Chapter 26

1.5K 34 3
                                    

***

Vale_Amor

"You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams." 
― Dr. Seuss

***

Sunshine's Pov

Habang papunta kami sa lobby sinabi ko kay Cloud yung nangyari kagabi tulad ng naging reaksyon ko ay akala din ni Cloud na may ginawa si Ice kay Sky pero pinaliwanag ko naman sa kaniya ang lahat.

Natapos ang activity namin na nag aalburoto si Cloud dun sa mga babaeng kasama nila Ice masyado kasi silang madaldal at pabida hindi naman sila nakakatulong ang masama pa dun kapag pinagsasabihan namin sila e kami pa ang nagiging masama sa mata ng ibang tao mas mabuti sana kung hindi na kami sumali dito tulad ni Sky na tumakas. Asan na kaya yung babaeng yun??

Pagpasok ko palang sa kwarto namin e gusto ko ng magwala.

Maabutan mo lang naman yung isa sa mga kaibigan mo na natutulog habang ikaw e katatapos lang sumabak sa laban.

Nabigla nalang kaming lahat ng biglang binato ni Cloud ang dala niyang plastic bottle kay Sky pero ang mas nagpalaki sa mga mata namin ng nasalo niya to. Hindi naman nakapagtataka na nasalo niya kasi noon paman nagagawa niya ng sumalo ng mga bagay na binabato sa kanya pero nakapikit kasi siya.. Nakapikit!! Ano siya may kayang makita ang paligid kahit nakapikit.

Bumangon si Sky at tumingin sa amin, pinakita niya sa amin yung plastic bottle na binato ni Cloid. Napalunok nalang ako, ang sama kasi ng titig ni Sky sa amin. Pano ba niya na nasalo yun?

"Bakit ko nasalo ito?? Simple lang, narinig ko kasi na pumasok na kayo tapos ang ipinagtataka ko ay bigla nalang kayong tumigil base sa yapak ng mga paa niyo..Narinig ko ang pagyupi ng plastic bottle na dala ng isa sa inyo at ibanato ito papunta sa akin pero damang dama ko ang presensya ng plastic bottle kaya nasalo ko ito agad" nababasa ba niya ang iniisip ko?

"Hindi ko nababasa ang isip niyo pero nababasa ko ang mga facial expression niyo" ang creepy ni Sky.

"Sino ang bumato nito?" umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya at dahang dahang umaatras para lumabas.. Babalik nalang ako maya maya kung hindi na mainit ang ulo ni Sky.

"Saan ka pupunta Sunshine?" napatigil akoy sa pag atras ng seryosong tumingin sa akin si Sky... Baka akala niya ako ang bumato sa kaniya kaya waka na akong ibang choice kundi itulak si Cloud paharap. Tumingin pa si Cloud sa akin at inismiran pa ako bago siya humarap kay Sky na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Ako ang..." hindi na natapos ni Cloud ang sasabihin niya kasi naman binato na agad siya ni Sky at sapul pa sa noo.. Napahawak nalang sa noo niya si Cloud at kaming dalawa naman ni Rain e pinipigilan ang pagtawa.

Naglakad na papasok sa banyo si Sky pagkatapos niyang binato si Cloud..

"Bakit mo naman kasi binato si Sky.. Ayan tuloy sapul ka sa noo... Hehehe" napahagikhik pa ako ng konti habang tinitingnan ni Cloud ang noo niya sa salamin.

"Bakit mo naman kasi ako tinulak balak ko na sanang tumakbo palabas"

"Sa akin na kasi nakatingin si Sky kaya baka akalain niyang ako ang bumato sa kaniya kaya no choice na talaga ako" Ang sadista talaga nitong babaeng to binatukan ba naman ako.

"Cloud nag blush on kaba? " nagtaka kaming tumingin kay Rain. Ano nanamang trip nito.

"Pero Cloud pinapaalala ko lang sayo ang blush on e para sa mukha hindi sa noo. " matagal tagal nag loading sa utak ko yung sinabi ni Rain hanggang sa napunta ang atensiyon ko sa noo ni Cloud.

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now