Chapter 21

539 38 0
                                    

Someone's POV

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng matanda ng sampalin siya ng lalaking kausap niya.

"Anong hindi mo kaya!? Kailangan mong gawin 'to para sa anak mo!" Galit na sabi ng lalake.

"Hindi ko kayang ipagpalit ang anak ko" sabi nito.

"Anong hindi!? Kailangan mong gawin dahil kung hindi wala akong ititira sa pamilya mo!" Sabi ng lalaki sa matanda. "Baka nakakalimutan mo ang utang mo! Kapag hindi mo ginawa ang inuutos ko sayo buhay niyo ang kapalit nito!" Pagbabanta nito.

Napabuntong hininga ang matanda. "Maawa ka sa pamilya ko wag mo silang papatayin" sabi ng matanda at may bahid sa boses nito ang takot.

"Gawin mo ang pinaguutos ko kung gusto mo pang mabuhay ang pamilya mo" sabi nito sa matanda.

Umalis ang matanda kasama ang anak nito.

"Pa ano ng gagawin natin?" Tanong sakanya ng anak.

"Wala tayong ibang paraan anak kundi ang sundin siya" sabi ng kanyang ama.

"Pa hindi ko ata kaya" sabi niya.

"Kahit ako, pero mas hindi ko kaya kung papatayin niya kayo" sabi ng matanda sa anak niya at niyakap ito at hinagkan sa noo.




Zael's POV

Bitbit ko ang bag ko na may laman na extrang damit at kung ano pang kailangan ko. Pupunta kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Baguio para makapag bonding na din naman.

Si elaina ang nag suggest nito at siya din ang nag libre samin pati ang hotel na tutuluyan namin ay siya din ang nagbayad.

Rich kid noh?

Ganyan talaga pag isang De Loughrey. Maganda din naman si Elaine maarte nga lang at conyo. Maganda talaga lahi ng parents ni Elaina lalo na ang lahi ni tito Westley.

Magaling kasi atang bumuo si tito Westley at tita tina eh. Choss

"Hoy tanga wag mong ubusin!" Sabi ni kit kay jaycee dahil ng kumuha si jaycee sa chichirya ni kit at padakot.

"Damot mo!" Sabi naman ni jaycee.

"Binigyan kana nga tas madamot!" Ani naman ni kit.

"tama na nga yan guys lagi nalang kayong nag aaway" sabi naman ni Elaina.

"Oo nga naman pupunta na nga tayo ng baguio para makapag chill eh tas aaway pa kaqyo diyan" sabat naman ni puma.

"edi wow porkit nilibre lang tayo ni elaina eh" sabi naman ni kit.

Habang nasa byahe kami ay puro asaran lang ang naganap saamin. Sila kit kasi ang may pasimuno.





NG makarating kami sa hotel na tutuluyan namin ay bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng hotel.

Inasikaso naman kami ng hotel staff at binigay saamin ang key card para sa hotel room namin.

Hindi kami magkakasama sa isang room kaya separate kami ng mga kaibigan ko. Magkakasama sina kit, elaina, mira, mavi at puma.

Habang kasama ko naman sina lucas, jayvee, jaycee at kio.

"Gagi delubyo ang magaganap kila kit" sabi ni jayvee.

"Oo nga noh" sabi naman ni jaycee. Nakuha ko ang ibig sabihin nila dahil nagsama sama ang mga makukulit lalo na si kit, elaina at puma.

Papasok palang kami ng sa hotel room namin ng biglang bumukas ang pinto ng room nila mavi at iniluwal noon si mira.

"Tulong!" Sabi ni mira at lalabas sana siya pero bigla siyang hinila ni kit at puma.

Napailing iling naman kaming lima.

"Kawawang mira bugbog" sabi ni lucas.

"Taena yung kapatid mo pagsabihan mo para kasing lalake kung kumilos" sabi ni jaycee kay lucas.

"Tomboy ata yun eh" sabi naman ni jayvee.

"Lagot siya kay mama" sabi naman ni lucas.

Pumasok na kami sa loob at ng makapasok kami ay may dalawang pintuan doon na sa tingin ko ay kuwarto.

"Kaming dalawa nalang ni jaycee ang magkasama" sabi ni jayvee at pumasok sa isang kwarto.

Kaming tatlo naman nila kio ay pumasok a kwarto na may tatlong higaan.

"Ako sa gitna vro kasi special ako" sabi ni lucas.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko kung may message 'yon.

[From Irish:

Hi baby loves! Nakarating na ba kayo sa Baguio? Replyan mo ako kapag nakarating na kayo ah. :3]

[To Irish:

Kararating lang namin. Mamaya kana tumawag magpapahinga muna ako]

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko ng tumunog agad 'to.

Akala ko ay galing kay Irish ang message pero hindi 'yon galing sakanya.

Galing 'yon sa unknown number kaya tinignan ko kung ano ang minessage niya sakin.

"The hell" anas ko.

Picture kasi ang sinend non at ang picture na iyon ay ang puntod ng kapatid kong si Jerzel at puntod ni mommy.

Agad ko iyong iniscreen shot at sinend kay daddy.

"Ano yun Zael?" Tanong naman ni kio.

"Loom at this" sabi ko at pinakita sakanya ang sinend saaking picture.

"Sino nagsend sayo niyan?" Tanong niya.

"Hindi ko alam" sabi ko.

Bigla namang may kumatok sa pinto ng hotel room namin kaya agad ko 'yong pinagbuksan.

"Kuya someone sent me this picture" sabi saakin ni mavi at pinakita ang picture na nasa cellphone niya.

It was a picture of mom and our sister.

What does it mean?

Tinignan ko ang number pero magkaibang number ang nagsend saakin at nagsend kay mavi.

"Someone sent me a picture too puntod naman iyon ni mommy at jerzel" sabi ko sakanya.

"Bakit kaya kailangang isend sainyo yan" sabi naman ni lucas.

"Maybe the person who sent us these pictures wants to tell something. Or there's a meaning behind these pictures" sabi ko.

"Kailangan malaman to ni dad" sabi naman ni mavi.

Dinial niya ang number ni daddy at hinintay nito na sagutin ni dad ang tawag.

"Bat ganun cannot be reach" sabi niya at ididial pa sana ang number ni daddy ng pigilan siya ni kio

"Maybe tito kaiden is busy" sabi ni kio.

"Sabagay" sabi naman ni mavi.

I went inside my room at umidlio muna. Mom and Jerzel is already dead so I think there's nothing special sa pagsend ng picture na 'yon.




To be continued.

Eto na guys! Malapit na.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora