Chapter 11

2K 119 35
                                    

Chapter 11

Everything

Kung hindi pwede, edi hindi. Why would I insist the thing that can't be? It's a waste of time. Not just a waste of time but it's also a waste of energy. Natuto na ako. Masasaktan ka lang kaaasa sa bagay na wala ka namang mapapala.

"Okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Lawrence sa akin.

Tipid ko siyang nginitian at tumango. I am okay. I am sure that I am... Bakit naman hindi? May rason ba para hindi ako maging okay?

I will be okay...

"Shot..."

"Ten shots straight," utos ko sa kaniya.

"Sec-" aapila sana si Queenie pero masamang tingin ang itinapon ko sa gawi niya.

"I demand ten shots straight. He chose to take the shots kaya bakit niyo ako pinipigilan at bakit sa akin kayo nagrereklamo?"

I know I acted so mean last night but that was the only way how I can hide my emotions. Sa totoo lang ay gusto kong sumigaw kagabi. Gusto kong magwala at pilitin si Kuya Nic na sagutin ang tanong ko pero wala talagang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang mga mapapait na salitang iyon.

But despite of the pain, I am proud of myself because I held everything in. Nagawa kong manatili sa larong iyon kahit gusto ko nang umiyak. Well, somehow, thanks to Lawrence who excused us after another three turns of the bottle, but I'll be lying if I'll say that I didn't cry last night. Of course I did... on Lawrence's shoulder. For the ninth time, he was the one who's there with me. He witnessed my pain and agony about this stupid one-sided love.

"Are you sure?" he asked, worriedly looking at me.

I let out a small laugh and mockingly hit his arm. "Oo nga. Paulit-ulit? I am okay, Law. I really am..."

"Sabi mo iyan ah? Oh, sige. Ngiti na."

Isang sarkastikong ngisi ang ipinakita ko sa kaniya. "Oh, ayan. Okay na?"

Mataman niya akong tinitigan at tinaasan ng isang kilay. Like a flash, I just saw him pinching my both cheeks.

"Aray ko! Tangina!" reklamo ko sa kaniya.

Agad niyang binitawan ang mga pisngi ko at sinamaan ako ng tingin. Marahan ko namang hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

Grabe talaga manggigil ang lalaking ito!

"Anong sinabi ko sa iyo?" tanong niya sa akin.

"What?!" iritadong tugon ko sa kaniya habang tinitingnan ang sarili ko sa bintana ng sasakyan niya.

"I told you not to curse!" saway niya sa akin.

Binalingan ko siya at inirapan. Binelatan ko pa siya bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan.

Ngayon na ang alis namin papunta sa private resort nila Queenie para sa continuation ng party, but this time, as what we have planned, party na lang ito para sa aming magbabarkada.

Maya-maya pa ay pumasok na rin si Lawrence sa driver's seat. Nasa kaniya ang buong paningin ko dahil nakakunot ang kaniyang noo na para bang galit pa rin dahil sa pagmumura ko. Ngunit naiwala ko sa kaniya ang atensyon ko at natigilan ako nang makita kong naglalakad si Kuya Nicolas patungo sa direksyon nitong sasakyan ni Lawrence. Mas ikinagulat ko pa nang dire-diretso siyang pumasok sa backseat.

Seryoso? Dito siya sa amin sasabay?

I stared at Lawrence to have some explanation pero tinapunan niya lang ako ng tingin. He knows what my stares meant pero hindi niya ako pinansin. Bumaling lang siya sa daan at nagsimulang magmaneho.

Only If I Were TwentyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon