Chapter 9

2K 107 44
                                    

Chapter 9

Boyfriend

Two months. It's been fucking two months since the last time we talked seriously. The jokes, laughs, tricks and nonsense conversations with him, ang huling matinong encounter namin ay noon pa. Nakaya ko? As you can see and fortunately, I did, but still, I can't deny that I miss him so bad. I am lying if I'll say that I am completely over him o ni minsan sa dalawang buwan na iyon ay hindi ko siya namimiss o hindi ako natutukso na makipag-ayos sa kaniya.

Noon ngang ilang araw ko lang siyang hindi makita at makausap halos mabaliw na ako sa kaiisip sa kaniya, ngayon pa kayang dalawang buwan? But that two months is somehow an improvement for me. I lived in that two months without him so definitely, I can live my whole life without him as well.

Well, actually, we still see each other ngunit hindi na madalas katulad ng dati. For some and countable times, we saw each other accidentally but when that happened, agad akong umiwas. World is too small for the both of us. Although I am quite thankful because we don't have much mutual friends at kung mayroon man ay masyadong bilang at in those mutual friends, thankfully, Queenie, Carmela and Lawrence aren't included.

"Vanvan, tara na!"

Nilingon ko si Lawrence na nag-aayos sa sasakyan. Nilalagay niya na ang lahat ng gamit namin sa backseat since kaming dalawa lang naman ang babyahe kaya he occupied the backseat for the things that we are bringing.

"Saglit lang! Eto naman madaling-madali!" reklamo ko at bahagyang sinimangutan siya.

I locked my apartment's main door at nang matapos kong gawin iyon ay naglakad na ako papunta sa sasakyan. Nakahalukipkip si Lawrence at inaantay akong makapasok sa front seat.

"Ikaw talaga ang tagal mong mag-ayos! Parang walang nag-aantay sa iyo dito!" nakabusangot na singhal niya.

Umirap ako at binelatan siya. "Whatever! Duh."

Nauna akong sumakay sa sasakyan, at nang maisara niya ang pinto sa gawi ko, atsaka lang siya umikot at sumakay sa driver's seat.

"Tawagan mo nga si Carmela. Ask them kung nasaan na sila," utos sa akin ni Lawrence nang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi siya natinag doon. Maybe he already got used of my glares dahil noon epekto naman iyon sa kaniya. He'd stop doing and saying something that I don't like, pero ngayon? Marunong na rin siyang lumaban ng titigan!

"Van!" pagtawag niyang muli sa atensyon ko nang makitang hindi ko sinusunod ang iniutos niya.

"Ano?!"

"Tawagan mo na sila. Mamaya uuna-una tayo doon," pag-ulit niya, but this time with the reason.

"Ito na ho, Sir. Tatawagan na ho," pairap na sabi ko sa kaniya bago kinuha ang cellphone ko mula sa bag.

Gaya ng utos nang Mahal na Hari, tinawagan ko sina Carmela na alam ko'y bumabyahe na rin.

"Hello, Carms?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Secret, nasaan na kayo?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"We're on our way."

"Okay, good. Bilisan niyo para naman may maitulong kayo dito."

Aba at! Alalay day ba ngayon? Mga namimihasa itong mga taong ito, ah?

"Bahala ka diyan!" Bumusangot ako at bumaling kay Lawrence, "Bagalan mo ang takbo!"

Nang sabihin ko iyon, mas lalo pang binilisan ni Lawrence ang pagmamaneho na para bang nang-aasar. Walang hiya talaga!

"Sige, Secret. Subukan mong magpahuli! Surpresa ang abot mo sa akin!" dinig kong sabi ni Carmela sa kabilang linya.

Only If I Were TwentyWhere stories live. Discover now