Chapter 27

502 36 4
                                    

Katherine POV

Palabas na ako ng classroom ng biglang humarang si kio sa may pintuan.

"Tara!" Sabi niya at biglang kinuha ang bag ko at siya ang nagdala non.

"Saan?" Tanong ko sakanya.

"Sa bahay nila mavs d'ba inimbitahan ka ni tito Kaiden sakanila" sabi niya.

Patay! Makikita ko nanaman yung Jerzel!

"Hala shet! Kailangan ko pala umuwi ngayon kasi ano..."

"Kasi ano?" Kunot noong sabi niya.

"Kasi.. may gagawin ako" palusot ko.

"Mamaya na yon hindi din naman tayo magtatagal" sabi niya.

"Anong tayo ako lang noh uuwi agad ako" sabi ko sakanya.

"Nope. May pupuntahan tayo" sabi niya.

"Saan?" Tanong ko kay kio.

"Secret malalaman mo mamaya" sabi niya sakin.

Tumango tango nalang ako at sumunod sakanya.

"Katherine" tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?" Anas ko.

"I'm just wondering where did your scar came from?" Tanong niya habang ang atensyon niya ay nakatuon sa pagmamaneho

"Nakalimutan ko na eh" sabi ko sakanya.

"Alalahanin mo" sabi naman niya. Hindi ko na siya pinansin bagkus ay tinuon ko sa ibang bagay ang atensyon ko.





Ng makarating kami sa bahay ni sir Kaiden ay pumasok kami sa loob at dumiretso sa garden nila. Naroon sila kit at ang iba pa nilang kaibigan.

Kami kami lang din ang nandito hindi ko nga alam kung bakit pa ako sinama dito eh hindi naman nila ako kaano ano or something close na relatives nila or what.

"Bakit parang ang layo ng itsura niya sa mga kapatid niya noh?" Bulong ko kay kio.

"Nahalata mo din yun?" Hindi makapaniwalang sabi ni kio.

"Oo kaya" sabi ko.

"Nice akala ko ako lang eh" sabi ni kio.

"Kio, what if crush ka parin ni Jerzel hanggang ngayon?" Tanong ko kay kio.

"Okay lang pero hindi ko masusuklian pagka crush niya sakin kasi may iba akong gusto eh" sabi ni kio na ikinagulat ko.

"Hoy! Magkaibigan tayo. May nagugustuhan ka pala hindi ka nagsasabi" sabi ko sakanya.

"Hindi ka naman nagtatanong eh" sabi ni kio.

"Eh sino ba?" Tanong ko.

"Hindi ko sasabihin" nakangising sabi niya.

"Tss. Damot!" Sabi ko. "Hint naman diyan oh" sabi ko sakanya.

"Kaibigan ko din siya" sabi niya.

"Oh kaibigan mo pala eh! Edi sabihin mo sakanya" sabi ko.

"Baliw hindi naman ganun kadali yun nahihiya kasi ako eh. Atsaka baka pag umamin ako hindi na niya ako kausapin tsaka iwasan na niya ako o kaya hindi niya ako gusto" sabi ni kio.

Potek ang nega naman ng lalaking to!

"Gaga ka wala namang masama kung itry mo!" Sabi ko sakanya. "Wala naman mawawala sayo kung umamin ka ang mawawala lang is yung kaibigan mo hahahahah!" Sabi ko pa.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now