Chapter 18

1.9K 56 2
                                    

***
Vale_Amor

"Sometimes we want to say our true feelings but the problem is we can't do it"
- courtesy of frankie

***

Rain's Pov

Maraming nangyari. Nabaril ako pero hindi ko alam kung sino ba talaga ang bumaril sa akin si Gray ba talaga?

Hindi kami pinagalitan masyado ng mga mga magulang namin at dapat daw next time ay mag paalam muna kami sa kanila kung may mga desisyon kami.


Saturday ngayon at nag decide kami na pumunta sa mall mabuti nga at pinayagan kami.

Nandito na ulit kami sa Pilipinas. Kinabukasan ay papasok na kami, bukas din ay sisimulan nanamin ang pag iwas sa kanila.. Sa mga taong kayang kaya kaming patayin.

Nerd parin kami as usual.

"Punta tayo sa national book store may bibilhin lang ako " suggest ko sa kanila at pumayag naman sila.

Kahit pala sa mall pinandidirihan nila kami. Napapatingin sila sa amin na parang mga alien kami pero kung alam nila ang totoong kami ay sigurado akong pinagkakaguluhan na kami ngayon. Malapit na kami sa national bookstore pero bigla silang huminto. Napatingin ako sa kanila at nakita ko silang nakakatitig sa intrance.

" ah may bibilhin papala ako, text ko nalang kayo mamaya " nagmamadaling umalis si Sunshine at sumunod din ang iba. May kaniya kaniya silang alibi hindi nalang nila sabihin na na ayaw lang talaga nilang sumama sa akin na bumili ng libro. Hindi kasi sila mahilig mag basa parang ako lang ata ang mahilig eh.

Naging normal na ulit ang buhay namin pero hindi pa kami sure kung aalis na naba kami sa underground community at hayaan nalang ang mga magulang namin na mag imbestiga or kung mag conduct din kami ng sarili naming imbestigasyon.

Pumasok nalang ako sa loob at hinanap ang libro na tungkol sa harry potter . May collection ako ng libro ng Harry Potter hinahanap ko yung Harry Potter and The Half Blood Prince meron na nakasi ako nung nauna ito yun ang kulang ko sa mga series ng Harry Potter. Nagmamadali akong pumasok kasi konte lang yun mga nasa 1000 lang na book ang renilease dito sa Philippines.
Sa pagmamadali ko may nakabangga ako pero hindi ko na yun pinansin at nagmamadaling pumasok at pumunta sa harry Potter section kukunin ko na sana ng may humawak din rito , nag iisa nalang to eh. Pag tingin ko nakita ko ang red haired guy na nakasuot ng salamin at naka white T-shirt at rip jeans. Parang may pagka nerd at gangster. Tinitigan niya ako at tinitigan ko rin siya.

" ako ang na una " ang husky ng voice niya parang nakaka inlove ?????

"Mister hindi ka ba gentleman? Diba dapat ladies first? " hahablutin na niya sana ang libro pero mas hinigpitan ko pa ang kapit rito para hindi niya makuha. Last nalang to kaya dapat ipaglaban ko.

"Babayaran kita kahit mag kano!! " shit sumigaw na si kuya parang gusto ko ng ibigay pero no no no dapat akin to kailangan kung mag isip ng paraan.

Hinablot nanaman niya pero hindi ako papatalo!!

Nabaril na nga ako tapos nakayanan ko ito pa kaya.

" akin na nga to nerd!!"

" eh ako ang na una kuyang nerd na gangster! " natigil kami sa paghahablutan at nag titigan hanggang sa may na isip akong paraan hehehe. Dahan dahan kung hinubad ang eyeglasses ko. May emerald green akong mga mata sabi ni mama na kapag titigan daw ito ay para kang nahihipnotise, nakalimutan kung mag suot ng contact.

Dahan dahan ko itong hinubad at tiningnan siya sa mata, parang napatulala si kuya kaya ito na ang chance ko para hablutin ang libro at success naman hehehe.

Sinuot ko ulit ang eyeglasses ko at nagmamadaling tumakbo sa counter. At sa wakas nabili ko rin.

Hindi naman ata kami mag kikita ulit.

Lalabas na sana ako ng bookstore ng may biglang humablot sa braso ko at pagtingin ko ay si red haired guy slash kuyang nerd na gangster lang pala.

Nakangiti siyang tumingin sa akin na parang timang. Kinaladkad niya ako kung saan at napadpad kami sa food court. Pina upo niya ako sa isang vacant seat at umalis siya pagbalik niya may dala na siyang ice cream binigay niya sa akin yung isang cup, tinignan ko siya ng nagtataka.

"Bakit mo ginagawa to? Diba dapat galit ka sa akin kasi nakuha ko yung libro? Eh bakit parang masaya ka pa at nilibre mo pa ako? " tinitigan niya lang ako na parang ako lang ang tao dito sa food court. Baliw na ata.

First time kung maranasan to.. Makipag away sa isang stranger.. Maipakita sa isang stranger ang mga ko... Malibre ng isang stranger..

"Ang ganda mo kasi lalo na yung mga mata mo" kung hindi lang dahil sa libro hindi ko naman dapat ipapakita sa kaniya yun. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya at kumain ng ice cream. Napatingin ako sa cellphone ko at may text si Sunshine na uuwi na pala kami.

"Ah sige alis na ako thank you sa ice cream" tumayo na ako at nag lahad ng kamay sa kaniya.

"My name is Rain and you are?"

"Just call me Josh" ngumiti ulit siya at napansin kung may dimple pala siya hehhe ang cute niya. May pagka boyish type pero may pagka nerdy type inshort ang gwapo.

What did I just think?? Na gwapo siya ?? Hahaha

Nag hiwalay na kami ng landas ng may biglang may humablot NANAMAN sa akin bakit ba palagi akong hinahablot ng mga tao ngayon?

"Layuan mo si Josh hindi kayo bagay!!! Sikat si Josh hindi siya bagay sayo na normal lang at pangit pa" umalis na lang din bigla yung babae na may pagka chinita maganda pero masama ang ugali hindi ko naman alam na sikat pala yung kulokuy nayun tapos grabe naman maka react yung babae akala inaagawan eh ngayon nga lang kami nagkakilala.

Babalik ako sa may bookstore doon daw kami magkikita nila Sunshine, Pagtingin ko sa may arcade part parang may pinag kakaguluhan pero binaliwala ko lang ito kasi wala talaga akong pakialam hindi naman ako chismosa at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakita ko na si Sunshine kumakaway sa akin.

Kami lang dalawa ni Sunshine kaya hinintay muna namin ang iba pa naming kaibigan.

×××

Vote!comment! and share!

Salamat sa pagbabasa,😀

Lovelots 💕

Four Princesses In Disguiseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें