Chapter 14

2.1K 92 126
                                    

Chapter 14

Bothered and Worried

After we took few more shots, napagpasyahan na naming lahat na pumasok sa kaniya-kaniya naming cottages dahil maghahanda na kami para sa hapunan.

"Hoy, Secret! I heard that!" sabi sa akin ni Queenie nang makapasok kami sa cottage namin.

Kinunotan ko lang siya ng noo at agad na nag-iwas ng tingin. I know what she meant. It's about what Kuya Nicolas said a while ago.

"Ano 'yon, Queen?" singit ni Carmela sa amin.

I gave Carmela a brief glance. Ngunit agad din akong nag-iwas nang magtama ang paningin namin.

Naiiling kong kinuha ang dress na suot ko kanina. Naisipan kong iyon na lang muli ang susuotin ko dahil maayos pa naman iyon at hindi naman marumi.

"Kanina habang nag-pipicture taking tayo, in our first shot, si Kuya Nic may sinabi kay Secret..." saglit pang huminto si Queenie sa pagsasalita at nagpapadyak na para bang kilig na kilig. "Sabi niya kay Secret ano..."

"Ano?" atat na tanong ni Carmela. "Ano na? Bilisan mo namang magkuwento!"

Pinigilan ko ang ngiting umaambang gumuhit sa labi ko. It's funny to watch them like this but thinking about what Kuya Nicolas said a while ago... tuluyan na akong palihim na napangiti.

Gamit ang hinlalaki at hintuturo, pinagdugtong ni Queenie ang dalawang kilay niya animo'y ginagaya ang isang ekspresyon.

"Sabi niya...  The next time you'll wear something like this, give me a signal. This kind of show off will be the cause of my death, Secvania..."

"Putangina?" Carmela reacted.

"Putangina, indeed," Queenie said, agreeing to Carmela's word.

Marahan kong tinampal ko ang noo ko at bahagyang napailing dahil sa reaksyon nilang dalawa. Sila naman ay nagsitawanan at naghahampasan na para bang mas kinililig pa sila kaysa sa akin na ako mismo ang sinabihan kanina.

Tumikhim ako para iparamdam sa kanila ang presensya ko ngunit wala lang iyon sa kanila. Kaya naman ay pumasok na lang ako sa banyo para magbihis.

Pagkalabas ko mula sa banyo ay wala na sina Queenie. Lumabas na siguro dahil sila ang mag-aasikaso ng dinner. Hindi na rin ako nagtagal sa cottage at naisipan ko nang sumunod sa kanila para matulungan din sila.

"What can I help?" tanong ko kay Queenie.

She just gave me a glance at agad ding ibinalik ang tingin sa putaheng niluluto.

"Just sit and we'll do the rest," sagot niya sa akin.

Nagtataka ko siyang pinagmasdan ngunit hindi na siya muling nagsalita at mukhang wala na ngang balak magsalita. Kaya naman dahil sa inis ko, si Carmela na lang ang nilapitan ko.

"Carms, let me help..." sabi ko at umakma na kukunin ang mangkok na hawak niya ngunit agad niya itong iniiwas mula sa akin.

"Just sit and we'll do this. Okay? Gets mo ba?" sabi niya sa akin.

Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga kaibigan kong walang balak tanggapin ang tulong ko...

"Bakit ba ayaw niyong tanggapin ang tulong ko?" tanong ko sa kanila.

Sabay nila akong hinarap nang nakapamewang. They look so cute on aprons. I want to help so I can wear an apron too.

"Secret, baka nakakalimutan mong hindi ka marunong magluto?" sagot ni Queenie sa akin.

"And as of my reason, maybe you forgot that the last time you cooked, you burnt everything. Not even a single thing was edible, Secret..." segunda ni Carmela.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now