Chapter 32

597 40 13
                                    

Nagising si katherine sa isang madilim na silid at sa madilim na silid na 'yon ay hagulgol lang ng isang bata ang naririnig niya. Sobrang dilim kaya't hindi niya magawang makita ang batang umiiyak kaya sinundan na lamang nito ang direksyon kung saan mas dinig ang iyak ng isang bata.

Habang dahan-dahang naglalakad si katherine ay para siyang nakakaapak ng bubog dahil sa bawat paghakbang ng mga paa niya ay nasasaktan ito at naninikip ang dibdib. At parang pumapasok sa isipan niya ang bawat sinasabi ng bata.

"Mommy... daddy... kuya... nasaan na po kayo"

"Ayoko na po dito. Natatakot na po ako"

Tumulo ang butil ng luha ni katherine ng makalapit siya sa bata. Niyakap niya ito upang kahit papaano ay kumalma siya. Ngunit sa kasamaang palad ay tumagos lamang ang mga braso nito kaya't nagulat si katherine at napatingin sa mismong palad nito.

"P-patay na ako.. hindi pwede! Hindi ako pwedeng mamatay!" Sambit niya sa sarili ngunit naramdaman niyang parang sumisikip ang paligid niya at napapikit.


Pagmulat niya ay nasa mansyon na siya ni kaiden.

Tatlong bata ang nakikita niya na nasa hardin. Ang dalawa ay naghahabulan at ang isa ay nagbabasa ng libro.

"Kuya mavi pagod na ako! Ikaw naman ang taya" sabi ng batang babae.

"Kailangan mo muna akong mataya jerzel!" Sabi ng batang lalaki at nagpatuloy ito sa pagtakbo.

"Kuya zael ang daya po ni kuya mavi!" Sumbong ng batang babae.

"Anong ako ang madaya, eh ikaw nga ang madaya diyan!"

Bigla namang may lumabas na babae na may dalang pagkain.

"Oh nagaaway nanaman kayo ng kuya mo"

"Si kuya po kasi mommy eh!"

Nakatitig lang si katherine sakanilang apat habang tumutulo ang luha niya sa hindi malamang dahilan.

Bigla namang nasilaw si katherine kaya't napatakip siya ng mata at kasabay non ang pagharap sakanya ng isang babae.

"A-astraea?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Patay kana... ibig sabihin patay na din ako" sabi ni katherine sakanyang sarili.

Umiling iling si astraea at hinawakan niya ang kamay ni jerzel.

"Nagkita ulit tayo anak" masayang sabi ni astraea ngunit may luhang kumawala sa mata nito.

"Anak?" Naguguluhang sabi ni kath.

"Ikaw ang anak kong si jerzel" lumuluhang sabi ni astraea. Hinawakan niya ang pisngi ni katherine.

"Matagal na kitang gustong makita anak ko. Masaya ako at mabait ang mga taong kumupkop sayo" sabi ni astraea.

Bigla namang pumasok sa isipan ni katherine ang lahat ng mga alaalang nawala sakanya at kasabay non ang pagkawala ng malay niya.



Kio's POV

Ako ang naiwang magbantay kay katherine ngayon dahil umuwi ang mama niya at si zael naman ay pumasok at si tito kaiden ay nasa trabaho.

Kaya ako ang nag boluntaryang may bantay muna kay katherine.

"Please wake up katherine" sabi ko sa tulog na si katherine.

"Sana naririnig mo ako... Please gumising kana, I haven't confess my feelings to you. So please wake up" sabi  ko sa walang malay na si Katherine.

"Kath please magpalakas ka. Malulungkot kami kapag nawala ka, lalo na ako..." sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya.

Bigla namang may kumatok mula sa pinto kaya lumabas ako at nakita ko ang mama ni katherine.

"Salamat sa pagbantay kay katherine. Magpahinga kana sainyo, ako na ang bahala sakanya" sabi nito.

"Sige po. Kapag kailangan niyo po ng tulong tawagan niyo lang po ako" sabi ko at binigay ko ang calling card ko na tinanggap naman niya.

Naglakad ako palabas ng ospital at habang naglalakad ako palabas ay nag ring ang cellphone ko.

[Kamusta si kath?]

"Okay lang po tito kaiden" sabi ko sakanya sa kabilang linya.

[Thank you sa pagbantay kay katherine kio. You're really a good friend] sabi ni tito kaiden.

"It's nothing espesyal na din po saakin si kath and I'm willing to help" sabi ko.

[Thank you kio. By the way, I'll see you later] sabi ni tito kaiden at pinatay na ang tawag.



To be continued.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now