Chapter 10

2.2K 60 0
                                    

***
Vale_Amor

" There are times when we have so many questions that don't seem to have any answers.  The answers will
come although they might not be what you expected.  Enjoy life's little Surprises.

***

Sky's Pov
Unti unti kung inimulat ang paningin ko at umaga na nakitang kung nasa isang maliit na kubo kami na may sira sirang bubong at pader na kawayan.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Rain, Sunshine at Cloud na tulad ko ay nakatali ang paa at kamay at may busal din sa bibig. Pero hindi parin sila nagigising.

" Ano ang gagawin natin diyan sa mga babaeng yan meron silang pera pero hindi tayo makahingi ng ransom dahil wala tayong contact dahil wala silang cellphone "

" Oo nga eh pumunta ka sa bayan at tingnan mo dun kung may naghahanap ba sa kanila"

May yapak ng paa papunta dito sa loob kaya nag kunwari akong tulog. Umalis din ito agad kaya binukas ko ulit ang mata ko. Iniikot ikot ko ang kamay ko para maluwagan ang tali na nasa kamay ko.

Humahapdi na ito pero kailangan ko itong gawin para makatakas kami.
Habang tumatagal ay lumuwag na ito hanggang sa nakalas ko na ito ngunit dumugo naman ang wrist ko.

Mabilis na tinanggal ko ang tali sa paa at bibig ko natanggal ko na ito ng biglang bumalik yung kidnaper kung saan ito pala yung driver na sinakyan nami.
"Hoy ano ang gina--" sinugod ko agad siya sinipa ko siya sa tiyan at napaatras naman siya, lalaban pa sana siya pero sunod ko ng sinipa ang batok niya dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Lumabas ako ng bahay para tingnan kung meron pa bang iba pero pasalamat ko at wala na. Nasa magubat na parte kami at itong kubo lang nato ang bahay na nakikita bukod dun ay wala na puro puno lang at makakapal na damo.

Dalawa lang pa silang kumidnap sa amin yung isa ay mukhang pumunta muna sa bayan base sa narinig kong pag uusap nila kanina.

Bumalik ako sa loob at ginising ko sila, isa isang tinanggal ang tali nila sa paa, kamay at bibig nila.

"Mabuti at okay lang tayo " niyakap ako ni Sunshine at yumakap na rin ang iba sa akin pero bumitaw agad ako.

Napangiti nalang ako ng palihim kasi matagal narin nung last na nagyakap kaming apat.

"Tara na ang drama na natin" naghiwalay kami sa pagyayakap ng magsalita si Cloud.

Naglakad na kami dito sa gubat hindi namin alam kung saan kami papunta. Ang mahalaga ay malayo na kami sa kubo.

"Sky nagdurugo ang wrist mo! " exaggerated na sabi ni Sunshine. Dali daling pinunit ni Rain ang palda niya at pinalupot sa sugat kung nagdurugo
Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip ni Rain. May mga oras na nag uusap kami pero si Rain ay parang wala sa huwestyo. Mag sasalita lang kung tinatanong, may mga time din na dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya e matatapilok siya.
Mga isang oras na kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang daan hindi man siya simentado ay pwede namin tung bagtasin para makapunta sa highway.

Napahinto kami ng may van napaplapit sa amin. What if kasamahan yan ng mga kumidnap sa amin? Tatakbo na sana kami ng bumukas ang pinto nito at lumabas si ICE? Sumunod sila Gray,lee, at Xyro.

Nakakagulat na bigla akong niyakap ni Ice pati nga ata ang iba ay nagulat dahil sa nangyari.

"Wag mo akong yakapin" walang emosyong sabi ko sa kaniya.

Bumitaw siya sa akin pero napadako ang tingin niya sa wrist kung dumdugo.
" kailangan nating ipagamot yan!"
"Ok--"
"Baka infection yan!"
"Ok--"
"Sino ang gumawa nito? " hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko kasi sisingit at sisingit siya.
Kinuha ko ang wrist sa kamay niya at walang emosyong tinitigan siya tsaka nilagpasan.
"Could you just shut up"
Papunta ako sa mga kasama ko na kinausap ng mga kaibigan ni Ice. Pero bago pa ako makaabot sa kanila ay may humarang sa akin nagulat ako dahil si Albert pala ito isa sa matagal ng nagtatrabaho sa palasyo para kami ay protektahan.

