Chapter 12

2.2K 130 85
                                    

Chapter 12

Mahal Kita

Without realizing, I fell asleep while we are on our way. Nagising lang ako nang may maramdaman akong kamay na dumampi sa pisngi ko at marahan akong tinatapik. After some seconds, a very familiar voice vividly spoke up.

"Secvania, we're here..." dinig kong sabi pa nito.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and to my surprise, I found out it's Kuya Nicolas who's waking me up.

Agad akong luminga-linga at napagtantong nasa resort na nga kami but it is not what my gazes are aiming for. I am searching for Lawrence's whereabouts! Nasaan na ba ang lalaking iyon at si Kuya Nic ang nandito ngayon?

"Nasaan sina Queenie at Lawrence?" unang bukambibig ko nang tuluyan nang magising ang sistema ko.

Bakit hindi man lang ako ginising ng lalaking iyon?

"Nauna na sila. Dinala na nila ang ibang mga bagahe sa cottages..." I don't know but he sounded so dismayed when he said that.

Tumango na lang ako at nagsimulang ayusin ang sarili ko. Bumaba ako ng saksakyan at tiningnan ang compartment nito dahil baka may naiwan pang mga gamit and then I saw my bag. Walang hiyang, Lawrence! Iniwan na nga ako, hindi pa dinala ang bag ko.

Kinuha ko ito pero agad akong natigil nang biglang hinawakan ni Kuya Nicolas ang bag na hawak ko na para bang kinukiha niya ito mula sa akin.

Mataman ko siyang tinitigan at hindi ako nagsalita. Dalawang beses kong pinalit-palit ang mga tingin ko sa kamay niya at sa kaniya.

"Let me," he insisted.

Nagsalubong ang mga kilay ko at nanatili sa ganoong posisyon kung saan ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa bag at ang mga mata ko ay nakapako sa kaniya.

What is he trying to do right now?

"Secret, akin na. Nag-aantay na sila sa loob..."

Secret...

Bahagya akong napaismid nang dahil sa paraan nang pag-banggit niya sa pangalan ko. He just called me Secret.

"Kaya ko na ito," mariing sabi ko.

But the truth is... not. Mabigat ito dahil ang ibang gamit din ni Lawrence ay nandito. Tatlong araw kasi kami dito at ang dala niya ay maliit na backpack lang kaya nakilagay rin siya dito where my bag is a travel backpack. Ang lakas naman talaga ng apog ng lalaking iyon para iwan ako dito at talagang itong bag ko ang iniwan niya?

"Secvania, mamili ka. Hahayaan mo akong kargahin ang bagahe mo o ikaw ang kakargahin ko?"

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa tanong niya. What the fuck is wrong with him?!

"Ayan! Isaksak mo sa baga mo!" padabog kong iniabot sa kaniya ang bag.

Narinig ko pang mahina siyang natawa bago isinukbit sa kaniyang mga balikat ang bag. Masama ko siyang tiningnan at agad ding inirapan.

"Akala mo naman kakargahin talaga kita. Ang bigat mo kaya," tumatawang huling hirit niya bago ako tinalikuran at naglakad papunta sa cottage.

Naging mas marahas at masama ang titig na ibinigay ko sa kaniya kahit pa alam kong hindi niya iyon nakikita dahil nakatalikod na siya mula sa kinalulugaran ko.

Paunti-unti siyang mas lumalayo habang papalapit sa cottage na tutuluyan namin.

Nagpakawala pa ako ng isang mabigat na hininga bago naglakas-loob na sundan siya.

Putangina mo, Nicolas!

"Hindi ko na pinabuksan ang main house namin, guys. For now, I told my mom that it is better for us to stay in the cottages for guests para naman mas feel natin itong three-day vacation natin..." paunang sabi ni Queeni.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now