Chapter 25

458 37 2
                                    

Katherine's POV

Nilingon ko si kio ng makarating kami sa harap ng bahay namin.

"Thanks" sabi ko sakanya.

"Wala bang pahug diyan?" Kio said and he spread his arms while waiting for me to hug him.

"Kailangan ba 'yon?" Tanong ko.

Tumango tango naman siya at nag pout pa ang loko. "Hug mo na ako napagod ako mag drive eh" sabi niya.

Aw! Ang cute para siyang bata! Hahaha!

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Tinugon naman ni kio ang yakap ko at may ibinulong.

"Mi felicidad" mahinang sabi niya.

"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ko sakanya ng kumalas kaming dalawa sa pagkakayakap.

"Wala sabi ko you're welcome" sabi niya.

"Ahh anong lenggwahe 'yon?" Kunot noong tanong ko sakanya.

"Spanish" sabi niya.

"Wow marunong ka pala mag salita sa ibang language!" Natutuwang sabi ko sakanya.

"Yep. Osiya kailangan ko ng umalis" paalam ni kio.

"Teka ano sa spanish ang take care?" Tanong ko sakanya at napangiti naman siya ng sabihin ko 'yon.

"Te amo means take care in spanish" nakangising sabi ni kio.

"Te amo" nakangiting sabi ko sakanya.

"Te amo también Katherine" nakangiting sabi ni kio bago siya tuluyang umalis.

Nakangiti ako ng makapasok ako sa bahay at nakita ako ni mama.

"Nakauwi kana pala anak, hinatid kaba ni kio?" Tanong ni mama.

"Opo ma" Sabi ko.

"Kaya naman pala ngiting ngiti ka" sabi ni mama.

"Masaya lang po" sabi ko kay mama.

"Osiya magtungo kana sa kwarto mo at magpalit ng damit" sabi ni mama na tinanguan ko lang.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Inayos ko ang higaan ko at kinuha ko ang cellphone ko. May missed call si kio kaya tinawagan ko siya na agad naman niyang sinagot

"Bakit tumawag ka?" Tanong ko sakanya sa kabilang linya.

[Miss na kita] sabi niya sa mahinang boses.

"Edi wow kio matulog kana nga" sabi ko sakanya.

[Mamaya na usap muna tayo] sabi niya mula sa kabilang linya.

"May pasok pa tayo bukas" sabi ko.

[Sabay tayo bukas susunduin kita dyan sainyo] sabi naman ni kio.

"Sige. Sure ka ah" sabi ko naman.

[Yey! Babye mi amor!] Masayang sabi niya.

"Ano naman 'yang mi amor na 'yan?" Tanong ko kay kio sa kabilang linya.

[Sabi ko goodnight] sabi niya naman.

"Sige na babye mi amor!" Sabi ko at inend ang tawag.

Pinatay ko ang ilaw at humiga para matulog.



Third Person's POV

Magkahawak kamay si kaiden at Astraea. Masaya silang dalawa dahil nagkasama na din sila.

"Kaiden namiss kita" sabi ni Astraea at tumingkayad para maabot si kaiden at hinalikan siya sa pisngi.

"Magkasama na ulit tayo Irish" sabi ni kaiden at tumigil sila sa paglalakad at humarap para yakapin ang isa't isa.

Puno ng pagmamahal at pagkaulila ang pagyakap nila sa isa't isa.

"Wag mo na ulit akong iiwan mahal" naluluhang sabi ni kaiden.

Hinawakan ni Astraea sa pisngi si kaiden at marahang pinunasan ang butil ng luhang kumawala sa mata nito gamit ang hinlalaki niya.

Magkatitigan silang dalawa at batid ni Astraea na anu mang oras ay maaaring magising na si kaiden sa realidad.

"Si jerzel hindi ko pa siya kasama at hindi mo rin siya kasama. Magiingat ka kaiden" sabi ni Astraea. "Magiingat kayo ng anak natin, mahal na mahal ko kayo. Kung sana lang ay pwede akong mabigyan ng ikalawang buhay para lang makasama pa kayo at para makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa anak natin. Kung pwede lang ako mabigyan ng pangalawang buhay para mahalin ka ulit sa pangalawang pagkakataon." Tumulo ang luha ni Astraea at niyakap ng mahigpit si kaiden.

"I love you so much Irish. Hanggang sa muli"

"Hanggang sa muli, kaiden"



Nagising sa kalagitnaan ng gabi si kaiden at hindi siya makapaniwala sa panaginip niya. Nagkita silang muli ng asawa niya at para sakanya ay 'yon ang pinaka magandang panaginip para sakanya. Dahil kahit sa panaginip lang 'yon ay nagkaroon pa rin siya ng chance na makita ang yumaong asawa niya.

"Hanggang sa muli..." Mahinang sambit ni kaiden sa sarili.






To be continued.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now