Chapter 15

2K 57 1
                                    

***
Vale_Amor
"Don't trust too much,Don't love too much , Don't hope too much
Because that "too much"
Can hurt you so much "

***

Rain's POV

Lunes na ngayon at simula na ng sport's fest. Opening na at hindi namin inakalang kasali si Sky sa sasayaw para sa opening.

Medyo seksi ang sayaw nila apat na babae ang sumasayaw at napa ohhhh ang lahat ng biglang inalis nila ang blazer na suot nila. Ang suot nila ay short shorts, sando na pinarisan ng blazer at naka high heels at may mask din silang suot na ang mata lang ang nakikita pero ang ipinigtataka ko ay hindi nag suot ng contact lense si Sky . q(-_?)p

Bumulong sa akin si Cloud.

" ano ang pakana ni Sky?" Nagtatakang tanong nito. Binigyan ko siya ng look na hindi ko alam look.

Kasama ko si Cloud at Sunshine pati narin ang The king's na ngayon ay nakatitig kay Sky. Mas maiging sasabihin na nakatitig sa mga mata ni Sky maaring tama ang hinala namin.

"Kilala mo ba yang babae?" Tanong ni Ice sabay turo kay Sky at umiling lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pag tingin sa sumasayaw. Bago pa matapos ang pagsasayaw ay biglang dumating si Sky? ?

Nagtatakang tumingin ako sa kaniya pero wala siyang emosyong tumingin kila Ice at bumaling ang tingin sa babaeng sumasayaw sunod sa akin. At ang walang hiya tinanguan lang ako.

Pagkatapos sumayaw ay biglang nawala rin sila Ice..

"Masasagot ang mga katanungan niyo bukas alas 7 ng gabi" wala kaming nagawa kundi tumango nalang dahil bakas sa mukha ni Sky na seryoso siya. May hinala na ako sa mangyayari pero hindi ko pangungunahan si Sky.

Nag simula na nga ang sports fest at si Cloud lang ang may laro ngayon.. magaling si Cloud sa volleyball kaya naka sali agad siya. Alam naman natin na mataray si Cloud kaya kahit maraming walang gusto sa kaniya ay naka sali parin siya...

Nandito na kami ngayon sa court kung saan maglalaban ang star section at sun section.

Kasali sa first six si Cloud dahil magaling siya mag laro ng volleyball tulad ni Sunshine. Naka pants siya at suot parin niya ang eyeglasses niya. Ang sagwa nga niyang tingnan.

Nag simula na ang laro at halos hindi siya maka tira kasi kung siya na ang titira ay aagawin to ng ka team mate niya kaya ang naging resulta ay nangunguna ang sun section pero dahil nga sa mataray si Cloud nag simula nanaman ang gulo. Wala kaming ginawa kundi manood nalang dahil alam naman namin na kaya yan ni Cloud.

Nag time out muna at nag usap usap ang team nila Cloud hindi namin naririnig kasi medyo malayo kami sa kanila.

Nag simula nanaman ang laro at mas nakikitaan ng team work ang star section at nakakatira na rin si Cloud.

Nag diwang lahat ng taga star section dahil nanalo sila at naging close din si Cloud sa mga ka team niya sa katunayan ay nag group hug pa sila.

Hapon narin nung natapos ang laro. Balak naming mag pahinga nalang sa dorm.

Walang masyadong nangyari.kinabukasan ay hindi namin gaanong kasama sila Gray .

Ang may laro ngayon ay si Sunshine at si Sky. Si Sky ay sa billiard single at si Sunshine naman ay sa chess..

At as usual ay panalo silang dalawa halos nga lahat ng taga star section ay panalo.. May humahanga na rin sa amin kasi nga itong mga kaibigan ko ay panalo lahat kaya bukas ay gagalingan ko para naman ma proud din sila sa akin.
Medyo kumonte narin ang haters namin.

Nagpapahinga na kami ngayon sa dorm at hinihintay namin kung ano ang sasabihin ni Sky. 7 na kasi ngayon ito ang oras para sabihin ni Sky ang nalalaman niya.

Tahimik kaming lahat ng biglang tumayo si Sky at pinaandar ang tv.

"Exclusive news may natagpuang patay sa ilog kaninang umaga napag kaalamang studyante ito sa Southeastern Academy. Ang pangalan ay Monica Lee at..." pinatay na ni Sky ang tv bumaling sa amin.

