Chapter 28

1.6K 43 9
                                    

***

Vale_Amor

"The harder you get something, the greater the reward"

***

Sunshine's Pov

Umaga na at naghahanda na kami para pumasok. Nasanay na siguro ako sa pagiging nerd kaya parang wala nalang sa akin ang suot ko ngayon. Yun ngang pumunta kami sa beach e hindi ko na binibigyang pansin ang itsura ko. Kumakain kami ngayon ng breakfast at palihim kung tinitingnan si Sky mababaliw na kasi ako kakaisip kung bakit sila biglang naging close ni Kai tapos nagkita pa sila kagabi. Gusto kung sabihin kila Rain at Cloud pero baka malaman ni Sky magalit pa siya sa akin.

"What?" shit. shit hindi ko namamalayang nakatitig na pala ako kay Sky. Nakatingin siya sa akin na para bang huling araw ko na ngayon. Iling lang ang sagot ko sa kaniya kasi hindi ako makapagsalita.

Nagtatakang tumingin sa akin sila Rain at Cloud pero nginitian ko lang sila.

Pagkatapos namin kumain ay sumakay na kami sa elevator. Sa bawat floor na titigil ang elevator ay mas marami ang sumasakay at mas dumarami ang tumitingin sa amin. Mabuti sana kung palihim lang nila kaming tinitingnan e kung makatitig sila sa amin para na kaming matutunaw.

Binaliwala lang namin ang mga titig nila. Ito na ata ang pinakahabang oras sa pagsakay ko sa elevator feeling ko kasi ang bagal ng oras. Hanggang sa nasa lobby na kami at lumabas na kami ng elevator.. lumabas na kami ng building .. naglalakad na kami sa quadrangle.. naglalalad na kami sa hallway .. papasok na kami sa classroom at nakapasok na kami sa classroom. NAKATITIG PA RIN SILA SAMIN!! . Hindi lang student pati Teacher, at Janitor pati nga siguro langaw e napapatingin sa amin.

Naka upo na kami sa mga upuan namin pero nakatingin pa din sila sa amin at kung babalingan ko sila ng pansim e bigla nalang silang iiwas ANG CREEPY ano ba ang nangyayari? May dumi ba kami sa mukha? pa simple kung kinuha ang cellphone ko sa bag ko at pasimpleng tiningnan ang mukha ko pero wala namang pinagbago PANGIT PA RIN.

Yung mga kasama ko naman e wala naman silang pakialam para ngang hindi nila na papansin na pinagtitinginan kami. Busy kasi sila sa mga cellphone nila. Dapat sigurong magpaka busy na rin ako.

Nag laro na lang ako ng Flappy birds. Matagal na tong larong to pero kahit ilang beses ko na tong nilaro hindi pa rin umaabot sa three ang score ko. Si Rain nga e umabot sa 100 pero bakit ako hindi? Dahil ba matalino siya? O baka nandaya siya? Ang OA ko na talaga. Nag concentrate nalang ako sa paglalaro pero hindi talaga umaabot sa three ang score ko huhuhu.

Dumating na ang The King's nakita ko sa pheriperal view ko. Mas lalong hindi ako nakakapag concentrate naalala ko nanaman kasi yung sinabi ko kay Lee. Focus Sunshine .. Focus.. Makakaabot rin ang score mo sa three. Tinigil ko na ang paglalaro ko ng biglang dumating ang teacher namin.

May kasama siya at yun ang dahilan kung bakit sobrang ingay ng classroom namin. Nawala ang focus nila Rain, Cloud at Sky sa mga cellphone nila at nag angat sila ng tingin.

Tulad ko ay nagulat din sila pero may part sa akin na masaya.

Nasa harap kasi namin ngayon ang The Fall's. Sila Chess, Jim, Kai at Josh.

Tili ng tili ang mga babaeng classmate namin. Napansin kong nakatingin sa akin si Chess ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin siya sa akin. Mas lalong umingaw ang classroom ng ngumiti si Chess mas lalo kasi siyang gumwapo hehehe.

Pero bakit sila nandito?

Nasagot ang tanong ko ng biglang sabihin ni Ma'am na magiging kaklase namin sila.

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now