Chapter 13

2.1K 123 94
                                    

Chapter 13

Signal

"Oh? Bakit ang tagal niyo? Anong ginawa niyo?" patuksong tanong ni Carmela sa amin habang pinagmamasdan kami ni Lawrence na naglalakad papalapit sa kubong kinalulugaran nila.

Pinasadahan ko si Queenie ng tingin na siyang katabi ni Carmela kaya nagtama ang mga mata namin. She's giving me her suspicious looks. Maybe she's still doubting us kung may relasyon nga ba kami o wala. Kung alam lang niya kung gaano ako sobrang inis na inis ngayon.

Natigilan ako nang makitang ang espasyo ng upuan ay nasa magkabilang tabi na lamang ni Kuya Nicolas. At dahil sakop na nga nina Dustin, Carmela at Queenie ang kabilang pahabang upuan, mag-isa si Kuya Nicolas sa kabilang puwesto and the available spaces are either right beside him or left beside him. In the end, I have no choice.

Naupo ako sa gawing kanan niya at ngayon, ang kaharap ko ay si Queenie.

Mataman kong pinagmasdan ang mga pagkain sa aming harapan. May grilled tilapia, beef stew, sinigang na hipon, at may chopseuy din. We are having buko salad as a dessert at cucumber juice naman for beverage.

Habang pinagmamasdan ko isa-isa ang mga pagkain sa lamesa, bigla kong naramdaman ang kalam ng aking sikmura. I guess sleeping made me this hungry.

"Van!" pag-tawag sa akin ni Lawrence.

Kunot-noo akong bumaling sa kaniya na dumudungaw sa akin dahil nga nasa gitna naming dalawa si Kuya Nic.

"What?!" pasigaw na sagot ko sa kanjya.

"Kanina pa kita tinatawag!" nakabusangot na sabi niya.

Inirapan ko lang siya at muling ibinaling ang paningin sa mga pagkain, nag-iisip kung ano ang uunahin.

"Kainan na!" Carmela exclaimed.

Nagkaniya-kaniya naman sila ng kuha ng kanilang mga pagkain habang ako naman ay nag-aantay na matapos sila.

"Anong gusto mo?"

Lahat sila ay natigil sa kanilang ginagawa at diretsang tumingin sa akin. Nagtataka ko naman silang pinasadahan ng tingin isa-isa. Maging ang nagdududang titig ni Queenie sa akin kanina ay napalitan ng mapanuksong tingin. At nang bumagsak naman ang paningin ko kay Kuya Nic, doon ko napagtanto kung bakit ganoon sila makatingin sa akin.

He is holding the serving spoon of the rice. Nakaamba iyon na ilalagay niya sa plato ko ang kanin na isinandok niya.

"A-ako na. I can handle myself," nahihiya at pautal-utal na sabi ko.

I am not even sure why am I stuttering. I feel awkward at hindi ko pa rin makapa ang mga salita na sasabihin ko sa kaniya.

Pinagmasdan ko si Kuya Nic na naglalagay ng pagkain sa plato ko na para bang walang narinig mula sa akin. I know that I can and I should handle myself ngunit hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang hayaan na gawin iyan para sa akin.

Everyone is silent. Nagsimulang kumain ang iba ngunit ang mga mata nila ay nasa amin pa rin ni Kuya Nic. They're not looking at us because they are observing, but their stares seem to have other meaning... I don't know pero parang may ibang sinasabi ang mga paninitig nila sa amin.

"Bakit parang nangangamoy isda? Ano, Carmela?" biglaang sabi ni Queenie sa gitna ng katahimikan.

"Oo nga, eh. Masyadong malansa," Carmela scoffed secondarily.

Binigyan ko sila ng matatalim na tingin ngunit hindi sila natinag doon. Nagkibit-balikat lang sila at sabay pang ngumisi 'tsaka kaniya-kaniyang kumain.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now