Chapter 9

2.1K 63 2
                                    

***
Vale_Amor

" Each days is a blessing,  a gift and opportunity to fulfill your dreams"

***

Ice Pov

Pa uwi na kami ng biglang tumawag si Dad at sabihin na nasa Pilipinas na daw ang mga fiance namin.

Hindi ko man gustong iwan namin sila Sky pero kailangan kasi ayaw na ayaw ni Dad ang pinaghihintay.

Lahat ng sinasabi ng mga tatay namin sinusunod naman. Pathetic na kung pathetic, yan na kasi ang takbo ng buhay namin.

Nag dinner lang kami kasama ang mga father namin sa isang restaurant, nakapagtataka ngang parang sobrang saya nila. Hindi mawala wala sa mukha nila ang ngiti.Ah kaya pala... pagkaraan ng ilang minuto may apat na magagandang babae ang pumasok. Halos lahat ng tao sa restaurant e napapatingin sa kanila. They look so sexy and hot.

"Oh nandito napala sila, boys meet Alicia she is the future wife of my son, Ice" napanganga nalang sila habang nakatingin sa apat na babaeng nasa harapan namin .Tinuro ni dad ang isang babae na nakadress na red having a wavy black hair hapit na hapit ang kaniyang dress sa katawan niya

"This lady besides Alecia her name is Stefanie, Xyro' s fiance" itong isang to mas nakulangan sa tela ang suot.

Pinakilala sa amin isa-isa nila dad ang mga fiance DAW namin.

Wala akong pakialam sa kanila dahil kung mapatay na namin yung mga Prinsesa itatapon lang naman din sila na parang basura. May deal kami ng mga tatay namin at sa deal na yun naka salalay ang kalayaan namin.

Ice- Alecia
Xyro- Stefanie
Gray- Teff
Lee- Amanda

Yun ang mga fiance daw namin. Tahimik lang ako habang nag uusap usap sila tungkol sa kompanya at iba pang bagay. Yung katabi ko namang babae tiningnan ko na nga ng masama, kumapit parin. Hinayaan ko nalang dahil kung makita ako ng tatay ko na umaangal e baka may gawin nanaman siyang makakasama sa akin.
"Ah sir pwede po ba naming makasama ang mga fiance namin ngayong gabi? Wala po kasi kaming matuluyan " malanding sabi ni Amanda at parang natuwa naman ang mga tatay namin.

"Magandang idea yang sinasabi mo Amanda, doon nalang kayo tumuloy sa isa sa mga hotel namin"
Pag suggest ni Dad.

Lahat kami sumakay na sa van at pumunta sa hotel na pagmamay ari namin, may kaniya kaniya kaming mga room .

Hindi panga kami nakakapasok sa unit hinalikan niya ako agad. I response hanggang sa may nangyari na sa amin pero gumamit ako ng protection. Ayaw ko namang makabuntis.

Kinabukasan ay nagising nalang ako ng nakatabi ko ang babaeng hubot hubad.

Dahan dahan akong nagbihis at lumabas ng room at nakita ko rin naman na kalalabas lang din ni Lee, Gray at Xyro.

"Balik na natayo sa dorm bukas na tayo pumasok. " sabi ko sa kanila at sumakay na nakami ng elevator para makapunta sa parking lot kung saan nandun ang van na sasakyan namin.

Tahimik lang kami hanggang sa nakabalik na kami sa dorm.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si ate.

"Bakit ngayon lang kayo? Magdamag ko kayong hinintay dahil hanggang ngayon wala pa sila Sky! Akala ko-- akala ko kasama niyo sila"
Hindi pa sila nakakauwi? Umaga na pero wala parin sila!? Guilt ang dumadaloy sa sistema ko ngayon.

"Iniwan namin sila sa Foundation, kasi tumawag ang daddy ni Ice napag usapan namin yung tungkol sa mga fiance namin at sa hotel narin kami na tulog, akala namin na ka uwi na sila. Akala namin nag commute sila." Pagpapaliwanag ni Lee na halatang nag aalala narin.

"HINDI SILA MARUNONG MAG COMMUTE!!! " sigaw ni ate sa amin at lahat kami natahimik dahil parang hindi nag sisink in sa utak namin ang lahat ng nangyayari.

Kring kring kring kring

Napatingin kaming lahat ng biglang nag ring ang cellphone ni ate.

"He-hello ma'am " nauutal na sabi ni ate na parang maluluha na talaga. Habang nakikinig si ate sa phone niya ay umiyak na siya.

"Sige po.. Salamat po... Sorry po ulit... hahanapin ko po sila... opo nakikinig po ako.. opo.. sige po.. tatawagan ko po kayo kung nahanap nanamin sila.. sige po.. wag kayong mag aalala." Pag katapos ng pakikipag usap ni ate ay para na siyang matutumba kaya inalalayan ko siya.

"Ta--tara sa office " namumutla na si ate

"Okay kalang dean?" Nahahalata din pala ni Gray ang pagputla ni ate.

Patuloy lang sa paglalakad si ate kaya sinundan namin siya.
Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila . Kung hindi namin sila iniwan hindi mangyayari ito, kung inihatid namin sila nandito na sana sila ngayon. Kailangan namin silang mahanap.
Pag pasok namin sa office ni ate nakita naming nakaupo si Walter sa may couch.

"Walter kunin mo yung computer at meron tayong dapat elocate. May device na suot sila Sky kaya dapat nating mahanap yun gamit ang code na binigay nila sa atin" maraming pinagtitipa si Walter sa computer.

"First thing first dapat ay ereport natin ang nagyayari sa police " sabi ko at kinuha ang cellphone ko para tumawag ng pulis.

"Wag, mas nanganganib sila pag ginawa natin yan, dahil kapag nakarating sa police makakarating sa media at kapag nakarating sa media mas manganganib sila kaya dapat satin lang ito, at please lang wag na kayong magtanong "

At tulad nga ng sinabi ni ate hindi na kami nag tanong at hinintay lang namin ang magiging resulta ng pag search ni Walter sa location nila Sky.
Sana mapadali ito dahil sa nagaalala na talaga ako.

"Masaya ako at nagaalala ka Ice. Matagal ko naring hindi nakikita ang ganyang emotion ng iyong mukha" nagsalita muli si ate at bumaling sa akin

"Hindi ako nagaalala, nakokonsensya lang ako kasi kung may mangayari sa kanila samin ang sisi" pagtanggi ko.

"Sabi mo eh"

Totoo ang sinasabi nila pero hindi ko kayang aminin na nagaalala ako lalo na kay Sky. Hindi ko nga alam kung bakit.

Tok.tok.tok.tok.

"Pasok " sabi ni ate at iniluwa nito ang mga lalaking nakablack at naka mask.

"Kami po ang ipinadala para iligtas ang---" hindi na ituloy ng isang lalaki ang sasabihin niya dahil sa tinapik siya ng kaniyang kasamahan.

"Nakita ko na.. Nasa Gubat sila mga ilang kilometro ang layo rito ngunit ang nakapagtataka ay gumagalaw sila na tila ay naglalakad." Wala kaming sinayang na panahon at pinuntahan ang lugar kung saan nandun ang lugar kung saan sila Sky.

Maraming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon pero dapat unahin ang kaligtasan nila Sky.

×××

Vote!comment!Share!

Salamat sa pagbabasa!😄

Lovelots 💕

Four Princesses In DisguiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang