinks about the corniest things when it comes to him but will definitely cringe after a while. It's just really amusing what can love do to a person and how it can change a relationship in just a snap.

"Basta bukas, pumunta ka na lang sa bahay. I'll see you there. Be sure to be on time. Mama is anticipating for your presence," sabi pa niya at tumayo mula sa pagkakaupo. I think he's leaving.

Sinundan ko lang ng tingin ang bawat galaw niya. Naglakad siya papalapit sa akin at bahagyang yumuko para pantayan ang aking paningin.

Halos hindi ko naman malaman kung saan ako titingin. His gazes are hypnotizing.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now