Chapter 16

533 33 0
                                    

Third Person's POV

Napatingin si Katherine sa orasan na nasa wrist niya. Alasotso na ng gabi at naisip niyang kailangan na niyang umuwi dahil malamang ay nagaalala na ang mama niya.

Nagtungo siya sa garden kung saan naroon sila Zael at ang mga kaibigan nito.

"Kuya Zael kailangan ko na pong umuwi" pagpapaalam niya.

"Why don't you just stay here kath?" Sabi naman ni Mavi.

"Ih gagalet sakin si mama" sabi ko naman.

"Kung ganon ako na ang maghahatid sakanya" sabi naman ni kio.

"Sige, magiingat kayo" sabi naman ni Zael.

Tumango naman ang dalawa at nagtungo sa garahe kung saan naroon ang kotse ni kio na naka park.

"Ayaw mo bang kumain muna?" Tanong sakanya ni kio.

Umiling iling naman si Katherine bilang sagot nito sa tanong niya.

"Sure ka? Hindi kaba nagugutom? Since hindi ka kumain kanina" sabi ni kio.

Kinikilig naman si Katherine dahil sa sinabi nito.

"Shet wag kang ganyan kinikilig ako taena" sa isip isip niya.

"Uhm. Sa bahay nalang ako kakain" sabi ni Katherine.

Tumango naman si kio bilang pag sangayon sakanya.



NG makarating sila sa barangay maligaya kung saan nakatira si Katherine ay inihinto na ni kio ang sasakyan nito.

"Thank you" sabi ni Katherine.

"Teka ihahatid na kita" alok naman ni kio ngunit tinanggihan siya ni Katherine.

"Wag na, malapit lang naman na yung bahay namin onting lakad nalang" sabi ni Katherine.

"Okay. Sige ingat ka" sabi naman ni kio.

"Ikaw din! Drive safely" sabi ni Katherine at lumabas na ito sa kotse at naglakad papalayo.

Madilim na ang daan at wala ng masyadong tao sa barangay nila dahil gabi na rin at syempre ay nasa loob na ng bahay ang mga tao.

Habang naglalakad si Katherine at may nakita siyang pamilyar na lalake.

Napahinto siya sa paglalakad at tinignang maiigi ang lalake. Hindi siya maaaring magkamali dahil namumukhaan niya nga ang lalaking 'yon.

"Oh my gosh..." Mahinang sambit niya at nagtago. Palihim niyang sinusundan ang lalaki hanggang sa huminto ito. Nagtago ulit siya at ng maramdaman niyang wala na ito ay tsaka siya lumabas sa pinagtataguan niya.

Ngunit pag labas niya ay nawala na ito.

"Putek naman!" Mahinang sambit niya.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Boses 'yon ng lalake at hindi siya maaaring magkamali. Lumingon siya sa likod niya at bahagyang napaatras si Katherine.

"S-sinungaling ka!" Sambit ni Katherine sa lalaki.

"Kailangan kitang patahimikin!" Sabi ng lalake at lumapit ito sakanya.

Sinubukan niyang takbuhan ang lalake ngunit nahabol siya nito.

"T-tulong!!" Sigaw ni Katherine.

"Tulungan n-niyo a-ako.." hindi makapag salita ng maayos si Katherine dahil sakal sakal siya ng lalake sa leeg.

May hawak itong baseball bat at hindi ito nagdalawang isip na ipukpok ito sakanya.

Nahilo at nagdilim ang paningin niya at kasunod noon ay ang pagbagsak niya sa lupa.







Kio's POV

Paalis na sana ako ng makita ko ang naiwang panyo ni Katherine kaya lumabas ako sa sasakyan at pinuntahan siya sa bahay nila.

"Tao po" sabi ko. Bumukas ang pintuan ang bumungad saakin ang matandang babae na sa tingin ko ay mama ni Katherine.

"Ay sino ba ang gwapong lalaking  ito" sabi niya.

"Si Katherine po?" Tanong ko.

"Ay iho hindi pa siya nakakauwi" sabi niya. Napakunot ang noo ko sakanya.

"Kakahatid ko lang po sakanya" sabi ko.

"Hindi pa siya nakaka-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may narinig kaming sigaw.

"Tulong!!"

"Jusko! Boses iyon ng anak ko!" Natatarantang sabi niya.

Bigla akong kinabahan at napatakbo sa dereksyon kung saan ko narinig ang sigaw.

"Katherine!" Sigaw ko sa pangalan niya.

"Katherine anak!" Sigaw naman ng nanay niya.

Napahinto ako ng makita kong walang malay na nakahandusay sa lupa si Katherine.

"Jusko po! Ang anak ko!" Naiiyak na sabi ng nanay ni Kath.

"Ma'am ako na po ang bahala kay Katherine. Dadalhin ko po siya sa ospital" sabi ko na tinanguan naman nito.

Binuhat ko si Katherine at nagmamdaling maisakay siya sa backseat.






To be continued.

Kio to the rescue!!

Crush ko talaga si kio eh parang gusto kong ipartner si kio sa sarili ko char HAHAHAHA!

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now