Chapter 13

2K 56 0
                                    

***
Vale_Amor
" Friendship isn't about whom you have known the longest. It's about who came and never left your side "

***


Sky's Pov

Ang dala ni Rain ay bow and arrow at ang dala ko naman ay whip na may matutulis na blade ako ang sa malalayo at si Rain ang naging backup ko. Isa lang ang bawal dito ang paggamit ng Baril.

Legal ang pagpatay dito kaya halos lahat dito mga walang puso.

Nasa pinakagilid kami ni Rain at tinitingnan muna namin ang naglalaban sa gitna.

" It's showtime!" Sabi ko at naglakad na papunta sa gitna.

Winasiwas ko ang whip ko at nasa lima ang tinamaan ko nagkaroon ng malaking hiwa ang tiyan nila dahil sa talas ng whip ko at napa sigaw sila sa sakit naging dahilan ito para mapatigil ang naglalaban at mapatingin sa akin.

I hate attention! q-_-p

"What are you looking at?" Walang emosyong sabi ko. Bago pa makapag react ang iba ay may tumama na arrow sa isang babae na nasa harap ko at lahat kami napatingin sa direksiyon kung saan ng galing ang pana at napangisi nalang ako dahil walang tao rito.

Ganiyan ang tactic ni Rain hindi mo malalaman kung saan siya dahil pabago bago siya ng posisyon pagkatapos niyang tumira.

May natamaan nanaman at yun ang hudyat kung saan magsisimula ang totoong laban.

Pinaikot ko ang whip ko sabay ng katawan ko kaya wala masyadong nakakalapit sa akin. Halos lahat ng madadaanan ko ay napapaaray o kaya ay namamatay dahil sa talas ng blade ng whip ko kayang kaya nitong pumutol ng leeg ng tao.

Patuloy din sa pagpana si Rain. Ako lang ang nakakakita kung saan siya naka posisyon dahil binabantayan ko rin ang mga galaw niya dahil ayaw ko ring mapahamak siya.

Hindi ko namalayan na may bumato sa akin ng swiss knife. Mabuti at mabilis ang reflexes ko at binend ko ang katawan ko para hindi ako matamaan. Pag tayo ko ay hinanap ko yung nagbato sa akin pero busy ang lahat sa pakikipaglaban kaya hindi ko matukoy kung sino ang nagbato sa kin.

Pinagpatuloy ko lang ang ekspresiyon ng mukha ko na parang walang pakialam sa paligid.

Nagpatuloy lang ako sa pagikot ng whip ko hanggang sa nasa sampu nalang kaming nakatayo ang iba ay naghihingalo na ang iba ay patay na.

Naglakad na papalapit sa akin si Rain at tumayo sa gilid ko.

"Ang galing mo talaga Sky yung bumato nung swiss knife sayo kanina ay natumba ko na kaya hindi mo nahanap" hindi ko siya sinagot at nag focus lang ako sa sampung lalaking kaharap namin.

"Wag mo munang gamitin yang bow and arrow mo dahil mahihirapan ka kapag harap harapan ang kakalabanin mo,yung samurai ang gamitin mo." Nag simula na kaming maglaban at sa isang hampas ko lang may tatlo na kung napatumba.

Si Rain naman ay may kalaban siyang samurai din ang gamit. Kaya nahihirapan siyang patumbahin ito.

Nag patuloy lang ako sa paghampas ng whip ko hanggang sa may humawak sa whip ko at dahil dun ay nagdugo ang kamay nito.

Tinitigan ko yung humawak at nakatitig din ito sa akin , siya yung lalaki kanina., hinila ko yung whip ko at dahil dun ay natumba siya at sabay ng paghila ko ay nahila din siya nasadsad siya sa sahig at nung malapit na siya sa akin ay kinuha ko yung swiss knife ko at binato ko to at sapul sa noo niya.

Lahat ay patay na at kami nalang dalawa ni Rain ang na iwan.

"Congrats to us" sabi ko kay Rain at ngumiti lang ito sa akin.

May naglalakad papalapit sa amin na lalaking nakamask din tulad namin.

"Welcome sa Underground Officials ang inyong grupo ay kasali na, sumunod kayo sa amin "

Sinundan lang namin siya hanggang sa pumasok kami sa pintong may pulang kulay.

Ngayon palang nag sisimula ang totoong laban.

×××

Vote!comment!Share!

Salamat sa pagbabasa!😄

Lovelots 💕

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now