Chapter 5

2.1K 131 48
                                    

Chapter 5

A sudden kiss

Nakabusangot ako habang nagkakamot ng ulo nang dahil sa inis. I looked at my wrist watch dahilan para mas lalo akong bumusangot at mainis. Nasa imahinasyon ko nang halos hindi na maipinta ang pagmumukha ko.

Ang sabi niya alas dies ng umaga ay aalis na kami. Nandito na ako sa mall kung saan kami magkikita. Kanina pa ako nandito. It's already 10:30! It's not like his apartment is very far from here. Kaya nga dito namin napagpasyahang magkita dahil mas malapit ito sa kaniya tapos ngayon siya pa itong mahuhuli?

"Nene, sorry!" a familiar voice spoke up.

Nanliit ang mga mata ko at dahan-dahang nilingon ang pinagmulan ng boses. My left eyebrow automatically raised upon seeing him walking towards my direction. Ngunit sa halip na mainis, iba ang naramdaman ko. Napaawang ang bibig ko habang nakapako sa kaniya ang paningin ko. He is wearing a white long sleeved polo shirt, nakatupi ang mga dulo ng sleeves nito hanggang sa kaniyang siko. Looking at his face, I noticed that the first two button of his polo were unbuttoned. Now, he looks like a real man. I mean... not that he isn't a man. I usually see him in his office attire but today's different. His aura is undeniably different.

"Oh? Baby girl, ang laway tumutulo. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman masyadong titigan. Baka malusaw ako niyan."

I snapped back.

Ibinalik ko ang kaninang ekspresyon ko na nakataas ang isang kilay. Marahan kong tinapik ang kanang pisngi niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Nginisihan ko siya ng peke.

"Magpa-facial spa ka na, beh. Masyado nang makapal iyang kalyo sa mukha mo," I joked.

Sa sinabi kong iyon, napasimangot siya dahilan naman para mapahalakhak ako. Suits you, man!

"Just be thankful it's my birthday because my birthday also means that it's your day." Napangisi ako sa sinabi niya. That's true. Ang araw ko ay araw ko at ang araw niya ay araw ko rin.

"Mister Nicolas Bonifacio!" madiing bigkas ko sa pangalan niya nang naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.

He used to put his arm on my shoulder but he never did this! Not even once!

"Yes, Miss Secvania Retante?" nakangising sagot naman niya na para bang walang ginagawa.

Gusto kong tanggalin ang kaniyang kamay ngunit masyado akong nanghihina sa ginagawa niya. It's a new move of him. Another thing to feed my hope.

"What the hell are you doing?" may diin na tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan ko lang paalalahanan kang birthday ang pupuntahan mo. Birthday na may simpleng kainan. Hindi club. Hindi inuman. You should've dressed yourself properly hindi iyong nagpapakita ka ng cleavage mo," he whispered.

Nangunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. I looked at my cleavage and found out it's really showing. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero mas natawa ako sa sarili ko...

I just thought again that he is kinda my boyfriend. I felt being ridiculous once again.

"So, kailan pa ba naging 10:30 ang 10 o'clock, Mister Bonifacio?" sarkastikong tanong ko habang naniningkit na nakatingin sa kaniya.

I want to escape from that topic and gave up for feeding my small hope for now. That topic holds a big hope. Ayaw kong bigyan ng malisya ang pag-aalala niya because after all, who am I? Of course, his little sister. A little sister with a special care.

Nagkibit-balikat siya at isinilid ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Disappointment went through my veins but I tried not to get it visible through my face as he removed his arm off from me. That was a chance but I don't want it. It'll make me fall deeper.

Only If I Were TwentyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt