Chapter 3

2.7K 72 2
                                    

***
Vale_Amor

"There will always be tomorrow if you believe "

***

Sunshines Pov

Bakit nga ba kami nandito? Yan ang tanong na bumabagabag sa akin. Delikado ba talaga kami sa Aesliyum kaya pinadala nila kami dito sa Philippines at pinag suot ng nerdy look. haysss nasisira ang beauty ko dito sa Pilipinas sa sobrang init.

Ngayon nandito na kami sa likod ng isang Academy.. Southeastern Academy.. Para daw sa safety namin to. Dito sa hinintuan namin para siyang gubat hindi pala parang, kasi gubat talaga siya kung saan wala kang makikitang kahit na maliit na bahay puro punong kahoy lang.

No choice naman kami kasi nga ang mga magulang namin ang may sabi nito lagot naman din kasi kami kung hindi namin sila susundin.

Homeschool kami. Malaki ang palasyo kaya hindi gaanong boring tapos wala din kaming masyadong kaibigan. Pero kung sa academics ang pag uusapan hindi naman kami magpapatalo.

Para kaming nakakulong pero naiintindihan din naman namin yun kasi para sa kaligtasan namin yun, kami kasi ang susunod na mamumuno sa Aesliyum kaya kailangan talaga naming mag ingat kasi maraming taga ibang bansa ang gustong sumakop sa aming bansa dahil isa ito sa pinaka mayamang bansa sa mundo at ito lang ang nag iisang bansa na pinamunuan ng royal family... Dito matatagpuan ang World treasure na naglalaman ng ibat ibang klase ng Diamond.

Buong buhay namin sinanay na kami para maging pinuno at nag papasalamat talaga ako dahil mararanasan na naming maging normal na tao. Hindi naman sa mga abnormal kami ang ibig ko lang sabihin e young maranasan naming pumasok sa classroom , magkaroon ng classmate, maglakad sa hallway at iba pa na nararanasan ng mga normal na estudyante.

Naglakad na kami papasok at ang guide namin ay itong lalaking parang Butler, hot butler hehehe..

"Ang gwapo" bulong ko pero parang narinig to ni Sky pero wala din naman siyang pakialam.

Tahimik lang kaming sumunod sa kaniya.

Pagpasok namin sa isang maliit na lagusan ay bumungad sa amin ang isang napakalaking skwelahan.

Malaki ang school and it's a dream come true na naranasan namin to. Bawat building ay nasa second to fifth floor.

Yung mga building ang gaganda para kang pumasok sa isang time machine at pumunta sa future dahil sa itsura ng mga building nila. May mga part ng windows, na salamin para siyang hindi skwelahan kundi isang building ng isang company.

Para na nga akong maiiyak kasi ngayon naglalakad kami sa isang SCHOOL! isang SCHOOL! Hindi ako makapaniwala.

Walang mga student ang masyadong gumagala maybe nagkaklase pa.

Pumasok kami sa isang kwarto na may nakasulat na Dean's Office bumungad samin ang isang sophisticated girl na parang nasa 20 above ang age.

"Good morning Princesses " she politely said at nag bow din siya.

"Good morning din" kaming tatlo lang ang nagsalita si Skyler kasi ang tahimik nanaman, sa amin lang ata nag iingay yan kasi sa ibang tao ang tahimik niyan at yung mukha niya minsan ay nakakapikon kasi walang emosyon. You will never know if she is angry or what.

" It's our pleasure na ang school namin ang napili ng inyong mga magulang para dito kayo mag aral , sisiguraduhin namin ang inyong kaligtasan. " may kinuha siya sa ilalim ng table niya.

"Ito ang susi para sa magiging kwarto ninyo" hindi ko alam kung susi ba ang tawag sa hinahawakan niya kasi para lang siyang isang card na may code tapos may naka in grave na name ng school.

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now