Chapter 5

827 53 2
                                    

Zael's POV

Nandito parin ako sa loob ng office ko kasama si Irish. Tinutulungan niya ako sa paghahanap sa mga footage since medyo nahihirapan kaming dalawa dahil walang exact time.

"Ito ba siya?" Turo ni irish. Tinignan ko ng mabuti ang babae at tama si Atasha nga.

"Siya nga" sabi ko. Lumabas siya mg backstage at nagmamadaling pumunta sa building A. Pumasok siya sa loob ng classroom at agad ding lumabas pero hawak hawak na nito ang bag niya. Sa girls comfortroom siya dumiretso pero ilang minuto na ay hindi parin siya nakakalabas.

"Anong ginagawa niya sa loob?" Tanong ni Irish.

"I don't know" maikli kong sagot.

Hinintay namin siyang makalabas ngunit walang Atasha na lumabas mula sa comfortroom. Pero may tatlong lalaki at dalawang babae na pumunta din ng comfortroom. Pero sa boys cr dumiretso ang tatlong lalaki.

(Author: duh! Alangan namang pumasok din sa girls cr hahahah)

Mabilis na lumabas ang boy no. 1 and 2 at sumunod ang girl no 1. Matapos ang tatlong minuto ay lumabas na ang dalawang natira sa loob ng boys cr at girls cr.

"So. Who do you think is the suspect?" Tanong ko sakanya.

"Aba malay ko. Bago mo itanong yan kailangan muna natin magkaroon ng information sa limang tao na yun" sabi ni irish.

"You have a point. Pero gusto ko muna malaman ang opinion mo" sabi ko.

"Para sakin imposibleng mga lalaki ang may gawa nun. Dahil hindi naman sila pwedeng pumasok sa girls comfortroom. Pwedeng isa sa dalawang babae na pumasok sa girls cr" sabi ni irish.

Tama si irish, pero...

Tinignan ko ulit ang cctv footage.

"Kung may dalang bag si Atasha papunta sa girls comfortroom bakit cellphone lang ang nakita ni mavi" sabi ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lalabas na sana ng opisina ko kaso istorbo talaga itong si irish.

"Saan ka pupunta? Sama ako" sabi niya.

"Wag na" sabi ko.

"Bahala ka sasama ako sayo" sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo kami sa parking pero bago 'yon ay tinawagan ko muna si mira at kit.

[Hey! We haven't found anything yet.] Ani ni kit sa kabilang linya.

"May nakita ako sa cctv lima sila kayo ang kumuha ng impormasyon sakanila. Makikita niyo sa office ko ang mga pagmumukha ng mga taong yon" sabi ko sakanila sa kabilang linya.

[Sige, pero nakita namin si puma] ani ni mira.

"What is he doing there?" Tanong ko.

[Sinukat niya ang footstep na nakita nila ni mavi sa girls comfortroom at base sakanya malabong babae ang nagtangka kay Atasha.] Ani ni mira.

"Nice, pakicheck na din kung may nag match ba sa taong may same size ng footstep. I'll see you all later" sabi ko at pinatay na ang tawag.





Mavi's POV

"Almira what are you doing here?" Tanong ko.

"Andito ako para sa kapatid ko" sabi niya.

"Anyway, did you tell your parents about this?" Tanong ko sakanya.

"Wala dito sa pinas ang parents namin" sabi niya.

"Eh may kilala ka bang kaaway nitong kapatid mo?" Tanong ko pa.

"Wala. Mabait si Atasha at wala siyang kaaway" sabi niya.

Tumango tango siya at nagpaalam na mag c-cr muna.






Naiwang magisa si Almira kasama ang kapatid niya ma hanggang ngayon ay tulog parin. Napatayo siya sa kinauupuan niya ng biglang may pumasok na doctor.

"Kailangan siyang ilipat ng room" sabi ng doctor.

"Ganun po ba? Sige po" sabi ng doctor at nilabas ang pasyente. Siya naman ay naiwan para hintayin si mavi.



(Now let's go back to mavi's POV)




Pabalik na ako sa room na inuukupahan ni Atasha ngunit pagbalik ko ay wala doon so Atasha at tanging si Almira lang ang naroon.

"Nasan ang kapatid mo?" Tanong ko sakanya.

"Pumunta dito kanina yung doctor ang sabi niya kailangan daw ilipat ng room" ani ni Almira. Tumango tango lang ako at lumabas ng room ngunit bago pa man kami makalabas ay mayroong pumasok na doctor.

"Nasaan ang pasyente?" Tanong ng doctor na may kasamang nurse.

"Nilipat niyo po ng room diba?" Ani ni almira.

"Ngayon pa lang ako pumunta dito para bisitahin ang pasyente. At hindi siya kailangan ilipat ng room" ani ng doctor.

"P-pero sino yung-"

Nalamukos ko ang mukha ko dahil sa inis.

Shit! Lagot ako kay kuya.

Lumabas ako at hinanap ang kumuha kay Atasha.

"Bwiset! Kamalasan!" Inis kong sabi.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si kuya na may kasamang babae. Si ate Irish.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni kuya.

"Nawawala si atasha" sabi ko.

"What!?" Sabay nilang sabi.

"Paano nangyari yun?" Tanong ni ate irish.

"May nagpanggap na doctor at sinabing kailangan siyang ilipat ng kwarto" pagpapaliwanag ko.

Bigla akong kinabahan sa pag tangis ng bagang ni kuya.

Baka bigla ako nitong suntukin.

Tawagan mo sila jaycee ngayon na.

"O-opo kuya" nauutal kong sabi.






To be continued.

I have plans for irish hihihi!

Comment niyo din opinyon niyo guys. Sino sa tingin niyo ang suspect at ano sa tingin niyo ang nangyari?

It's a bit confusing hahaha! Pati ako na coconfused!

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now