"Mahal na Prinsesa, masaya ako at ligtas po kayo" bahagyang nagbow pato sa akin.

"Maraming salamat, by the way why are you here ?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Inutusan po kami ng mahal na reyna para kayo ay hanapin "
Pinagusapan namin ang lahat ng nangyari simula nung sumakay kami sa taxi hanggang sa napadpad kami rito. Sinabi ko sa kaniya ang lahat pati na din ang lalaking nag kidnap sa amin.

"Hindi po maaring mapakulong natin sila dahil baka mabunyag ang inyong totoong katauhan " napag isipan ko rin ang tungkol dun kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Kayo na ang bahala sa kanila Albert" sinabi ko sa kaniya ang lokasyon ng kubo na pinanggalingan namin.Pagkatapos naming mag usap ay sumakay na kami sa isang van kasama ang mga kaibigan ni Ice at ang awkward ng atmosphere sa paligid at sobrang tahimik din.

"Ah salamat pala sa paghahanap sa amin" pinaka unang nagsalita sa amin ay si Sunshine.
Pero kung hindi lang din naman kami iniwan ng mga lalaking to e dapat ayos lang lahat pinag aalala pa namin ang mga magulang namin.

"Dapat lang talaga na hinanap nila tayo eh dahil naman sa kanila kung bakit tayo na kidnap, kung hindi nila tayo iniwan ay hindi mangyayari to" pareho kami ng iniisip ni Cloud. Alam ko naman na importante yung pupuntahan nila kasi nga mga tatay nila yun pero hindi ko maiwasang isipin na sa halos lahat na masasamang nangyayari sa amin ay kasama namin sila.

''Yeah We know that at humihingi kami ng tawad dahil sa pangiiwan sa inyo" sincere na sabi ni Gray habang nakatingin kay Rain na naparang wala sa katinuan dahil dedma lang at parang ang lalim ng iniisip kanina pa siya ganiyan.
"Nandito na tayo sa school mag pahinga muna kayo dahil bukas ay maypasok na. Ma una na kami" nagpaalam na kami sa kanila at dumeritso na kami sa dorm namin.

Bago paman makapasok si Rain sa kwarto niya ay hinigit ko siya papunta sa kwarto ko.

"Ano ang problema Rain" diretsahang tanong ko sa kaniya.

"Walang problema Sky, sige aalis na ako " nag attempt na lumabas si Rain pero hinigpitan ko pa ang hawak sa kaniya.

"Just speak Rain!! Makikinig ako! " nagdadalawang isip pa si Rain kung sasabihin ba niya o hindi.

"Sky kasi ---- "

"Sabihin muna! "

"Alam na-- nila na nandito tayo sa Pilipinas " naguguluhan man ay pinakinggan ko ang sinasabi ni Rain.

"Narinig ko ang pinag uusapan nung mga kidnaper akala nila tayo ang Prinsesa, marami sila kanina pero yung dalawa nalang ang na iwan. may nag utos sa kanila na ipakidnap tayo -- para macheck ang mga mata natin, hindi pa nila alam ang totoo nating mga mukha kaya-- kaya tiningnan nila ang mga mata natin isa-isa habang tulog tayo at doon ako nagising pero hindi ko pinahalata at nung na confirm nila na hindi tayo ang Prinsesa, na pagplanuhan nila na humingi nalang ng ransom.., mabuti at gumagamit tayo ng contactlense ,, hindi nila tayo nakilala at nag pasalamat din ako sa mga magulang natin na pinag disguise tayo. Gising na ako nun pero hindi ko minumulat ang mata ko at hinintay ko lang na kalagan mo ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala naman talaga akong plano na sabihin sa inyo to kasi --- kasi ayaw kung pinagaalala kayo, Sky ano ang gagawin natin?" Umiiyak na si Rain kaya inaalo ko siya para tumahan.

Sino ba sila ? Ano ba ang nagawa namin sa kanila. ? Wag nilang hayaan na malaman namin kung sino sila dahil sisiguraduhin kung magsisisi sila sa ginawa nila.

Napagpasasiyahan namin na hindi muna namin ipagsabi sa iba lalo na sa mga kasama namin.
Mag iimbestiga muna kami para malaman namin kung sino ang nagpapahanap sa amin.

×××

Vote!comment!Share!

Salamat sa pagbabasa!😄

Lovelots 💕

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now