Chapter 28

579 38 6
                                    

Zael's POV

Nakaupo lang ako sa sofa habang tinitignang umaarte ang magaling kong kapatid. Paiyak iyak pa siya dyan akala naman niya walang nakakita sa ginawa niya kanina.

Paka sama!

"Kuya? Bakit nakaupo ka lang dyan?" Tanong ni mavi.

"Gusto ko eh" sabi ko sakanya.

Kumunot ang noo niyang nakatingin saakin at nabawi din 'yon ng dumating si daddy.

"Jerzel anak okay kana ba?" Tanong ni dad kay Jerzel.

"Opo" sabi niya naman.

"Pasensya kana sa nangyari kanina. Dapat nag eenjoy ka ngayong araw na 'to." Sabi ni dad.

"Gosh so plastic" sabi ko at naglakad palabas ng bahay.

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ko yon dahil balak kong pumunta sa bahay ni irish. Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita eh.

Hindi naman sa miss ko siya. Para kasing hinahanap ng sarili ko yung presence niya.




Ng makarating ako sa bahay ni irish ay nakita ako ng kasambahay nila kaya pinapasok kaagad ako.

"Where is she?" Tanong ko.

"Nasa kwarto niya po sir" sabi ng katulong.

"Okay, I'll wait for her" sabi ko at umupo sa mahabang sofa nila sa living room.

It was my third time to visit here. Yun nga lang ay matagal na nung huling punta ko dito.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Tambay lang" maikling sabi ko.

"Bawal" Sabi niya.

"Pwede" sabi ko naman.

"Bawal nga" sabi pa niya.

"Bakit bawal?" Tanong ko.

"Kasi pupunta dito yung boyfriend ko" sabi niya.

Napatingin ako sakanya ng nakataas ang kanang kilay ko.

"You have a boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Yep! Kaya umalis kana baka makita kapa niya dito" sabi ni irish.

"Oh okay" Sabi ko at walang sabi sabing lumabas ng bahay niya at sumakay ulit sa kotse ko.

Kainis! May boyfriend na pala siya hindi man lang nagsabi!

Tss... Umay!






Irish POV

Sampung minuto na ang nakalilipas ng makaalis si Zael dito sa bahay.

Hindi man nga lang nagpaalam eh bigla nalang umalis. Badtrip siguro yun sakanila kaya nagpunta dito.

Anyway. Bakit naman siya dito tatambay kung may condo unit naman siya.

Baka namiss niya ako? Char! Sige asa pa tanga!

"Anak!" Rinig kong boses ni mommy.

Yey! Nandito na si mommy at daddy!

Niyakap ko kaagad si mommy at daddy ng makapasok sila. Grabe! I miss them so much. Ilang buwan ko din silang hindi nakasama dahil sa business trip nila.

"May dinala ka bang lalake dito?" Tanong ni daddy.

"Wala po dad" sabi ko.

"May nanligaw ba sayo nung wala kami?" Tanong pa ni daddy.

"Wala dad. Yung taong gusto ko nga hindi ako bet eh tas may manliligaw pa sakin" sabi ko.

"You still like Zael?" Tanong ni mommy.

"Yah mom. Still him" Sabi ko at dumiretso kami sa kusina.

Pagdating namin doon ay nakahanda na ang mga pagkain na pinaluto ko sa mga katulong namin dito.

"It's okay anak hangga't may buhay may pagasa. Baka irish yan!" Sabi ni daddy.

"Aw thanks dad! Supportive talaga kayo ni mommy" sabi ko.



Katherine POV

Alasais na ng gabi at kasama ko parin si kio. Hindi kami dumiretso sa bahay dahil gusto ko muna makalimutan ang nangyari kanina kaya nirequest ko siya na mamasyal muna kaming dalawa.

"Katherine" tawag sakin ni kio kaya nilingon ko siya.

"Nagugutom kaba? May gusto ka bang kainin?" Tanong sakin ni kio.

"Busog pa ako noh atsaka kakakain lang natin kanina ah" sabi ko sakanya.

Kung si kio ang magiging boyfriend niyo panigurado palagi kayong busog at tataba kayo dahil hindi niya kayo hahayaang magutom atsaka caring siya. Bukod sa bubusugin ka niya sa pagkain bubusugin kapa niya sa pagmamahal hahaha!

"Oo nga pero baka kasi nagugutom ka ulit eh" sabi niya. Umiling iling naman ako sakanya bilang sagot.

"Kio kung sakali ba na sabihin kong wag na tayong maging magkaibigan papayag kaba?" Tanong ko sakanya.

"Bakit? Gusto mo bang tayong dalawa nalang kaya ayaw mo ng magkaibigan tayo?" Sabi niya naman na ikinatawa ko.

"Baliw hindi! Kaloka ka naman! I mean is yung ano lalayo na tayo sa isa't isa" sabi ko pa.

"For me hindi ako papayag kasi wala namang dahilan para lumayo tayo sa isa't isa eh pero kung 'yan ang gusto mo it's okay rerespetuhin ko kung ano ang desisyon mo" sabi niya.

"Eh paano kung may dahilan? Ayaw ko naman talaga napilitan lang ako" sabi ko pa sakanya.

"Anong dahilan naman yun?" Tanong niya.

"Basta"

"Dipende pero wag naman natin layuan yung isa't isa okay na sakin yung minsan lang tayo magpansinan pero wag naman natin layuan ang isa't isa" sabi niya pa. "Pero hindi mo naman ako lalayuan d'ba?" Dugtong niya.

"Hindi" maikling sagot ko sakanya.

"Bakit parang hindi ka sigurado?" Sabi niya.

"Sigurado ako noh" sabi ko sakanya at bigla ko nalang siyang niyakap.

Hindi ko alam pero nalulungkot ako pero at the same time naiiyak. Napakahirap para sakin nalayuan si kio dahil pakiramdam ko ay kapag nilayuan ko siya ay parang may malaking parte ng bagay ang nawala saakin.



To be continued.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now