Chapter 24

1.5K 36 1
                                    

***

Vale_Amor

"I don't trust people who don't love themselves and tell me, 'I love you.' ... There is an African saying which is: Be careful when a naked person offers you a shirt." 
― Maya Angelou

***

Sky's Pov

Pagkatapos kung mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto dahil nagugutom na rin ako. Hindi ko inaasahang makakasabay ko si Ice sa elevator. Tahimik lang kaming dalawa mabibingi kana nga sa katahimikan hanggang sa nasa ground floor na kami kung saan nandun ang kainan. Na una na ako sa kanya pero napapansin kung naka sunod siya sa akin baka nagugutom na rin siya. Pag pasok palang namin ay may dali daling lumapit kay Ice at kumapit sa braso nito ito nanaman yung babae kanina umirap pa siya sa akin pero pasensya na siya kasi wala akong pakialam. Pumunta na ako sa mga kaibigan ko na nasa iisang table kasama yung mga lalaki kanina.

"Ano ang nangyari sa inyo kanina Sky?" Tanong saakin ni Rain at tumingin din siya kay Kai.. Hindi ako umimik at mas pinag tuunan ang pansin ang nasa harapan namin .. Hindi lang pala sila mga gago ang lalandi din pala .. Mapapasuka nalang akong isipin na sa kaunting panahon ay nakakasama namin sila. Halikan nanaman sila hindi pa ba sila nag sawa kanina sa bus? Napatingin sa akin si Ice at hindi na ako nag abalang ibaling ang tingin ko sa iba tinitigan ko lang siya na para bang wala akong pakialam na nakatitig siya sa akin at tinaasan ko pa siya ng kilay siya pa ang unang umiwas ng tingin.

Binaling ko sa mga kasama ko ang atensyon ko at nakikinig padin pala sila sa kwento ni Kai tungkol sa nangyari sa amin kanina.

Dumating na ang mga pagkain at nag simula na kaming kumain.

"Ito ay napakalaking karangalan na kasama namin kayo sa hapunan mga mahal na Prinsesa" sabi ni Chess at bahagya pa itong yumuko at pati din itong tatlong lalakeng kasama namin. Masaya akong malaman na kahit ganito ang mga itsura namin ay may taong rumirespeto sa amin pero mahirap mag tiwala sa isang Knight.

"Wag kanang yumuko Chess baka ano pa ang isipin ng taong makakita.. Halos lahat nga ng tao dito sa atin naka tingin.. Ano ba kayo?" mahinang sabi ni Sunshine at tiningnan ko naman ang paligid namin at tama nga si Sunshine dahil halos lahat ng tao sa paligid nakatingin sa amin at pati din sa table nila Ice marami ding nakatingin at may iba pa na nagpipicture pa.

"Kami lang naman ang pinakasikat na banda dito sa Pilipinas.. " ang yabang naman ng isang to.. Ano nga ulit pangalan nito?

" Tss ang yabang" bulong ni Cloud na narinig naman naming lahat. Away nanaman to.

"Sinong mayabang?" Ahh naalala ko na ang pangalan niya pala ay JIM.. E paki ko ba sa pangalan niya..baka gago din siya...

"Yung nagsasalita"

"Totoo naman ang sinasabi ko mas nalamangan pa nga namin ang Bts dahil sa gwapo at galing namin sumayaw at kumanta atsyaka matatanda na din sila kaya ugod-ugod na sumayaw hahahaha"

"Being the best is not the way you excel in anything it's about your attitude after the success you achieve.. Being the best is about being humble even if you achieve the peak of your success.. That attitude of yours is not healthy." Si Rain nanaman at ang kanyang mga matatalinong salita.

"Being proud of what you achieve is not bad pero ilagay mo ito sa lugar" patuloy pa ni Rain kaya natahimik naman si Jim.

"Let's cut that topic" sabi ni Josh at nagpatuloy sa pagkain ganun din ang ginawa ng iba.

Pagkatapos namin kumain ay inimbetahan nila kami na manuod ng mini concert nila sa gilid ng dagat. Gusto nilang lahat na sumama pero ako lang ang hindi. Nag sinungaling akong masakit ang tiyan ko kaya pumayag na silang magpa iwan ako.

Four Princesses In DisguiseWhere stories live. Discover now