Chapter 1

4.4K 79 4
                                    

***
Vale_Amor

"Problem is just a trial to make us strong, to make us believe that behind
the cloak of night, there will always be a blue sky full of hope"

                ***                     

Skyler's Pov

Kakatapos ko lang mag jogging sa labas at pupunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig..

"Morning Sky.." Tango lang ang isinagot ko kay Sunshine at dumiretso na sa kusina.

"Good morning Princess ano po ang gusto ninyong kainin for breakfast?" Tanong ng isa sa mga tagasilbi dito sa palasyo. May katandaan na rin ito base sa itsura at tindig nito.

"Anything" yun lang ang sagot ko sa kanya at pumunta muna sa gym .. We have our own gym here inside the palace for our training. We are physically and emotionally train to make our selves ready in any problems we were going to encounter if we are crown as Queen's in our land.

Nag stretching muna ako at nag suot ng gloves bago ko simulan suntukin ang punching bag. Ito ang daily routine ko araw araw para mas lumakas pa ang katawan ko aside from training. Malalakas na suntok at pati na din sipa ang pinapaulan ko sa punching bag.

"Easy lang Sky baka mabutas mo yan " si Cloud lang pala parang galing din siya mag jogging dahil pawisan din siya.. Ang pinagtataka ko ay pumunta siya sa lalagyan ng mga gloves.

"Mag boboxing ka?" Walang emosyong tanong ko sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagsuntok sa punching bag nakakapagtataka kasi na gusto niyang mag boxing e sabi pa niya noon na pang lalaki lang daw ito.

"Hindi lang ako.. Tayo .. Punta tayo sa boxing ring at mag sparring tayo para maiba naman" sumang ayon naman ako sa sinabi niya mas mabuti kasi yung may kalaban ka kasi dun mo masusukat kung hanggang saan ang kaya mo.

Magkaharap na kaming dalawa at pinagtama nanamin ang aming mga kamao hudyat na magsisimula na.

Sinuntok niya ako sa mukha ng pa ulit ulit pero puro depensa lang muna ang ginagawa ko. Sa mga na unang suntok ni Cloud mararamdaman mo talagang binibigay na niya ang lahat ng lakas niya. Yan ang isa sa mga mali na ginagawa ng tao na kahit hindi mo pa alam kung ano ang kalalabasan binibigay mona ang lahat kaya sa huli wala ng matitira sayo.

Pa unti unti ng humihina ang mga suntok ni Cloud kaya nag aantay lang ako ng tyempo para suntukin siya.

Ayon nakakita ako ng butas sa left part ng mukha niya kaya I grab that opportunity na suntukin siya. Napaatras naman siya dahil dito.

"Grabe ka talaga Sky..ang daming suntok na pinaulan ko sayo tapos ikaw isang suntok lang pero parang naduling na ako" tssk pa dalos dalos naman kasi siya sa mga galaw niya.

Hinubad ko na ang gloves sa kamay ko at uminom ako ng tubig.

Lalabas na sana ako ng boxing ring ng may biglang pumalakpak malapit sa pintuan si Rain at Sunshine lang pala.

"Base in my calculation kahit hindi mo na sinuntok si Cloud... Sky mapapatumba mo pa rin si Cloud dahil mapapagod lang siya kakasuntok sayo pero hindi ka naman niya natatamaan kaya lahat ng ginawa ni Cloud wala parin itong saysay may pagka bobo ka kasi minsan Cloud."

Wala naman akong pakialam sa pinagsasabi nitong Rain nato masyado niya kasing ginagamit ang utak niya.. Ang mahalaga sa akin nanalo ako .. Nanalo ako dahil ginamit ko ang utak ko hindi lang puro lakas gaya ng ginawa ni Cloud.

"Grabe makabobo Rain.. Ang talino mo na niyan? Ako na nga tong nasuntok e" Bahala na nga sila diyan mga walang saysay nanaman ang pinag uusapan nila.

Hinubad ko na ang gloves ko at naglakad na ako palabas ng gym ng may sumalubong sa akin na isa sa mga taga silbi. Yumuko ito bilang paggalang.

"Princess Sky sabi po ng inyong mga magulang sabay-sabay daw po kayong kakain sa garden" I just node at her at nilagpasan ko na siya.

Pumunta muna ako sa kwarto ko at nag shower ng maalala ko ang kuya ko kamusta kana diyan kuya ..

Nag bihis na ako at pumunta na sa garden. Pagdating ko dun ay nandun na ang mga mahal na reyna at mahal na hari dahil sa nangyari sa kuya ko nasa iisang palasyo na ang mga hari at reyna ng apat na bahagi ng Aesylum at pati na din ang kanilang mga anak na nakasama ko kanina na si Cloud, Rain at Sunshine para na din sa aming kaligtasan.

Pagdating ko sa garden ay napansin kung ako nalang pala ang hinihintay.Umupo na ako sa katabing upuan ni Rain. Nasa isang mahabang lamesa kami. Kung saan sa left side kaming mga Prinsesa at sa right side nakaupo ang mga reyna at hari, sa isang gilid si daddy nakaupo at sa other side naman si mommy.

Mapapansin mo rin ang halos labing dalawang taga-silbi na nag aabang lang kung ano ang iuutos sa kanila.

"Bakit po tayo sabay na kumakain ngayon?" tanong ni Sunshine. I prefer eating.. alone, instead of eating with this kind of set up. It's a kind of...awkward.

"May mahalaga kaming sasabihin sa inyo" ano nanaman ito sana naman wala ng gulo.

"Kailangan ninyong umalis" pagpapatuloy ng papa ni Rain. Bakit naman kami aalis? Napag disesyonan naba nila na itatakwil nila kami? Magandang balita kung ganun ang mangyayari.

"May namataang nagmamanman sa paligid ng palasyo at kami ay nababahala baka maulit nanaman ang nangyari kaya mas mabuting umalis na muna kayo" hahahaha natatawa ako sa pinag sasabi ng tatay ni Rain.. Ngayon todo ingat talaga sila pero noon ni isang tao walang tumulong sa amin ni kuya at ang masaklap pa e nasa loob kami ng palasyo nakaka panggalaiti.

Mapaklang napangisi nalang ako sa sinasabi nila.

"Kailan kami aalis at saan kami pupunta?" Tanong ko na ikinagulat nilang lahat.. Bakit?? May masama ba sa itinanong ko?

"Sky sang ayon ka sa sinasabi nila?" Nagtatakang tanong ni Sunshine.. Why not?? Para naman hindi na ako makulong sa palasyong to dahil halos lahat ng sulok naalala ko lang siya.

"Why not?" Walang emosyong sabi ko sa kanila..

"I'm in kasi okay na kay Sky." Sabi ni Cloud.. Okay na sana pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit pa kami mag di disguise e wala namang taong taga labas ang alam ang mga mukha namin.

Binihisan nila kami na pang nerd at ng pagtingin ko sa itsura ko sa salamin ay hindi ko talaga akalaing ako ang nasa salamin dahil ibang iba talaga parang ibang tao ang nasa salamin. Yung ibang Prinsesa rin ay nag iba din ang itsura .. Pagkatapos namin mag bihis ay isa isa kaming pinicturan at kaming apat din ay pinicturan ng magkakasama.

Ano nanaman ba ito?.

---

Vote!comment!Share!

Salamat sa pagbabasa!😄

Lovelots💕

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now