Chapter 11

686 40 4
                                    

Katherine POV

Kauuwi ko lang galing sa birthday party ni sir kaiden. Si kuya zael din ang nag hatid saakin pauwi.

"Nakauwi kana pala anak kamusta naman ang pinuntahan mong party?" Tanong ni mama.

"Ayos lang naman po ma" sabi ko.

"Osiya mag palit kana at magpahinga malamang ay pagod ka" sabi ni mama na tinanguan ko lang.

Alasotso palang ng gabi mabuti at hinatid agad ako ni kuya Zael. Alam kasi niya na working student ako at kailangan kong gumising ng maaga para pumasok at pagkatapos ng klase ay pupunta na ako sa trabaho.


ALASAIS na ng umaga at ready na ako para pumasok. Kinuha ko ang bag ko at ang baon ko tsaka nagpaalam kay papa na aalis na.

"Pa! Papasok na po ako" paalam ko.

"Magiingat ka anak" sabi ni papa at hinagkan ako sa noo.

Lumabas na ako ng bahay at pumara ng jeep.

NG makarating ako sa S.A.U ay nagtungo agad ako sa classroom namin. Nabalitaan kong may naganap nitong nakaraang araw lang. Naikwento kasi saakin ni kuya Zael ang tungkol sa pagtangkang pag patay at ang pag kidnap. At isa pa kaklase ko siya lols!




Someone's POV

[H-hello? Sino ba 'to?] Tanong niya mula sa kabilang linya

"Ako 'to hindi mo ba ako nakikilala?" Sabi ko.

[B-bakit ka tumawag sakin?] Nauutal nitong sabi.

"Gusto lang kitang kamustahin atsaka ang-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

[Ayos lang kami. Nangako ka noon na hindi mo na kami guguluhin kaya bakit ka pa tumawag?] Sabi niya sa galit na tono.

"Tsk. Ako ang nagbigay sayo niyan kaya wag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Pinapaalala ko lang ang utang mo saakin" sabi ko sakanya sa kabilang linya.

[Wag kang magalala gagawan ko ng para-]

"Kapag hindi mo nagawang bayaran ang utang mo siya ang kapalit nito!" Sabi ko.

[O-oo wag kang magalala babayaran ko naman ang utang ko sayo] sabi niya.

"Nakabantay lang ako sakanya at maling galaw mo lang ay buhay niya ang kapalit" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Tinapon ko ang sigarilyo ko at nagsindi ulit ng panibago.



Katherine POV

Habang naglalakad ako sa hallway ng building A ay nakita ko mula sa kalayuan si Atasha at si Mavi na naguusap.

Napakunot naman ang noo kong napaiwas ang tingin sakanila.

"Ano kayang pinaguusapan nilang dalawa?" Mahina kong sabi saaking sarili.

"Hi Kath!" Biglang sulpot ni Almira.

Nakangiti siya sakin habang may hawak hawak na notebook.

"Hello" sabi ko.

"Pwede mo ba akong turuan sa lesson natin kanina? Hindi ko kasi masyadong maintindihan" sabi niya.

"Ganun? Osige magkita nalang tayo mamaya sa library bago maguwian" sabi ko na ikinangiti naman niya.

"Yiee! Sige salamat ah!" Malapad ang ngiti niya ng sabihin niya iyon tsaka umalis.

Habang nakaupo ako sa bench at nagpapalipas ng oras ay may nakita akong pamilyar na lalake.

Naningkit ang mata ko par suriin kung matatandaan ko ba siya.

Tama! Siya yung gwapong lalaking nagtanong sa pangalan ko sa coffee shop na ina-applyan ko!

Baka interested siya sakin? Char!

Nasampal ko ang sarili ko dahil ang assuming ko masyado duh!

"Baliw kaba? Bakit mo sinasampal ang sarili mo?"

Napatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa tabi ko.

"Pisting yawa naman oh!" Sabi ko.

"Why are you slapping yourself woman" kunot noong sabi niya. "Are you crazy or like takas sa mental?" Sunod niya pang sabi.

Anyway ang katabi ko ngayon si kuyang nasa coffee shop! Pero grabe naman maka takas sa mental to!

"Grabe ka naman sa takas sa mental" sabi ko sakanya.

"Anyway may i ask your full name lady?" Tanong niya.

"Bakit? Interesado ka sakin noh? Crush moko noh? Uyyy aminin" sabi ko.

"Nah. I'm not curious lang ako kasi ang familiar ng mukha mo" sabi niya.

"Ay ganun" ano bayan! Akala ko pa naman nagkaroon ng himala at crush ako ng gwapong nilalang na to!

"So can you tell me?" Tanong niya ulit.

"Katherine Salom ang buong pangalan ko" sabi ko sakanya.

"Oh. Ako naman si Kio Hitomi" pagpapakilala niya.

"Ay japanese ka ghorl!? Kaya pala singkit ang mata mo kasi hapon ka" sabi ko.

Nakita ko namang inirapan niya ako.

Luh! Bakla ka cyszxt?!

"Bakla kaba?" Tanong ko sakanya.

"Wtf! I'm not! Do i look gay to you?" Sabi niya.

"Oa mo naman sis! Nagtanong lang ih" sabi ko at inirapan din siya pabalik.

"So can we be friends?" Sabi niya at inalok ang kamay nito.

"Sure!" Nakangiting sabi ko at nakipag kamay sakanya.




To be continued.

Hey guys! Madaming ganap sa mga susunod na chapters hihi!

I wonder kung sino yung someone at kung sino yung kausap niya, hmmm.

Any idea? Comment niyo dali! Hahaha!

Parang gusto ko iship si Atasha at mavi? Gusto niyo din ba? Comment kayo kung gusto niyo din haha!

Btw! I'm getting better na guys! Huhuhu!

I'll try to update more! Hihi love u my readers!

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now