Chapter 2

2.8K 145 27
                                    

Chapter 2

Anak ng Siopao

'When you love someone, you should love their better and worst sides too.'

I nodded as I have read that phrase from the book that I'm reading. Tama nga naman. Love was never been just a word. It's all about acceptance, understanding, honesty, trust, loyalty, forgiveness and giving. Kumbaga pa, love lang yung shorten term para sa lahat ng 'yon.

"You're reading again? Hindi pa ba napapagod 'yang mata mo?"

Napaismid ako nang marinig ko ang boses niya. Duh! Can't he just mind his own business?

"Pake mo ba?" tanong ko nang hindi man lang inaalis ang paningin ko sa librong binabasa.

"Tss." Bakas ang inis sa boses niya when he made that expression. "Hoy, Nene. Umayos-ayos ka nga. Yung mga mata mo ha. Kapag 'yan nasira..."

I rolled my eyes secretly. "Bakit? Mata mo ba ang masisira? Ha? Hindi naman, 'diba?"

"Sinabi ko ngang mata mo, 'diba? May sinabi ba akong mata ko? Concerned lang naman ako sa'yo."

Napapikit ako ng mariin nang dahil sa sinabi niya. I can't win over him when it comes to this kind of arguments. If I'm witty, he is more witty.

"Duh," nasabi ko na lang at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?" tanong pa niya. Naramdaman kong hinila niya ang katabing upuan ng inuupuan ko dito sa dining area ng bahay ko. Yes, bahay ko. Lakas lang talaga ng apog niyang pumunta dito.

"Ewan," maikling sagot ko na hindi man lang inaalis ang paningin ko sa librong binabasa.

Can't he just leave? I can't focus!

And what? He's asking me why? WHY!?

Tanong kamo niya sa pandesal niya! Letche lang na walang ganti! Kung hindi ko pa sila binusinahan kagabi gamit ang busina ng kotse niya ay mukhang hindi pa niya maaalala na may kasama siya!

Letche talaga!

Ang sweet nila! Nagseselos ako pero nangibabaw talaga ang inis ko kagabi. Nilanggam po ako! Literal akong kinagat ng langgam sa kotse niya! Ewan ko kung saan galing letche talaga! Asar na asar ako! And now, he's asking me!? Tanong niya sa panadero!

"Bakit nga?" I heard him sigh. "Isa, Secvania."

Here we go again. As if matatakot niya ako sa pagbibilang niya? What? Numbers are not monsters. So, akala niya matatakot niya ako?

My mouth is scarier than his numbers. My heart is. My feelings are.

"Dalawa, tatlo, apat, lima. Stop it, Nicolas. Marunong din akong magbilang. Huwag mo akong bilangan dahil hindi mo ako madadala diyan," sabi ko at padabog na isinara ang libro. Inilapag ko ito sa lamesa at tumayo.

Kumuha ako ng baso sa lagayan para inuman ng tubig. Nakakatuyo ng lalamunan kausap ang lalaking 'to. You'll surely gonna be out of words. Well, siguro para sa akin lang cause I have this feelings for him but he is making everything worse.

Imagine? Instead of being with his girlfriend right now for his free time, he is with me. He is nagging me right here in my house. He is unbelievably making such tantrums about me ignoring him.

"I thought it was okay for you. Nag-usap na tayo tungkol doon, hindi ba?" His words made me stopped from drinking.

Alam niya?

Alam ba niya kung bakit ako nagkakaganito? But no, he shouldn't. Ayaw kong masira yung pagkakaibigan na mayroon kami. I need to pretend that everything was fine. I must pretend that it was all nothing. I have to.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now