myth

1.9K 50 5
                                    

Hini po ito kasali sa story ko pero gusto ko lang po itong e-share sa inyo . Grade 10 student po ako at nagkaroon kami ng task na gumawa ng story na ang character ay mga character sa greek myth . Sana po ay mag comment kayo kung okay ba siya or masyado lang OA .

SHARE KO LANG PO ITONG STORY NATO NA GINAWA KO PARA SA PROJECT NAMIN . 

_____________________________________________________________________________

Masayang naglalakad si Venus, ang Diyos ng kagandahan at pagibig suot ang puting bestida na may simbolo ng kalapati. Ang ibang Diyos at Diyosa ay napapatulala sa kagandahan nito. 

" Iba talaga ang ganda ni Venus" wika ng Diyosa na si Athena .

  Naninirahan ang mga Diyos at Diyosa sa lugar ng Aesylum na nasa pinakailalim ng mundo.

Napatigil sa paglalakad si Venus na ng biglang sumakit ang puso nito.

 "Naturingan pa naman akong diyosa ng pag-ibig pero sumasakit ang aking puso" anito. Pumunta siya sa kaniyang matalik na kaibigan na si Artemis na galing lamang sa pangangaso. 

"Isa lamang ang aking maipapayo,  subukan mong magmahal Venus."  Payo ni Artemis.

 Gulong-gulo ang isip ni Venus ng umalis siya. 

"Paano ba ang umibig? Karapat-dapat ba akong tawaging diyosa ng pagibig? Ngunit hindi ko pa naranasang magmahal." nakahawak ang kamay nito sa puso nito habang sinasabi ang mga katagang ito. Papauwi na sana si Venus nang biglang tawagin siya ni Hermes,  mensahero ng diyos at diyosa. 

"Venus, pagpasensyahan niyo na at ako'y nang-aabala,  pinapatawag ka ni Zeus." si Zeus ay ang hari ng mga diyos.

Pumunta si Venus sa palasyo nito.

" Hindi na ako mahal ng aking asawa na si Hera,  may kalaguyo na siyang iba. Ano ang aking gagawin?" Umiiyak na sabi ni Zeus habang humihiga sa kama nito. 

"Isa lamang ang sagot riyan haring Zeus.  Ipakita niyo kay reyna Hera na mahal niyo siya,  ipakita niyo sa kaniya na siya lang ang babaeng mamahalin niyo. Maaring ligawan niyo sa ulit, bigyan ng bulaklak o kung ano-ano pa na magpapakilig sa kaniya." Mahabang payo rito,

 "Maari ko bang malaman  kung sino ang kalaguyo ni Reyna Hera?" Mahabang katahamikan ang namayani sa dalawa.  "

 Si Apollo,  nabihag niyaang puso ng aking asawa dahil sa musika." Natahimik si Venus at nagpaalam na para makauwi. 

"Mabuti pa ang iba,  namomroblema dahil sa pagibig.  Kailan ko kaya mararanasan yon? " sa isip nito . Papalabas na siya ng palasyo nang biglang sumulpot si Athena at walang ano-anong binigyan siya ng papel, isa itong mapa na patungo sa isang palasyo na may isang prinsipe na naghahanap ng asawa.  May nakalakip na larawan ng prinsipe sa gilid.  Nabigla si Venus ng makita niya ang larawan ng prinsipe,  imbes na sumakit ang puso niya ay bigla itong tumibok nag napakalakas at wari ay naririnig na niya. 

Nagmamadaling umuwi siya sa kaniyang bahay at naghanda.  Ang unang larawan sa mapa ay isang napakalaking dagat.  Sumakay muna si Venus ng kabayo bago makarating dito. Laking pasasalamat nito ng makita ang isa sa mga kaibigan niya na si Poseidon diyos ng karagatan,  at tinulungan siya nitong makatawid gamit ang dolpin.

Ang susunod ay kailangang tumawid siya sa lawa ng apoy. Mabuti at nandoon si Hestia na diyosa ng apoy mula  sa pugon na tumulong sa kanya , may ginawang mahika si Hestia para malayang makalakad si Venus sa apoy.  

" Tungkulin ko ang bantayan kayong mga diyosa at ayaw ko kayong mapahamak." Nagpatuloy na sa paglalakad si Venus at inabot na siya ng gabi. Nasa kagubatan na siya at napagpasiyahan niyang magpahinga muna, naging alerto siya ng biglang nakarinig siya ng kaluskos at laking pasalamat niya at si Hermes lamang ito. " Bakit ka narito Venus?" Tanong ni Hermes "Ako'y naglalakbay para makita ang ang aking minamahal."

Sinamahan ni Hermes sa paglalakbay si Venus ng makarating na sila  sa isang palasyo. Iniwan na ni Hermes si Venus.  Nakangiting pumasok si Venus at laking gulat niya na ang paligid ay apoy. Nanginginig at natakot siya ng may narinig siyang napakalakas na tinig.

 "Ano ang iyong kailangan?" Malamig na sabi ng lalaking may malalaking dalawang sungay. 

