Chapter 11

2.2K 58 2
                                    

***

Vale_Amor

"Everyone wants, HAPPINESS
no one wants,PAIN
but you can't have a RAINBOW without a little Rain"

***

Rain's Pov

Magdadalawang buwan na simula nung makidnap kami. Walang ibang nakakaalam na ibang studyante na nawala kami maliban sa Dean at mga kaibigan ni Gray.

Simula din noon ay nag imbestiga na kami ni Sky pero sa loob ng mahigit dalawang buwan ay wala pakaming nakukuhang maayos na impormasyon.

Naging normal ang buhay namin at naging mas close kami sa grupo nila Gray pero mas lalong rumarami ang ka away namin.

Tulad nung isang araw nagulat nalang kami na makitang punit punit ang mga notebook namin. May bumuhos din ng tubig kay Sunshine, yung isang libro ko ay pinunit din, pinutol din nila ang headset ni Sky, si Cloud naman pinatid ng isa sa kaklase namin at ayun nag resulta sa away kaya na detention siya ng dalawang oras.

Nagtitimpi lang talaga kami kasi ayaw namin ng away pero kung gugustuhin naman naming labanan sila kayang kaya namin sila pero baka mas lumala pa.

"Uy Rain anong sasalihan mong sport?" Tanong sa akin ni Gray magkasama kami ngayon sa library dahil inatasan kami ng teacher namin sa Science na mag research about Volcano mas mabuti kasi kung sa libro dahil kung sa Google may mga bagay kasi na wala sa net na nandito sa mga libro.

Sports fest na namin next week at wala akong planong sumali.

"Hindi ako sasali mas mabuti pang mag basa ng libro " nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at paminsan minsan ay sinusulat ko ang mga important detail.

"I know that you love to read but you need to unwind through sport masyado kanang focuse sa books mo, there so many things you can do aside from reading" grabe makapagsalita anong akala niya sa sarili niya hindi adik sa pagbabasa?

"Don't give me that look Rain, I know what your thinking. Yes I do love to read BUT I love basketball too" hindi ko alam na marunong siyang mag basketball.

"Basketball ang lalaruin namin nila Ice, Lee at Xyro isa kami sa mag prepresent ng section natin. Diba sabi ni ma'am hindi pwede na walang sasalihan kasi zero ka daw sa exam kung hindi sa sasali." hindi ko inaasahan na marunong pala silang maglaro at hindi ko din inaasahan na bawal palang hindi sumali.

Natapos na kami sa ginagawa namin at papunta na kami sa Cafeteria dahil lunch time narin naman. Doon na kami na ka upo sa upuan ng The king's na walang iba kundi ang grupo nila Gray isa rin yun sa mga dahilan kaya mas rumami ang haters namin. Na alala ko pa nun nung umupo kami sa cabin nila, sobrang nagalit sila nun pero ngayon e mas nagiging close pa kami halos sa lahat ng oras mag kasama na kaming walo. Sa pag pasok at pag uwi kasama na namin sila, sa pag kain at pag gawa ng mga assignment at project kasama na rin namin sila. Simula nung nakidnap kami ay mas naging close pa kami.

"Nandito na pala kayo Gray at Rain tamang tama at nagdala na kami ng pagkain ni Xyro, kumain na tayo" inilapag na ni Cloud ang mga dala nilang pagkain. Nag simula na kaming kumain ng mapunta sa sports fest ang topic.

"So guiys, ano ang sasalihan niyo next week sa sports fest? " pag uumpisa ng topic ni Lee.

"Wala kami----" sasabihin ko sanang wala kaming plano na sumali pero biglang sumingit si Walter na assistant ng Dean na akala ni Sunshine Butler.

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now