"Kilala niyo ba yung babae? " walang emosyong sabi nito at tinignan kami isa isa at iling lang ang naisagot namin dahil sa hindi talaga namin kilala yung babaeng namatay.

"Siya yung babaeng sumasayaw....

Yung pula ang mata....


Pinatay siya...

Nila Ice"

q0_0p
Namutla bigla ako sa sinabi ni Sky parang nawala lahat ng dugo sa katawan ko sa narinig ko.

Talaga bang kami ang punterya? Ano ang gagawin namin? Pa ano kung malaman nilang kami talaga ang mga prensisa? Papatayin din ba nila kami? Naging kaibigan namin sila ang lungkot isiping baka balang araw kami rin ang magpatayan. Akala ba nila si Sky yun? Kung hindi kami nag suot ng contact lense maaaring patay na kami ngayon. Hindi nila alam ang mukha namin kaya ang way na makilala nila kami ay ang kulay ng mga mata namin.

"Yung babaeng sumasayaw ay naka contacts lang. Diba naka mask yung sumasayaw? Gusto atang maging cool ng babae kaya ayun ng contacts. Napansin agad ito nila Ice. Nag imbistega ako kila Ice at yung tatlong lalaki palang nakasalamuha natin sa underground officials , yung tatlong lalaking matataas ang rango ay mga magulang nila Ice. Apat sila pero wala dun ang tatay ni Lee. Pinasundan ko yung babae dahil may hinala akong papatayin siya at tama nga ang hinala ko pinatay siya at tinorture namatay din yung lalaking inutusan kung mag bantay sa kaniya hindi ko man lang siya naipagtanggol at dahil sa message na tinext niya sa akin kaya nalaman ko ito mabuti at nagawa pa niyang makatext bago siya na bisto.. Nadamay pa ang inosenteng tao. Ngayon akala nila patay na ako. ". parang hindi mag sink in sa ulo ko ang lahat ng sinabi ni Sky.

" Ano-- ano na ang gagawin natin?" Matapang na tanong ni Cloud pero bakas sa boses nito na natatakot na rin ito sa nangyayari.

"Pa ano pag nalaman nilang tayo ang mga prinsesa? Bakit ba nila tayo hinahunting? Dapat ba natin itong ipa alam sa mga magulang natin? Pan---" hindi nanatuloy ni Sunshine ang sasabihin nito kasi umiyak nalang siya ng umiyak.

"Ang kailangan nating gawin ngayon ay maging normal. Hindi tayo iiwas sa kanila. Diba may kasabihan na Make your friends close BUT make your enemy's closer.. Tayo lang dapat ang nakakaalam nito at kung marami na tayong impormasyon doon na tayo magplaplano kung ano ang gagawin. Sa ngayon matulog na tayo." Ang gulo na ng buhay namin. Sa palasyo wala kaming iniindang problema nag aaral lang kami para sa paghahanda kapag kami na ang uupo sa trono tapos may biglang death threat na dumating at kailangan naming mag disguise. Tapos na bully kami, nakidnap, nagkaroon ng kaibigan, naging gangster, pumatay, ang daming nangyari halos dito na umiikot ang mundo namin..

Kailan pa ba matatapos ito? .

---

Kinabukasan walang pasok dahil sa nangyaring pag patay sa babae. Hindi maiwasang sisihin namin ang aming sarili dahil sa nangyari. Walang naka suhan dahil masyadong malinis ang pagpatay. Walang witness kaya nag imbestiga ang mga pulis sa school namin at na idaklarang wala munang pasok at sa susunod na araw itutuloy ang sports fest.. Nag iimbestiga rin ako tungkol sa nangyari pero hindi ko muna sinasabi kay Sky dahil mas gusto kung ako muna ang kikilos , sasabihin ko sa kanila kung may mahalagang impormasyon na akong nakuha.

Nanatili lang kami sa dorm lahat kami nanatili sa kaniya kaniya naming kwarto. Lumalabas lang kami kung kakain.

Sobrang tahimik sa dorm.

Kaya nagulat ako ng biglang may nag doorbell.

Lumabas ako ng kwarto at kasabay ko ring lumabas ng kwarto sila Sunshine, Cloud at Sky.

"Ako na ang titingin" presinta ko at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at hindi ko alam kung ano ang sasabihin kasi nasa harap ko ang...




The king's.

×××

Vote!comment!Share!

Salamat sa pagbabasa!😄

Lovelots 💕

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now