" I-ikaw ba ang nasa larawan?"  Nauutal  na tanong ni Venus.

"Umalis kana" wika ng lalaki
Sa kabilang dako sa Aesylum,  si Athena na ang naghaharian kapag tungkol sa kagandahan. Noon pa siya naiingit kay Venus kaya umisip siya ng paraan para mawala ito sa Aesylum.  Nalaman ni Athena na namomroblema si Venus sa kaniyang puso. Kaya binigyan niya si Venus ng mapa, patungo sa palasyo ng demonyong si Hades.  

"Hindi ko lubos maisip na ang dali lang palang linlangin ni Venus," magiliw na pahayag nito habang sinasamsam niya ang kaniyang pagkapanalo.

Sa palasyo naman ni Hades,  namamalagi si Venus. Nakapagtataka nga at hindi nasusunog si Venus.  Hindi pa nakikita ni Venus ang mukha ni Hades dahil sa napakataas nitong buhok na tumatakip sa mukha nito. 

" Maari ko bang makita ang iyong mukha?" Ani ni Venus. 

"Hindi iyan maaari, ako lamang ay iyong pandidirihan kapag nakita mo ang aking mukha." Naglakad na papalabas ng palasyo si Hades at sinundan siya ni Venus. 

" Hindi kaba nagagandahan sa akin? Ako ay umiibig na sa iyo kaya sana ay suklian mo ang aking pag-ibig." Sabi niya . 

" Wag mo akong patawanin, kay ganda mong babae hindi ako nararapat sa iyo." mas binilisan pa ni Hades ang paglalakad.  Ngunit sa hindi inaasahan ay nalipad ng hangin ang kaniyang mahahabang buhok at nakita ni Venus ang maamong mukha nito. Hinaplos ni Venus ang mukha ni Hades Hades at sinabi ang katagang 

" kay gandang lalaki, hindi ko mawari kung saang parte ng yung mukha ang nakakadiri. Maaari mo ba akong pakasalan?" Tumakbo si Hades at pumasok ulit siya sa kaniyang palasyo at maiging isinarado ang pinto nito para hindi makapasok si Venus.

Si Venus naman ay natulala at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso bago siya sumunod kay Hades pero labis siyang nalungkot na sarado na ang kaniyang
palasyo. Umulan, umaraw at gumabi ay naghintay parin si Venus para pagbuksan siya ni Hades.

"Ano ba ang iniisip ng babaeng iyon at ako ang kaniyang napiling pakasalan,isa lamang akong hamak na panginoon ng impyerno." Wika ni Hades at palakad lakad sa likod ng pinto. Hindi na natiis ni Hades at binuksan niya ang pinto at pinapasok si Venus. Laking pasasalamat naman ni Venus,  pinagsilbihan ni Venus si Hades para masuklian ang kanyang pagmamahal. Nakaramdam narin ng pagmamahal si Hades kay Venus.  Masaya silang naninirahan sa apoy na palasyo ni Hades.  Ngunit nabigla silang dalawa ng biglang dumating ang hari ng mga diyos na si Zeus. 

 "Lapastangan ka Hades. Diba at ipinangako mong hindi ka magmamahal!" Galit na sabi ni Zeus, ang diyos ng pangako at kasinungalingan.

Ipinangako ni Hades na siya ay hindi magmamahal dahil sa noong unang umibig si Hades ay napunta sa impyerno ang kaniyang minamahal kay ito ang naging kasunduan nila ni Zeus at kung hindi niya ito matutupad,  may sumpa kung si Hades at ang kaniyang minamahal ay maghahalikan isa sa kanila ay magiging abo.

"Wala ka bang utang na loob Haring Zeus , ako ang tumulong para mag ayos kayo ni Reyna Hera at ito lang ang iyong igaganti?" Galit at nagsusumamo ang tinig ni Venus habang sinasabi ito. Ngunit bigla nalang nawalan ng malay si Venus mabuti nalamang at nasalo siya ni Hades. Napag-alaman ni Hades at Zeus na nalason si Venus dahil sa isang halamang natapakan ni Venus habang siya ay  naglalakbay sa kagubatan. Ang makapagpapagaling lamang sa kaniya ay isang tunay na halik ng pag-ibig.  Hindi nag-alinlangan si Hades at hinalikan si Venus. Nabigla naman si Zeus sa inasal nito. Isang matamis na halik ang iginawad ni Hades sa mapupulang labi ni Venus ngunit unti-unting nagiging abo ang mga paa ni Hades hanggang siya ay naglaho. Pagmulat ng mata ni Venus ay agad niyang hinanap si Hades ngunit lungkot lamang ang kaniyang nadarama ng mapagalamang wala na ito.

Ang Diyosa ng pag-ibig na si Venus ay nahanap ang kaniyang minamahal ngunit sakit lamang ang kaniyang nadarama dahil sa pagkawala ng una at huli niyang pag-ibig na si Hades.



END 

COMMENT GUYS!!!

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now