Epilogue

2.9K 133 95
                                    

Epilogue

"Why are you still awake?" pabulong na tanong sa akin ni Nicolas.

Facing the left side of my bed, umikot ako at hinarap ang bandang kanan kung saan siya nakahiga. Ang kaliwang braso niya ay ginagawa kong unan, ang kanang braso naman niya ay nakayakap sa akin.

I stared at his face. Nakapikit siya na para bang handa nang matulog. Using the tip of my forefinger, I traced his nose bridge repeatedly.

Napangiti ako habang ginagawa iyon. Iminulat naman niya ang mga mata niya at sinalubong ang pagtitig ko.

"Matulog ka na," sabi niya.

I pouted as I planted a soft kiss on the tip of his nose. "I can't sleep..."

"Gusto mo bang i-hele pa kita?"

Hindi ko siya sinagot at nanatili akong nakatitig sa kaniya. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang lumilitaw na collarbones. He is wearing a v-neck white shirt and I wanna curse so bad because it looks good on him so much.

Pasaglit kong hinaplos ang collarbones niya bago ibinalik ang tingin ko sa mukha niya. Nahuli kong nakatitig siya sa akin. Marahan ko namang hinaplos ang mukha niya at nginitian siya.

"Love, paano kung kami nga noon ni Lawrence? When we pretended that we are dating, paano mo na-handle ang pagseselos mo?" I asked, out of the blue.

Bahagya siyang umismid at nag-iwas ng tingin. He held me closer at mas humigpit pa ang yakap niya. Bumaba ako ng kaunti at ngayon ang kaharap ko na ay ang leeg niya. Ibinaon ko ang mukha ko roon at niyakap siya.

"Halos mabaliw ako, Secvania. Kung alam mo lang kung gaano mo ako binaliw. Gusto kong magwala noon pero hindi ko ginawa..." he paused for a while. Sininghot niya ang buhok ko at humalik sa tuktok ng ulo ko. "Dahil alam kong sa huli, ako rin naman ang pipiliin mo."

Tumikhim ako bilang reaksyon sa mga sinasabi niya pero binalewala lang niya iyon at nagpatuloy sa pagsasalita.

"At kung tatanungin mo kung paano ko na-handle ang paseselos ko? I never held it in, Love. Hindi lang talaga ako nagselos. Well, partly, I was jealous pero kapag tumitingin ka sa akin, there's something in your eyes that assured me na ako ang mahal mo at hindi siya. Your eyes are seeing only me and your silence is screaming my name..."

Inalis ko ang mukha ko mula sa pagkakasubsob sa leeg niya at tumingala para tingnan siya. He smiled at me and he planted a soft kiss on my forehead.

"All those times, you knew na ikaw ang gusto ko samantalang ako pinag-antay mo pa," reklamo ko sa kaniya.

"Hindi kita pinag-antay. I earned all my courage to face you dahil kapag naiisip kong ikaw ang naunang umamin sa atin, it's eating my ego because I should've done that first..."

Biglang nag-init ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya. I shouldn't have open up this topic dahil oo nga naman! I shamelessly confessed my feelings for him first. Although it was unwell and failed, it won't change the fact that I really dared to do that.

"Noong dalawang buwan tayong hindi nagkita noon, I thought hard if I really deserve you. Alam mo ba kung gaano ako kasaya noong nalaman kong mahal mo rin ako? No words can express it, Secvania, but the moment I fell into the thoughts of what you deserve in life made me feel all the hesitations that I can have..." halos pabulong niyang sinabi ang mga huling salita niya.

I smiled at him. Hinaplos ko ang mukha niya at bahagyang umiling. "You're right, Love. I don't deserve you. You're too much for me."

Sandali kaming tumahimik. Hindi siya umimik at ganoon din ako. We stared at each other, and I just realized how lucky I am to own this man. When I thought before that every woman deserves a man, I never knew that he'll be my man because he isn't the one that I deserve. He is really too much for me.

Only If I Were Twentyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن