Chapter 20

1.9K 56 3
                                    

***

Vale_Amor

"I'm not upset that you lied to me, I'm upset that from now on I can't believe you." 
― Friedrich Nietzsche

Clouds POV

Sa Supermarket ang una kung pinuntahan, mamimili ako ng stock para sa bahay at dorm namin. Naglakad lakad ako tulak tulak ang cart, mga pampalasa muna ang inuna ko pero dahil nga hindi ako biniyayaan ng katangkaran hindi ko maabot abot ang isang pack ng suka kasi masyadong mataas.

"Miss maari ba kitang tulungan" nilingon ko ang nagsalita at naka mask siya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya pero ang suot niya ay uniform ng mall nato parang pang assistant. Tinulungan niya akong makuha ang suka.

Binigay niya to saakin at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla niyang hinubad ang mask niya at pinakita ang maamo at perpekto niyang mukha.

"Ako pala si Jim, " inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay pero hindi ko ito tinaggap kasi masyado siyang FC hindi ko na man siya kilala.
.
"Wag kanamang masyadong mataray. Nakikipagkamay lang ako sayo hindi pa naman ako nanliligaw."

"Wag karing masyadong FC " kinuha ko yung cart ko at iniwan ko na siya. Medyo malayo na ako ng bigla siyang sumigaw.

"Miss sa susunod na magkikita tayo sasabihin muna sa akin ang pangalan pangalan mo."

Nakakahiya pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh.

Nag patuloy lang ako sa paglalakad at namili ng mga dapat bilhin. Pumunta na ko sa counter para mag bayad .

Medyo maraming tao kaya pumila muna ako, mga ilang minuto din akong nakapila at sa oras na turn ko na ay kinuha ko na yung mga pinamili ko at pagkaraan ng ilang minuto ay magbabayad na sana ako pero namutla nalang ako ng biglang naalala kong hindi ko pala dala ang wallet ko.

''Miss pwede pong pakidalian kasi marami pa po kasing nakapila" sabi nung casher at hindi ko na alam ang gagawin ko !

Dali dali kung hinanap ang cellphone ko para tawagan sila Sky pero bago ko pa ito magawa ay biglang may lalaking tumabi sa akin at sinabing.

''Ako na ang magbabayad" sabi nung lalaki kanina at may binigay na credit card .Nagtaka ako kung bakit may credit card siya e hamak na assistant lang naman siya dito sa mall.

Hindi parin ako makapagsalita kahit nakalabas na kami sa supermarket nahihiya kasi ako . ISANG PRINSESA NA HINDI NAKAPAGDALA NG WALET SA SUPERMARKET nakakahiya yun pag nalaman ng mga tao at siya rin ang nagdala ng mga pinamili ko nakakahiya na talaga kaya nakayuko nalng ako. Naka receive ako ng text na uuwi na daw kami kaya hinarap ko na yung kasama ko.

"ah .. salamat pala sa pagbayad at..at sa pag dala ng mga pinamili ko" nanatiling tahimik parin siya nakatitig lang siya sa akin.

''May kapalit lahat ng ginawa ko'' seryosong sabi niya

''Ano yun?'' tanong ko sa kaniya

"Sabihin mo sakin ang pangalan mo at hindi na kita sisingilin sa binayaran ko" pangalan ko lang talaga ang kailangan niya eh halos 5000 ang nabayaran niya .

"Alam mo sir alam hindi ko alam ang pakay mo pero babayaran kita wag kang mag alala at Cloud ang pangalan ko at hindi ako mahirap sadyang naiwan ko lang talaga ang wallet ko. " umandar nanaman ang pagiging mataray ko . First time makapag grocery tapos ito pa ang nangyari? Nakakabadtrip!



Umalis na ako at pumunta sa tagpuan namin sa National Bookstore .

Nagpasundo na kami at dumiresto muna kami sa bahay sunod sa dorm .

Ako nanaman ang naging cook . Nakapagtataka nga at sobrang tahimik parang hindi lang ako ang nakaranas ng kakaiba ngayon.

×××

Vote!comment!Share!

Salamat sa pagbabasa!😄

Lovelots 💕

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now